DAMAY GANTI
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Isang paghihiganti ang hindi inaasahang magaganap, sa apat na magmakakaibgan na sina Darlyn, Jerson, Nick, at Jake. Isang paghihiganti na hindi nila alam kung ano ang pinag ugatan nito?
Nagsimula ang lahat sa isang gabi, ng naglalakad pauwi si Jake sa isang madalim na bahagi ng esknita na lagi naman niyang dinadaanan, dahil ito ang ruta patungo sa tahanan nila.
Sanay na si Jake na dumaan sa madilim na eskinitang iyon ngunit kakaiba ang gabing iyon, dahil sa may naramdaman siya na ikinapapanindig ng kanyang balahibo.
Dahil tila may sumusunod sa kanya, na hindi niya nakikita ngunit nararamdaman niya kaya napatakbo na lamang siya sa madilim na eskinitang iyon.
At napalingon pa si Jake ng sandaling iyon upang tignan kung may humahabol nga sa kanya? Ngunit wala siyang nakita at sa muli niyang pagharap isang tao sa hindi kalayuan ang kanyang nakita.
Alam niyang tao iyon bagamat madilim, ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa dilim ng eskinitang iyon.
At ng kumilos ito nakadama siya ng takot, at bahagyang napaatras hindi niya mawari ngunit nakakadama siya ng takot sa taong iyon.
Kayat napapaatras na lamang siya ng biglang maglaho ito sa paningin ni Jake. Na kanyang ipinagtaka ngunit ang kasunod nito isang kamay ang humawak sa kanyang balikat, kinalabutan siya sa kamay nito na animoy mula sa kailaliman ng lupa.
At sa paglimgon niya hindi niya inaasahan ang makikita, isang babaeng walang mukha ang kanyang nasa likuran alam niyang babae ito dahil sa mahaba nitong suot at pananamit, ikinatakot niya kanyang nakita napasigaw siya ngunit animoy walang boses ang lumalabas sa kanya.
Matapos nun matapos siyang hawakan nito napaluhod siya, at sumuka ng dugo nagsususka siya na animoy tila maisusuka na niya ang kanyang mga laman loob.
Nagpatuloy ang kanyang pagsuka ng dugo hanggang sa ikamatay niya ito, at humandusay ang katawan ni Jake sa madilim ng eskinitang iyon kasabay ng paglaho ng babaeng walang mukha.
Kinabukasan naging laman ng balita ang pagkamatay ni Jake, nakita na lamang itong tila naliigo sa sarili niyang dugo.
Labis itong ikinalungkot ng kamag anak ni Jake at maging ang tatlo niyang malapit na mga kaibigan na sina Darlyn, Jerson, at Nick maging ang pulis ay hindi alam kung murder ba ito o hindi? Dahil hindi ito matatawag na pagnanakaw dahil walang nawalang gamit kay Jake.
Ang mga doctor naman hindi maipaliwanag ang dahilan ng paglabis ng pagsuka ng dugo ni Jake, na labis niyang ikinamatay.
Kayat nanatiling misteryoso ang pagkamatay ni Jake, ilang araw ang lumipas matapos mailbing si Jake, hindi nila inaasahan na masusundan na naman ito at ngayon naman ay si Nick ang tila magiging biktima nito.
Sa kanyang apartment na inuupuhan abalang nanonood si Nick ng penikula sa kanyang sala ay biglang namatay ang ilaw, agad napasulyap si Nick sa labas ngunit may mga ilaw naman sa labas kaya sa tingin niya nagkaroon ng problema ang kuntador ng kuryente o wiring.
Gamit ang flash light ng kanyang phone, sinadya niyang tunguin ang kuntador upang tignan kung may sira ito.
At pagtungo niya roon laking pagtataka niya na nakababa ang kuntador niya sa apartment.
"Paanong nakababa ito?" Tanong sa sarili ni Nick, at agad niyang pinasya itaas muli ito para buhayin ang kuryente sa kanyang apaerment.
Ngunit sa kanyang paghawak niya sa kuntador, isang kamay rin ang humawak sa kanya na kay lamig na animoy galing sa ilalim ng lupa, agad itong naghatid sa kanya ng kilabot gayunpaman agad niyang itinaas ang kuntador ng kanyang kuryente upang magkailaw at lumiwanag.