REALITY MOVIE
AUTHOR WILLY VERANO
CHAPTER 1Limang personalidad ang pumayag sa isang larong tinatawag na Reality Movie para sa inaasam asam na limpak limpak na salapi na kanilang magiging pabuya.
Ang Reality movie na ito na kung saan papasok sila sa isang mga deadly o tragic na eksena sa Movie sa pamamagitan ng mga aparatong ikakabit sa kanilang mga ulo sa loob ng chamber.
At kailangan nilang makaligtas sa eksena ng movie na iyon At hindi sila pwede mamatay sa Movie Scene dahil lahat ay pawang katotohanan. Dahil kapag namatay sila sa movie mamamatay din sila sa reyalidad.
Sino sino kaya ang magtatagumpay?
At sino sino ang mamamatay?Ang limang personalidad na ito ay sila Tyrese, Josh, Rocco, Alice, at Gamby.
"Kayong lima buhay ang nakataya rito at nakapirma na kayo sa isang kasunduan kaya wala na akong kasalanan at pananagutan kung ano man ang mangyari sa inyo. At kung may magtatagumpay man? Asahan ninyo tulad ng napag usapan ibibigay ko sa bawat makakasurvive ang halagang pinangako ko sa bawat isa inyo. At bago pa mag simula ang lahat para sa kaalaman ninyo pitong Movie Scene ang papasukin ninyo simple lang ang rules ang ligtasan ang inyong kamatayan! Tandaan ninyo kapag namatay kayo sa scene na iyon mamatay rin kayo sa reyalidad. " Sabi ni Prof Godeen na siyang nakapag imbento ng Virtual game na connected sa Movie.
Palihim ang pagsasagawa nito kaya naman wala itong authorized ng gobyerno gayunpaman nais niyang subukan ang excitement habang pinapanood ang limang kalahok sa pitong movie scene na napili niya. At dahil sa kanikaniyang rason hindi na nag back out pa ang limang kalahok kailangan nila ng pera maraming pera at ito na ang pinakamadaling paraan kahit na buhay ang nakataya sa REALITY MOVIE VIRTUAL GAME na iyon.
At agad na ngang inihanda ni Prof. GOODEN ang mga aparato at pinasok na niya ito sa kanikanilang Chamber. At sa pagpasok nila Roon ang mga Aparatong nasa loob ay authomatic na dumikit sa kanilang mga katawan karamihan ay sa ulo. Dahil utak ang pinaka Main Source upang makapasok ang Player sa Virtual Movie Game na iyon.
At sa iglap napadpad na sila sa Unang Eksena sa Movie na kailangan nilang Ligtasan. At tila Mahaba ang tulog nilang lima at nagising na lamang sila na nasa isang Train at nakasuot ng pang Base Ball Player. Hindi man sila mag kakatabi mag kakatapat naman ang mga upuan nila at agad sila nag kakitaan.
"Anong eksena ito? Tulog naman ang lahat? May mangyayari ba rito?" Tanong ni Tyesse.
"Wow gusto ko itong Baseball uniform ko? Pero hindi ko ma getz yung nakasulat korean ba ito?" Sabi ni Josh.
"Oo Korean yan? Tapos na sa Train tayo? Huwag mong sabihing..."Sabi ni Rocco na tila alam na kung nasaan sila.
"Parang ito na nga iyon..." Sabi ni Alice.
"TRAIN TO BUSAN tama ba? Pero Bakit ito pa! Ang First Scene? Anak ng zombie naman! Tara pumunta na agad tayo sa unahan para maligtasan agad natin ito!" Sabi ni Gambi.
Nang biglang isang babaeng ang pumasok sa bagon na kinaroroonan nila. At ito tila pasuraysuray pa kung maglakad. namumuti at nanlilisik pa ang mga mata nito at sabay sabay silang lima napatitig roon at alam nila ang babaeng iyon. Iyon ang babaeng infected na nakapasok sa Train kaya naman naging kumplikado ang lahat sa loob ng Train.
At habang nagsisimula na nga ang first scene movie na kailangan nilang ligtasan sa movie na TRAIN TO BUSAN. kung saan tulog na tulog pa ang mga baseball team na pawang mga estudyante pa. Napaisip si Gambi.
"Ano kaya kong ibahin natin ang eksena? Patayin na natin ang babaeng iyan! Bago pa siya makakagat ng iba." Mungkahi ni Gambi.
"Pwede rin! At kapag napatay agad natin siya? hindi na magiging Tragic ang Scene na ito!" Pag sangayon ni Rocco.