PAANO MO NASABE?
AUTHOR WILLY VERANO
Napatanaw ako sa isang bahay sa lugar namin ang bahay na ito ay pinagkatiwala na lamang kay Manong Edward na nagsisilbing Caretaker ng Bahay na iyon. May dalawang palapag ito at matibay ang pagkakagawa ng instractura ng bahay na iyon. Kaya nanatili itong matatag sa pangangalaga ni Manong Edward
Umaga iyon at sanay na ang mga tao sa lugar namin na nagwawalis sa harap ng bakuran si Manong Edward. Pero ng umagang iyon nakita kong nakatayo lamang si Manong Edward sa labas ng bahay. Nakatanaw lang siya sa malayo marahil iniisip niya ang pamilya niya. Matagal na rin siyang caretaker ng bahay na iyon at tila hindi uso sa kanya ang day off?
Naawa ako kay Manong Edward habang nakatanaw ako sa kanya, kaya pinasya ko siyang kausapin kahit sandali lamang tutal sabado naman iyon at wala akong pasok sa trabaho ko bilang Service crew. Dahil sa week days lamang ang pasok ko sa trabaho.
At habang ang paa ko ay patungo na sa bakuran ng bahay na binabantayan ni Manong Edward, bigla siyang naglakad papasok ng bahay at sa palagay ko ng mga sandaling iyon ayaw niya akong makausap. Kaya't huminto ako sa aking pag hakbang. Aalis na sana ako pero biglang lumingon sa akin si Manong Edward kasabay ng pag ngiti nito, mga ngiti na animoy may pahiwatig? Na hindi ko lubos maunawaan.
Nasa loob na siya ng bahay ng sandaling iyon. At sa paglingon niya kasabay ng ngiti nito na tila paanyaya iyon na pumasok ako sa bahay na binabantayan niya. Ay tila bumalii ang pagnanais na kausapin siya kahit sandali{willyverano} lamang. At iyon nga ang ginawa ko pumasok ako sa bahay pero pagpasok ko roon biglang nawala sa paningin ko si Manong Edward wari bang nagtago siya? Ng hindi ko namamalayan.
"Nasaan na siya?" Sabi ko at napatingin ako sa hagdan patungo sa pangalawang palapag.
Bukas naman ang ilaw, maliwanag pa ang paligid at umaga pa ng sandaling iyon kaya halos hindi naman pumapasok sa isipan ko ang kababalaghan.
"Manong Edward? Nasaan ka? Nandito na ako sa loob..."sabi ko kay Manong Edward.
Pero wala siyang tugon sa akin hinanap ko siya sa sulok sulok. Pero habang hinahanap ko siya pakirandam ko may nagmamasid sa akin mula sa likuran. At bigla na lamang akong kinalibutan. At nahihiya naman ako magbukas ng dalawang kuwarto roon, dahil hindi ko naman iyon pamamahay at ayaw ko ng buksan pa baka ano pa ang makita ko? Na hindi pangkariniwan
Dahil kanina wala sa isip ko ang kababalaghan, pero dahil na rin sa katahimikan ng bahay na iyon unti unti tila binabalot ako ng kaba sa aking puso, na ikinatitindig ng balahibo ko. Pero sa huli pinasya kong umakyat na lamang sa pangalawang palapag at baka naroon si Manong Edward at hindi na maitatangi na matanda na ito at baka mahina na ang pandinig at hindi niya lang ako naririnig.
Pero sa pag akyat ko sa pangalawang palapag, bumangad sa akin si Manong Edward na may hawak na patalim. At agad pumasok sa isipan ko na parang mag papakamatay na si Manong Edward dahil kanina pa malungkot ang kaniyang mga mata mula ng matanaw ko siyang umagang iyon..
"Manong Edward.. Huwag ka mag papakamatay huwag mong gagawin yan!" Pakiusap ko sa kanya at sinabi niyang..
"Ako magpapakamatay? PAANO MO NASABE? PAANO MO NASABE!" GIgil na sabi ni Manong Edward dahil kaya pala niya ako pinapasok para magpatulong hiwain ang mga kalabasang kanina, dahil nahihirapan na siya gawin ito dahil sa katandaan.
'Pero bakit nasa pangalawang palapag yung mga kalabasa? Pwede naman sa baba? Sa kusina. " katwiran ko.
"Paano mo Nasabe!!!!sa baba ang kusina ko! Dito ang kusina ko marunong ka pa sa akin! Layas bwisit!" Galit na sabi ni Manong Edward at hinabol ako nito hawak ang kanyang patalim.
"Tulong!
THE END
AUTHOR WILLY VERANO
WATTPADNAME SENTILUFFY9691