VEGETARIAN CANNIBAL
BY WILLY VERANO
CHAPTER 2Pasado 1:00 am na..
At hindi pa rin dalawin ng antok si Michael..Takam na takam na siya kumain ng karne. Patuloy pa rin ang paglalaway niya na hindi niya mapigilan. Hindi na nga naisip niya pang mag punta sa Refegirator nila dahil Mga Gulay lamang ang nilalaman ng Ref Nila at hindi na iyon nais ng sikmura niya.
"Karne... Nais ko ng karne...."paulit ulit na sambit ni Michael sa isipan niya.
At dahan dahan nga nito binuksan ang pinto ng kuwarto. Agad niyang tinignan kung nakabantay na naman sa kaniya ang kakambal niya. Pero ito nga ay nasa loob na ng sarili nitong kuwarto.
"Ayos wala yung asungot kong kambal
At dali dali na lumabas ng bahay si Michael. Balak niyang magpunta kay Manong na nag titinda ng Burger. 24/7 kasing bukas ito at makikiusap siya rito na bigyan siya ng Burger at bukas na lamang niya babayaran.
"Karne... Karne...
Labis nga agad ang pagkatakam ni Michael sa Karne ng unang beses niyang makakain nito...
Dahil na rin lagi na lang gulay ang kinakain nila mula pa noon.
Kaya naman bilang pure Cannibal. At unang beses niya makatikim ng karne. Mas umigting pa nga ang pananabik nito sa karne sa sandaling panahon lamang dagdagan pa ng pagkakatilkim din niya ng dugo ng tao at kapirasong balat na mula kay Justin .
At dahil dis oras na ng gabi iyon.
Nakita nga siya ng isang tanod na romoronda.."Hoy Bata dis oras na ng gabi huh? Gumagala ka pa? Halika sumama sa akin sa Brgy Hall."sabi ng Tanod at tinapatan pa niya ng Flash Light ang Mukha ni Michael.
At gulat na gulat ng tanod ng makitang naglalaway si Michael. At inaakala pa nga niya nababaliw ito.
At bigla na lamang sinungaban siya ni Michael. At agad agad kinagat ni Michael ang lalamunam ng Tanod.
'Aahhhhh!!
Mahinang sigaw lamang ang nagawa ng tanod. Dahil nga sa lalamunan siya kinagat ni Michael.
Agad nawalan ng buhay ang tanod habang patuloy sa pag bulwak ang dugo nito sa nawasak niyang lalamusan.
Habang si Michael ay takam na takam na nakatingin sa wala ng buhay na tanod.
At hindi na nga nakuntento pa si Michael na pagmasdan lang ang wala ng buhay na tanod. At sinimulan na niyang bukahin pa ng husto ang sugat nito sa piningas niyang lalamunan ng tanod..
Kaya mas bumulwak pa ang sariwa nitong dugo na mas ikinatakam pa lalo ni Michael. At simulan niyang ipasok ang kamay niya sa loob ng katawan ng tanod mula sa Leeg nito.
Damang dama ni Michael ang init sa loob ng katawan ng tanod. At nakakapa niya ang Ribs ng Tanod pati na rin ang mismong baga nito.
Pero mas ikinasaya niya ng mahawakan niya ang puso ng tanod at dali dali niya itong hinawakang mahigpit at hinugot palabas sa katawan ng tanod.
"Ito pala talaga ang puso? Kapag malapitan at hawak hawak ko pa! At hindi ko ma explain... Pero sa tingin ko pa lang sa puso na ito ay talagang natatakam na ako."sabi ni Michael habang hawak hawak ang puso ng tanod.
At dala ng katakaman.
Sinimulan niya itong kainin na animoy isang mansanas lamang para sa kaniya."Ang sarap! Napakasarap mas masarap pa sa Karne..."sambit ni Michael habang patuloy sa pagkagat sa Puso ng tanod.
Hanggang sa..
May nakarinig siyang mga yabag ng paa.
At iyon nga ay galing sa mga kasamahan pang Tanod na napaslang niya. At patungo na nga ang mga ito sa eskinata na iyon.