POST GRANTED

24 0 0
                                    

POST GRANTED
{BE CareFul What You Post}
Author Willy Verano

{DAISUKEANGEL0691}

"Ayaw ko na sa Earth!
I wanna End My Life!"

Post ng isang babaeng nagngangalang Sabrina, na dumaan naman sa News Feed ng isang taong may pagka Psycho sa mga post na nakikita niya....

"Are you sure?" Comment niya sa post ni Sabrina.

Nag reply naman ito sa Comment niya at ang reply ni Sabrina ay....

"Im sure...  Ayaw ko na talaga sa Earth!  I wanna End my life!" Reply nito na may kasama pang Sad Emoji.

Hindi na ito nag reply pa kay Sabrina bagkus inalam niya na lamang ang address nito, at tinignan din niya ang mga picture nito kung saan ito madalas  nagpupunta.

At lumipas ang dalawang araw.....
Naglalakad si Sabrina sa isang madilim na eskinita, nagkataon kasi na sira ang poste ng ilaw at ito ang pinakamalapit na daan patungo sa kanilang bahay.

Nang biglang isang tao ang humarang sa kaniya sa daan at sinabi nitong..

"Post Granted....

SABI ng isang taong naka all black at naka face mask ito na may bloody Design.....

"Sino po kayo? Ano pong pinagsasabi ninyo?" Mga tanong ni Sabrina.

Ngunit wala itong tugon bagkus agad siya   nito nilaslasan ng leeg, malalim ang pagkalaslas niya sa leeg ni Sabrina kaya naman agad itong binawian ng buhay, at matapos iniwan na lamang niya ito sa madilim na eskinitang iyon na duguan at wala ng buhay....

Ang pagkapaslang kay Sabrina, ay naging laman ng balita nakapagtataka kung sino man ang mag lalaslas ng leeg nito, pero sa palagay ng mga pulis isang serial killer ang may gawa nito. Dahil wala namang nawalang bagay sa biktima talagang pinatay lamang ito ng killer at wala na itong ibang intensiyon.

At dahil sa insidenteng iyon, kinatakutan ang madalim na eskinitang pinangyarihan ng pagpatay. AgAd kumilos ang kapitan nila at pinaayos ang mga poste ng ilaw roon. Upang hindi na ito maging lubhang madilim. At ang mga tanod ay mas pinaigi ang pagroronda lalo sa tuwing sasapit ang gabi.

At makalipas ng isang linggo, inis na inis ang etudyanteng nagngangalang si Lyka, dahil hindi natuloy ang swimming nilang magkakaibigan at nagpost siya ng ganito..

"Kainis! Ang mga Drawing mong mga kaibigan! Sarap ibigti sa puno!" Hindi ko sinasabing kayo ito? mga Drawing kasi kayo!"

Sabi ni Lyca sa post niya at naka tag roon ang apat niyang Kaibigan na sila. Jess, May, Paul, At John.

Napadaan ito sa new feed ng killler na may Profile na mata lamang ang nakikita, mga matang matalim kung tumingin at nag comment siya sa post ni Lyca, dahil nagka interest siya sa post nito.

"Are you sure?" Comment nito sa post ni Lyca.

Nag reply naman ito sa comment niya at ang reply ni Lyca..

"Oo! Sarap kaya nila Ibigti sa puno! Mga Drawing kasi! Nakabili na kaya ako ng Outfit ko.... Sarap talaga ibigti nila! Gigil ako!" Reply ni Lyca sa comment niya.

Hindi na nag reply pa ito sa reply ni Lyca, bagkus tinignan na niya ang mga Account ng mga nakatag na Drawing niyang mga kaibigan, upang malaman niya ang mga Impormasyon sa mga ito.

"Apat na tali... Para sa apat na Drawing mong kaibigan ibibigti ko sila tulad ng kagustuhan mo..." Sabi nito matapos niya malaman ang mga impormasyon sa mga ito..

At lumipas ang ilang mga araw lubos na nag aalala ang mga magulang ng mga kaibigan ni Lyca, dahil ilang araw na silang hindi umuuwi. Hindi rin sila makontak out of coverage ang kanilang mga Cellphone. Pinuntahan na rin ni Lyca ang lahat ng pwedeng puntahan ng mga kaibigan niya na hindi alam ng kanilang mga magulang. Ngunit wala ang mga ito roon, kaya pati siya labis na rin nag alala.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon