MUKBANG

20 0 0
                                    

MUKBANG
{EAT ALL!}
AUTHOR WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

MUKBANG...

Ang tawag sa ginagawa ng mga tao sa You Tube. Habang kumakain ng pagkarami raming pagkain na hindi normal para sa isang tao?

Ang iba sa mga nag Mumukbang ay sumisikat din. At sila ang tinatawag na Mukbang Star. At ang Mukbang na nasa aspetong pagkain ay kanila ng pinagkakitaan bilang mga Mukbang Star.

Ang ibang mga Mukbang Star, ay minsan gumagawa ng mga Extreme na pagkain, para makaagaw ng pansin sa You Tube. Tulad na lamang ng may kumakain ng sariwang Karne? O pugitang buhay pa at gumagalaw galaw pa ang mga galamay.

Gayunpaman.....

Marami pa rin ang naaliw sa Mukbang na nagsimula sa Korea, na ginagawa na rin ng ilan pang mga bansa..

At umabot na rin ito sa Pilipinas..

At isang Grupo ang nais gamitin ang Mukbang para sa pansirili nilang hangarin...

Nais nilang kumita ng limpak limpak na salapi sa pamamagitan ng Mukbang.

At gagamit sila ng mga batang Homeless o mga pulubi, aalukin nila itong papakainin kapag ito ay sumama sa kanila.

Pero ang tunay nilang layunin..

Ay gutumin ito sa loob ng isang linggo at pakainin ng kakarampot lamang. Bago pakainin ng pagkarami rami sa harap ng camera, sa mga Pagkain nais nilang ipakain sa mga ito.

Mga pagkain na hindi mo iisipin na kainin, pero dahil gugutumin nila ng Husto ang mga ito.

Mapipilitan silang kumain upang ang kalam ng kanilang sikmura ay maibsan...

At ang MUKBANG nila ay hindi lamang mapapanood sa You Tube..

Mapapanood lamang ito sa Deep Web Site...

Sa kasalukuyan meron silang anim batang bihag na, naglalaro ang mga Edad  sa 9 to 13 tatlong babae at Tatlong Lalaki.

Si Diane ay nasa 13 na, at si Mac ay nasa 13 na rin. Sila ang pinakamatanda sa anim na bihag na mga bata tulad nila.
At ang pinakabata ay si Mhila na nasa edad 9 bihag rin ang kuya niya na si Boyet na nasa edad 11.

Kapwa mga pulubi sila sa malawak na lansangan ng siyudad, mga pulubing pinapahalagahan ang bawat piso na meron sila. At matiyang iniipon upang may makain lamang.

At kung wala talaga at hindi sapat ang kanilang pera naiisipan nilang kumain ng mga tira tira mula sa mga Restaurant.

At minsan naghahanap din sila ng makakain sa basurahan mismo, at animoy para na silang mga aso o pusang kalye na naghahanap ng makakain. Maibsan lamang ang kalam ng sikmura.

Umiiyak na sa gutom ang iba pang mga batang bihag, sila ay nakakulong sa isang kulungan na para sa aso lamang. Ngunit doon sila nakapiit sa maliit na espasyo ng kulungan ng aso.

Tag iisa ng kulungan ng aso ang bawat batang bihag. At doon sila pinapakain ng kakarampot lamang sa loob ng isang linggo. Bago pakainin ng pagkarami rami kapag gagawa na sila ng Mukbang Video.

At doon na rin sila Dumudumi o umiihi at pinapaliguan na lamang sila sa Hose ng tubig habang sila ay nasa kulungan ng aso.

Para sila ay hindi mangamoy masyado. At sila na mismo nagsasabon sa sarili nilang katawan sa sabon na ibinibigay sa kanila kapag sila ay papaliguan na ng mga ito.

"'Aahhh, mama.. Papa..." Umiiyak na sabi ng batang si Jimboy na nasa edad 10.

"Gutom na kami... Pahingi po ng pagkain!" Sabi naman ni Jessa edad sampo.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon