FACE MASK
BY WILLY VERANOAko si Luwee isang Call Center Agent. At tulad ng karamihan apektado rin ako ng lumaganap na Covid Virus sinong bang hindi? Lahat naman apektado mapamayaman man o mahirap...
Gabi na iyon bandang 10: 00 pm..
Pauwi na ako at nag aabang ng pampaseherong Jeep. At swerte namang nakasakay agad ako at may ilang pasehero din sa loob at syempre pa naka socila distancing kami para iwas hawahan sa Covid Virus.Ayos naman ang biyahe..
Walang ka trapik trapik..
At sa patuloy na pag usad ng jeep.
Nagparahan na nga iba pang mga pasahero at tatlo na lang kaming naiwan sa loob Jeep.Ang Driver..
Ako..
At ang lalaking Pasaherong katapat ko sa upuan..At hindi ko naman talaga tangkang tignan ang lalaking katapat ko. Kaya lang napapansin ko yung Face Mask niya basang basa na talaga...
At sa palagay ko laway niya iyon..
Laway niya ang bumabasa sa Face Mask niya.."Grabe naman mag laway ito?" Anong problema niya?"sa isip isip ko.
At napansin na niyang tumitingin tingin ako sa kaniya. Kaya agad itong umiwas sa akin pero ganoon pa rin patuloy pa rin ang paglalaway niya..
At Sobra na ang paglalaway niya sa lumipas mga minuto. Tumutulo na nga ito sa pika sahig ng Jeep na sinasakyan namin..
At hindi na nga ako mapalagay pa sa kinauupuan ko. Nais ko kasing kausapin na siya para alamin kung ano ang problema at baka may itulong ako sa kaniya.
Pero...
Bigla niyang pinara ang Jeep at dali dali siyang lumabas ng Jeep at tumakbo pa ito. Pero naiwan na nga nito sa pagmamadali niya ang bag niya. Kaya dali dali na rin akong bumaba para ibalik sa kaniya ang naiwan niyang bag.
"Teka lang yung bag mo naiwan!"tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang nagtungo sa isang Eskinita.
Alam ko nadinig niya ako dahil nilingon pa nga niya ako...
Pero hindi siya huminto at nag patuloy ito sa pagpasok sa isang eskinata. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag sunod sa kaniya sa Eskinita Pero hindi ko na siya nakita pa..
Ang nadatnan ko na lang roon ay ang damit niyang suot na nagkalat sa Eskinita. Kasama ang Face mask niyang basang basa ng kaniyang sariling laway...
END.