KWINTAS POGI
BY WILL VERANO
MY WATTPAD NAME {DAISUKEANGEL0691]Si Melchor ay 25 years old na.
Subalit.Kahit Minsan sa buhay nito hindi pa siya nag kaka Girlfriend.
Dahil nga sa pangit niyang mukha.
Bukbukin ang mukha niya dahil sa mga Pimples na animoy ayaw siyang tantanan.
May kapanguan pa ang ilong niya at may pagkapayatot pa ito.
"Sino ba naman mag mamahal sa akin? Sa tulad ko? Nanay ko na lang nag sasabi na gwapo ako?" Sabi ni Melchor habang nakaharap sa Salamin.
Isa siyang Factory Worker sa isang Panahihan. Siya ay taga tupi ng mga Tela roon.
May mga natitipuhan siyang babae sa Factory, subalit hanggang kaibigan lang talaga ang kaya nitong ipag kaloob sa kaniya.
"Alam ko naman? Na hanggamg kaibigan lang ako sa kanila? Pero ano ba ang masama kung umasa pa rin ako? Ang pangit ko talaga."malungkot na sabi ni Melchor.
---------
Hanggang sa...
Isang araw nagpasya si Melchor na mag simba sa bayan, Tutal Day oFf naman niya.
At matapos niya mag simba.
Napag pasyahan niyang mag pahula patungkol sa Love Life niya kung meron pa nga bang babae na para sa kaniya.
May mga manghuhula kasi sa paligid ng simbahan.
------------
Subalit...
Isang matandang babae ang kumalabit sa kaniyang mula sa likuran at may inaabot ito sa kaniya.
"Lola? Bakit po?"Tanong ni Melchor sa matandang babae, at Kuba na pala ito.
"Sayo na lang itong kwintas mareresolba niyan ang pinoproblema mo."sabi ng Matandang Babae.
Inabot na lamang ni Melchor ang Kwintas, na may Pendant na Hugis Bilog na kulay Pula.
"Ga - gwapo ba ako kapag sinuot ko ito?" Pabiro pang sabi ni Melchor.
Subalit..
Laking gulat niya nang sa isang iglap nag laho ang matandang babae.
"Nalingat lang ako sa sandali? Nawala na siya?"pag kabigla ni Melchor.
"Imposible namang multo si Lola? Tanghaling tapat kaya ngayon."sabi muli ni Melchor.
At ang Kwintas ay isinuot na lamang ni Melchor..
AGad nga niya isinuot ang Kwintas na bigay ng matandang babae.
Nang biglang bugawin siya ng isang aleng nag titinda ng mga Rosaryo at anting anting.
"Hoy ikaw! Umalis ka na nga sa tapat ng tindahan ko! Kanina ka pa parang baliw diyan na nag sasalita mag isa."sabi ng Ale.
"Huh? Ako nag sasalita mag isa? May kausap kaya akong matandang babae."katwiran ni Melchor.
"Malinaw pa ang mga mata ko, alam kong wala kang kausap para kang baliw! Sige na alis na! Baka malasin pa ako."sabi ng Ale.
Hindi na nga lang nakipag talo pa si Melchor sa Ale, at umalis na nga lang siya
'Pero.. May kausap naman talaga ako? At ibinigay pa niya ang kwintas na ito para sa akin."sabi ni Melchor.
----------
At sa pag uwi niya sa inuupahan niyang bahay.
Agad na siyang nag luto ng makakain niya, wala naman ibang pwedeng gumawa nun kundi siya lamang dahil mag isa lamang siya sa bahay.