SA HARAP NG SALAMIN
BY WILLY VERANOGabi ng 8:00 pm..
Nagpasya na akong matulog
Pero bago ako matulog inalarm ko muna ang aking Cellphone sa oras na 2:40 Am..
Nang sa ganoon tiyak ko masaktuhan ang 3:00 am para subukin ang isang paniniwalang hindi ko pinaniniwalaan.Ang kababalaghan sa pagharap sa salamin sa oras na 3:00 Am...
Dahil ayon nga sa kwento hindi mo daw tunay na Reflection ang makikita mo sa Salamin sa oras na 3:00 Am...
At susubukan ko nga ito kung ito ba ay may katotohanan nga ba?
O isang kwento lamang na walang kabuluhan..Sakto 2:40 Am...
Agad nag alarm ang Cp ko..
Pupungas pungas pa ako na tumayo sa kama ko. Para mag tungo sa harap ng salamin ng aking kuwarto para patunayan na walang katotohan ang mga patungkol sa mga kwentong kababalaghan na kagaya nito.Tumayo ako sa tapat ng salamin ng aking kuwarto habang tahimik na naghihintay sa pag sapit ng 3:00 am.....
At habang hinihintay ko ang oras na 3:00 am..
Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa paligid ko. Walang kahit anong bagay o pakiramdam na kapanipanindig balahibo akong nakikita o nararamdam sa paligid ko.
Hanggang sa sumapit na nga ang 3:00 am..
At sa mga sandaling iyon titig na titig ako sa sarili ko sa salamin. Kinurap kurap ko pa ng mabilis ang aking mga mata at ginagalaw ang mga daliri ko sa kamay.
Upang pag aralan kung ako nga ba ang Reflection ko sa salamin...At sabay na sabay naman ang bawat kilos ko sa harap ng salamin. Sinabayan ko pa ng biglaang paglingon pero wala namang kakaiba ganoon pa rin Ako na ako pa rin ang Reflection ko sa salamin...
At natapos na nga ang isang minuto at sumapit na ang 3:01 am.....
Kaya naisipan ko na tapusin ang kalokohang ito...
Nang biglang...
Ngumiti sa akin ang aking Reflection at naglakad ito palayo sa akin at humiga sa aking kama.....
At ako ay naiwan at nakulong sa aking Salamin.....
END.