HANAKO SAN
AUTHOR WILLY VERANO
Chapter 2My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Ilang oras ang lumipas nagising si Lilybeth sa Clinic nakahiga na siya sa roon, tila lutang pa si Lilybeth, at hindi pa masyadong maalala ang mga nangyari.
Samantala....
Habang kasalukuyan siyang tulog sa Clinic...
Nagkagulo muli ang eskwelahan dahil nga isa na naman ang nasawi sa cr ng mga babae ng Grade 5 at Grade 6..
Nakita ito ng isa nilang Janitres na nakatoka mag linis ng Cr na iyon, sa pagbukas pa lamang niya ng pinto hindi na Tumuloy pa sa pagpasok ang Janitres.
Dahil sa bumungad sa kaniyang kahindik hindik na kamatayan ni Sir Cruz!
Nagkalat ang sariwang dugo sa Flooring ng Cr na iyon...
Ang chop chop na katawan ni Sir Cruz ay nagkalat roon at ang ulo niya ay nakadilat pa rin, bakas sa nakadilat nitong mata ang labis na pagkasindak..
Palaisipan pa rin kung sino ang may kagagawan ng pagpaslang? At nakapagtataka kung bakit sa cr na naman na iyon naganap ang sunod na pagkamatay na mas naging karumaldumal pa.
Kung ikukumpara sa pagkasawi ni Ma'am Reyes at ng Janitor..
"Pangatlo na ito... Hindi na ito nagkakataon lamang malamang may pumaslang talaga sa eskwelahan na ito." sabi ng Guard ng School na minsan napaghinalahan na may kinalaman sa pagkasawi ni Ma'am Reyes.
At sa paggising nga ni Lilybeth...
Naroon sa tabi niya ang Principal at ilan sa mga Staff ng Eskwelahan para siya ay tanungin.
Dahil ayon na rin sa mga kaklase ni Lilybeth, si Lillybeth ang nakita nilang huling kasama ni Sir Cruz dahil dadalhin siya nito sa Clinic..
Kaya sa tingin nila nakita ni Lillybeth, ang taong posibleng gumawa ng brutal na pagpaslang kay Sir Cruz.
"Lillybeth.. Sabihin mo ang totoo.. Bago kita nakitang tumatakbo.. Alam mo na bang patay na si Sir Cruz? Kaya ganoon na lamang ang pagkatakot m0? Sabihin mo may iba ka pa bang nakita na kasama ni Sir Cruz? Dahil ayon na rin sa mga kaklase mo ikaw ang nakita nilang huling kasama ni Sir Cruz..' sabi ng Principal.
"Wala po.. Kami lang po sir Cruz... Pinasok niya po ako Cr..... Tapos pilit niya ako hinuhubaran... Nagawa ko lang makakatakas at makalabas ng Cr at tumakbo...." Lumuluhang sabi ni Lillybeth.
Gulat naman ang Principal at ilan sa mga staff ng Eskwelahan sa isinawalat ni Lillybeth, sa pagtangkang pang gagahasa sa kaniya ni Sir Cruz..
Ngunit.....
Hindi nila ito pinaniwalaan...
Dahil karumaldumal ang pagkasawi ni Sir Cruz. Chinopchop ang katawan nito na hindi pa tukoy ang salarin.
At pinagpalagay na lamang nila nasa Shocking Stage ang utak ni Lillybeth ng makita niya ang karumaldumal na krimen, kaya niya nasabi iyon.
May hinala silang batid ni Lillybeth, kung sino man ang pumaslang kay Sir Cruz..
At umaasa silang masasabi ito ni Lillybeth, sa kanila.
"Mag pahinga ka na muna diyan... Parating na ang nanay mo para sunduin ka." sabi ng Principal at umalis na ang mga ito sa Clinic..
Ilang oras pa ang lumipas...
Dumating na ang kaniyang ina na labis ang pag aalala para sa anak.
"Anak.. Anong nangyari bakit ka hinimatay? Nagugutom ka pa rin ba? Pasensya na at hindi sapat ang pagkain na naispulit ko kagabi para sayo anak." Paghingi ng tawad nito.