VEGETARIAN CANNIBAL CHP 4

12 0 0
                                    

VEGETARIAN CANNIBAL
PART 2
CHAPTER 1
BY WILLY VERANO

Sa nakaraan...

Si Michael ay kusa na sanang isusuko ang sarili sa mga Pulis. Para pag dusahan ang pagpaslang nga niya kay Kimmy at Justin.

Subalit hindi nga nangyari ito sa kadahilanang pinigilan siya ng kapatid ng kaniyang ama ang kaniyang tiyuhin. Pinatulog siya nito at dali dali nilang isinkay sa kotse.

At dinala sa lugar nila sa kung saan naroon pa ang mga kalahi nilang cannibal. Na mamumuhay din kasama ng mga pangkaraniwang tao.

At nagising na nga lang si Michael sa isang kuwarto...

Agad ngang naalala ni Michael na may mga dumakip sa kaniya bago siya mawalan ng malay.

"Nasaan ako? At sino ang mga taong iyon?" Pagtataka ni Michael.

At agad niya niligid ang paningin niya sa bawat sulok ng kuwarto. At may maliit nga na Table sa tabi ng kinahihigahan niyang kama at doon may isang Plato na naglalaman ng sariwang puso ng tao. At isang puting baso na naglalaman naman ng sariwang dugo ng tao..

"Hindi.... Ayaw ko na! Ayaw ko ng kumain ng laman ng ta0! Gusto ko maging normal! Gusto ko mamuhay ng normal!"sigaw ni Michael at agad niya itinapon sa sahig ang mga nakahandang sariwang puso at sariwang dugo na para sa kaniya.

At dali dali niya pilit binubuksan pinto.subalit naka lock ito mula sa labas at gawa pa ito sa bakal at wala din bintana siyang lalabasan.

"Pakawalan ninyo ako! Hayahan ninyo na ako isuko ang sarili ko! Nag sisisi na ako sa mga nagawa ko! Pakawalan ninyo ako! Pakawalan ninyo ako!"

Subalit..
Kahit anong pagsusumigaw ni Michael ay wala siyang tugon na nakamit. Kaya napasandal na lang siya pintuan habang kumakalan ang tiyan sa gutom.

"Hindi..
Ayaw ko na...
Hindi na ako kakain pang muli
Ng tao.."lumuluhang sabi ni Michael habang patuloy ang pagkalaman ng kaniyang sikmura..

Samantala sa tahanan naman ni Rafael ang kasintahan ni Michelle. Malungkot niyang pinagmamasdan ang mga larawan nilang magkasama sa kaniyang Cellphone. At agad nga itong napansin ng kaniyang ina.

"Anak naman kalimutan mo na ang Michelle na yan! Dahil diyan sa kasintahan mong cannibal na yan! May iilang mga taong lumalayo sa atin! Kaya kalimutan mo na ang babaeng yan! Bata ka pa anak! Marami ka pang makikilala na mas higit pa sa kaniya! At yong mas karapatdapat sayo! Huwag yang mamamatay tao na iyan!."muling panenermon ng kaniyang ina.

"Nay naman.. Porke nalaman lang natin ang pagkatao niya? Ganoon na ninyo siya kinamumuihan...
Mabait po si Michelle alam ninyo po yan... At Mahal ko si Michelle at isa pa nangako po ako sa kaniya na mag hihintay ako sa pag laya niya at hindi ako bibitiw sa pagmamahal ko sa kaniya."sabi ni Rafael.

"Rafael... Ayaw kong malahian tayo ng dugo ng Cannibal na mamatay tao! Kaya Kalimutan mo na ang babaeng yan! Pakiusap naman"muling giit ng ina ni RafAel.

"Nay... Hindi na lang po ako makipagtatalo pa sa inyo.. bilang pag respeto ko sa inyo bilang aking ina..."magalang na sabi ni Rafael at pumasok na lamang ito sa kuwarto...

At sa pagpasok nga ni Rafael sa kuwarto..
Agad kinausap nito ang ama ni Rafael..

"Yung anak natin pag sabihan mo yan! Masyadong baliw sa babaeng iyon."inis na sabi ng ina ni Rafael sa kaniyang asawa.

"Hayahan mo muna ang anak natin. Matatauhan din yan at magmamahal ng iba. Ako din naman ayaw ko mapangasawa ng anak natin ay may dugong Cannibal."Tugon ng ama ni Rafael.

"Kung alam lang natin noon pa? Jusko p0! Nakakahiya! At pinatuloy pa natin ang babaeng iyon rito."muling sabi ng ina ni Rafael.

Samantala sa kinaroronan muli ni Michael...
Nakatulog na nga lang ito habang tinitiis ang gutom...
At doon ay nagbukas na ang pinto may security Camera sa loob nito. Kaya alam nila ang mga nangyayari kay Michael.
At sa pagbukas nga nila ng pinto nakasalampak na sa sahig si Michael.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon