SALAKAY SA DILIM
BY WILLY VERANO
ONE SHOT STORYMalalim na ang gabi
At kasalukuyang naglalakad pa nga rin sa daan si Vince...Kaka out pa lamang niya sa kaniyang Trabaho at kailangan pa nga niya lakarin ang isang madilim na kalsada patungo sa sakayan upang siya ay makauwi na..
"Hanggang ngayon wala pa rin ilaw ang mga poste ng ilaw rito? Nakababahala na tuloy dumaan rito dahil sa dilim. Baka maging puntahan ito ng mga masasamang loob"sa isip isip nga Ni Vince habang naglalakad sa madilim na kalsada. Wala naman din kasi siyang ibang dadaanan kundi iyon.
Halos higit na isang buwan na pundi ang mga ilaw ng poste roon at hindi pa nga ito inaasikaso ng mga nangangasiwa sa lugar na iyon. Kaya Minamadali na nga lang ni Vince ang paglalakad upang malagpasan ang madilin na kalsada.
Nang biglang....
Nakaramdam na lang siya ng isang tao sa likuran niya. Na kanina pa nga nag aabang ng mabibiktima. At ramdam nga din niya ang nakatutok na nitong patalim sa kaniyang likuran....
"Hold up ito...
Kung hindi ka papalag..
Hindi ka masasaktan."pag babanta nga ng lalakeng holdaper sa kaniya.At napataas na nga lang ng kamay si Vince sa takot nga sa Holdaper. At isinagawa na nga nito ang pagkuha ng Pera at ilang kagamitan niya.
"Boss baka pwede mag tira ka kahit kaunting pera kahit 500 lang pangkain lang namin."pagsusumamo nga ni Vince.
"Manahinik ka! Kukunin ko lahat huwag ka ng umapila pa kundi todas ka."pagbabanta nga muli ng Holdaper sa kaniya..
Nang biglang..
"Aaaaahhhh!"
Sigaw ng Holdaper ng bigla ngang may kumalmot sa likuran niya..
At dahil sa dilim hindi nila gaano makita kung sino nga iyon. Pero kitang kita naman nila ang namumula at nanlilisik nitong magkabilang mata.."Aaahhhhh!"
Muling sigaw ng Holdaper..Dahil muli nga nitong sinalakay ang Holdaper pero sa pagkakataon na iyon hinugot na niya ang puso nito.
At dala ng labis na takot hindi na nga magawa pang makatakbo pa ni Vince."Pakiusap huwag mo ako papatayin may asawa at anak ko umaasa sa sila sa akin."pagsusumamo nga ni Vince habang takot na takot ito...
At ang Nilalang na ito ay medyo naaninag na niya. Habang palapit na ito ng palapit sa kaniya.
May katamtamang lang itong laki subalit mabalahibo ito na kulay itim....
At nilapitan na nga siya nito dala dala ang mga nagkalat niyang pera at inilagay malapit sa paanan niya. At agad na nga itong umalis dala dala ang sariwang puso ng Holdaper....
"Aswang...
Aswang ba ang nilalang na iyon...
Ibang iba siya sa inaakala ko at ng karamihan napakabuti niya .."hindi makapaniwalang sabi ni Vince.At mula ng gabing iyon nag iba ang pananaw ni Vince sa mga aswang.
Sa kaniyang pananaw ngayon para silang pangkaraniwang tao lamang.
May masama...
At may mabuti...END.