PASENSYA NA PSYCHO LANG
BY WILLY VERANOPinapanood ko ang isang babaeng..
Nakagapos ang kamay at Paa habang nakabigti pa ang leeg nito...Hindi naman siya nasasakal ng husto sa lubid sa kaniyang leeg. Dahil nakaapak siya sa isang upuan at ito nga ang sumusuporta upang hindi siya mabigti ng tuluyan.
Ang lalim ng bawat hinga niya at bakas sa mga mata niya ang labis na Takot. Nag pupumilit pa rin siyang kumawala pero hindi niya talaga magawang kalagan ang sarili. At sa pagpupumilit niya kumawala kamuntikan pa niyang maitumba ang kinatatayuan niyang upuan..
Kaya buong akala niya katapusan na niya iyon at tuluyan na siyang mabibigti...
'"Pakiusap pakawalan mo na ako! Nakikiusap ako sayo... Ayaw ko pang mamatay maawa ka sa akin maawa ka...
Awang awang ako sa babae habang nag susumamo ito. Lumuluha siya habang takot na takot at hindi magawang iligtas ang sarili..
"Wala akong kasalanan sayo! Ano bang nagawa ko? Hindi tayo magkakila? Bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Pakiusap naman pakawalan mo na ako..
Wala nga siyang Idea sa kung bakit siya nasasadlak sa ganoon kalagayan. Sadyang nakakaawa talaga siya mamamatay siya sa hindi niya malamang dahilan?
"Pakiusap... Pakawalan mo na ako.."muli na naman nitong pakiusap para sa buhay niya.
Kaya naman....
Ako ay tumayo na sa aking kinauupuan. Dahil Sapat na sa akin ang pag mamakaawa niya para pakawalan ko na siya..
"Pakakawalan na kita awang awang na ako sayo eehh..... Nakokonsensya na ako..
"Salamat... Salalamat."lumuluha pang pagpapasapalamat ng babae sa akin.
"At nga pala wala ng ibang rason kung bakit ka Naririto ngayon sa harapan ko. sa isang taong tulad ko na hobby lang pumatay ng tao...
Nakangisi ko pang sabi..
Sabay sipa sa upuan na kinatatayuan niya.
At habang unti unti siyang nabibigti na.. pinagsasaksak ko pa siya sa katawan
Habang makikita ang ngiti sa aking labi...Oo...
Pinalaya ko siya..
Pinalaya ko siya sa masalimuot niyang
Sitwasyon sa pamamagitan ng kamatayan..."PASENSIYA NA PSYCHO LANG."
SAMBIT KO MATAPOS KONG PASLANGIN ANG BABAE.END