ASWANG SA TONDO?
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Isang karumdumal na pagpaslang ang sinapit ng isang lalaking Residente ng Tondo Manila.
Wakwak ang katawan nito! At wala na ang laman loob maging ang puso nito! Pero ang kagamitan ng biktima ay naroon pa rin at walang nawala ni isa sa mga ito.
Kaya naman kahit moderno na ang panahon! May nagsabi na kagagawan ito ng isang aswang! Dahil ang mga aswang hindi magkakainteres sa mga kagamitan ng mga taong pinapaslang nila!
At ang pakay nila ay kumain ng laman loob ng tao! Upang manatilng buhay sa haba ng panahon.
May mga hindi naniniwala patungkol sa sinabi ni Mang Terong isang Albularyo na Residente Tondo!
"Wala ng aswang! At kung meron man nakita na siya ng mga tambay dito sa Tondo! Tiyak bugbog sarado iyon! Kahit aswang pa siya!" Sabi ni Carpio isang Tanod.
"Oo nga napaka imposibleng may aswang sa tondo? At hindi naman totoo ang mga aswang! Isa lang kapani panipaniwala rito! May Killer! Isang Serial Killer! Kaya walang aswang kalokohan lang yan." Sabi naman ni Benjie Residente ng Tondo.
Maya maya pa nag datingan na ang mga pulis na may kasamang medics, para sa pag recover ng bangkay. At ayon din sa mga pulis tao lang may gawa nito, malamang daw ang gumawa ng pagpaslang ay miyembro ng sindikato na nagbebenta ng laman loob ng tao.
Ngunit pinagpilitan pa rin ni Mang Terong ang kaniyang hinala..
"May aswang.... At aswang ang may gawa niyan! Patuloy pa rin silang namumuhay kahit sa modernong panahon natin ngayon." Paniniyak ni Mang Terong.
Sa paggiit muli ni Mang Terong na may aswang sa Tondo, pinagtawan na lamang siya ng mga ito kaya naman umalis na lamang si Mang Terong. At bumalik sa kaniyang pamamahay.
"Mapilit talaga ang matanda na iyon? Aswang? Sa Tondo pa? Hahaha!" Sabi pa ni Resty isa sa mga useserong tambay ng Tondo.
"Oo nga, masyado na siyang nananatili sa mga matatandang paniniwala? Kunsa bagay matanda nga naman siya." Sabi ni Benjie.
"Sige na! Mag si alis na kayo wala na ang bangkay rito. Nakakaabala kayo sa daan!" Sabi ni Carpio isang tanod.
At nagsi alisan na rin ang mga ito sa crime scene. Habang si Mang Terong sa loob ng kaniyang pamamahay ay hindi pa rin kumbinsido na isang sindikato lamang ang may gawa ng pagpaslang na iyon.
At malakas talaga ang kutob niyang may aswang sa Tondo! At papaslang pa ito ng papaslang kundi ito masusugpo agad. Marami pang mabibiktima kaya kailangan tugisin at patayin! Ang pinaniniwalaan niyang aswang sa Tondo?
Kaya naman sa pamamagitan ng Tawas, at sa pag litanya ng Orasyon. Balak niya matukoy kung nasaan ang mga aswang. Nang biglang mapaatras siya kaniyang kinaupuuan. Dahil komorte ang Tawas na parang may isang buong pamilya.
"Pamilya ng aswang? May pamilya ng aswang sa Tondo! Mas delikado pa ito sa inaakala ko.." Nababahalang sabi ni Mang Terong.
Ngunit hindi niya mabatid kung saan ito naninirahan, ang alam lamang niya at nakakatiyak siyang may Pamilya ng Aswang sa Tondo! At sinisimulan na nila ang pamamaslang
Mula ng mabatid niya sa kaniyang pagtatawas ang pangitaing nag tutukoy sa pamilya ng aswang sa tondo kung saan siya naninirahan ngayon. Naging mapagmasid si Mang Terong sa bawat pamilyang nasa paligid niya.
Ngunit sa dami ng mga tao naninirahan sa tondo, hindi rin mabilang ang bawat pamilyang meron sa Tondo. Kaya mahihirapan talaga siya tukuyin kung sino sa mga Taga Tondo ang pamilya ng mga aswang.