PARAMDAM SA BAGONG TAHANAN

13 0 0
                                    

PARAMDAM SA BAGONG TAHANAN
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

AKO SI JERRY..

Isa akong Manager sa isang Fast Food Restaurant.

Bumili ako ng isang bahay para naman may sarili na kaming bahay..Ng aking magulang at dalawa ko pang nakababatang kapatid.

May kataasan naman ang sweldo ko bilang manager. At inipon ko ang ilan sa mga ito upang makabili ng bahay at hindi na kami nangungupahan pa.

Sinekreto ko sa magulang ko at dalawa kong nakababatang kapatid ang nabili kong bahay. Dahil nais ko i sorpersa sila sa mismong kaarawan ng aming Ina. Na sa sakto pa sa darating na Mothers day.

Isang buwan na nakakalipas ng nabili ko ito sa dating naninirahan roon. At paminsan minsan kapag sinasabi kong mag oovertime ako sa Work ay nag i stay lang ako sa nabili kong bahay.

Noong una at pangalawang beses na pag stay ko roon.. Ayos naman ang lahat pero nooong pangtatlong beses ako nag stay sa nabili kong bahay. May kung ano ano na akong nararamdaman na hindi pangkaraniwan dahil ito ay isang Paranormal Experience.

Isang gabi mahimbing ako natutulog sa kuwarto ng nabili kong bahay. Nang wala ano ano...

Bigla na lamang tila may humihila ng kumot ko at naalis ito sa pagkakumot sa katawan ko. Pero sa una hindi ko naman gaano binibigyan pansin ito. Pero hindi lang pala iyon ang mga kasunod na kaganapan na gigimbal at ikatitindig balahibo ko.

Dahil kasunod ng pagkahila ng kumot ko. Dinig na dinig ko at kitang kita ko ang kaliwat kanan na pag pihit ng door Knob ng pinto ng kuwartong kinaroonan ko.
Doon pa lamang lumakas na ang kabog ng dibdib ko..

Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko at tinampal tampal pa ang pisngi ko. Dahil pakiwari ko nanaginp lamang ako. Dahil iyon din ang gusto kong ipinawila sa sarili ko na panaginip lang ang lahat.

At ilang sandali pa tumigil na tumigil na rin sa pagpihit ang door Knob ng pinto. At doon nakahinga ulit ako ng maluwag at sinabi ko sarili ko na guni guni ko lamang ang lahat wala dapat ako ikatakot. Pero kahit ganoon sadyang binalot na ako ng Hilakbot..

At bigla na lamang may sumaklob sa mukha ko na isang napakahabang buhok. Nagulat ako at agad itong hinawi. At pagkatingala ko nakakita ako ng multong lumulutang!

At Ang pagkakalutang niya animoy ineexorcist ng isang Pari...

Tinignan ako nito masama habang ulo niya ay dahan dahan umiikot. At kasabay ng pag sigaw nito kasabay din nun ang pag yugyog ng kama na animoy lumilindol at pagkahulog ng ilang mga kagamitan..

Hindi ko na nga kinaya pa ang mga kaganapan at doon nawala na ako ng malay sa labis na takot kahit gaano ko pa tatagan ang sarili ko.

At Kinabuksan..

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pangyayari na iyon. At alam ko sa sarili ko na hindi iyon panaginip lamang. Kaya dali dali ko tinawagan ang dating may ari ng bahay na iyon. Dahil baka may madilim na nakaraan ang bahay na iyon na hindi man lang niya sinabi sa akin.

Pero bigo ako at hindi ko na nga makontak pa ang dating may ari ng bahay na iyon..

Kaya naman naghanap na lamang ako ng albularyo para sana ay palayasin ang masasamang Espiritu o multo sa nabili kong bahay. Para maging komportable namin itong matirahan.

At ang nahanap ko na albularyo ay kung tawagin si Mang Ambo isang beterenong albularyo.

At sa pagpasok pa lamang niya sa nabili kong bahay. Agad itong napahinto at animoy nakakaramdam agad siya ng nakakahilakbot na presinsiya....

"May nararamdaman ako......
Sabi nito na may pagkaseryoso pa ang tinig.

"Nararamdam ninyo na agad? Sabi na nga ba hindi lamang panaginip iyon."sabi ko naman.

At muling nag salita si Mang Ambo...
At sinabi na niya ang nararamdaman nakakahikabot na presensya. Na mas higit pa sa multong gumagambala sa akin..

"Nararamdaman ko na karamihan sa nagbabasa nito ay wala Jowaaa........
Walang Jowa.....

"Awwtt.. ang sakit... ako din kasi walang Jowa."sabi ko na lamang sa sarili ko.

End...

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon