HULING BIYAHE
BY WILLY VERANOAko si Obet isang Taxi Driver..
Meron akong Third Eye at normal na lamang sa akin na makakita ng multo. Mula pa noon kaya normal na lamang sa akin ang lahat.At sa taglay kong ikatlong mata..
Napag alaman ko na nga na Iba iba ang wangis ng mga kaluluwa..May mga kaluluwang parang normal tao lamang...
Sila yung kaluluwang sadyang hindi lang tanggap ang kanilang pagkasawi at patuloy pa rin sila namamalagi sa mundo ng mga buhay.May mga duguan rin na kaluluwa..
Sila naman yung madalas na namamatay sa aksindente, o mga Krimen. Sila yung madalas na nag hihintay ng kanilang Hustisya bago lisanin ang mga mundo ng mga buhay.At may mga multo naman na.
Na Nais lang mag pahatid sa kung saan
At doon mananahimik na ang kanilang mga kaluluwa pag dating nila sa nais nilang destinasyon..At marami na akong naka encounter na multo na tulad ng mga iyon....
At bilang Driver hinahatid ko na lamang sila kung saan man sila patungo..
Sa palagay ko yung mga multo na iyon. Ay mga biglaan ang pagkamatay at nais lang nilang mapuntahan ang kanilang destinasyon na naudlot lamang dahil sa kanilang kamatayan.
At kapag naihahatid ko na sila sa kung saan man nila nais....
Nakikita ko ang mga ngiti sa kanilang Labi. At sa mga ngiti na lang iyon kahit paano masaya na ako dahil sa matatahimik na ang kanilang mga kaluluwa..
Pero sabi nga...
Ang lahat ay may hangganan din...
Dahil ngayon isang itim na elemento ang sumasakay sa aking Taxi...
May hawak itong Karet....
At tanging ulong bungo lamang niya ang nakikita ko.....Sa mga sandaling iyon....
Alam ko na....
Na ako naman ang siyang susunduin niya at dadalhin sa aking Huling Destinasyon..Marapat lang sa akin ito
Dahil dati akong mamatay tao..
Kahit nag bago na ako..
Marami pa rin akong inutang na buhay...
At wala iyon kapatawaran..END .