THE CURSE
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Si Creselda ang pinaghihinalang Witch sa kanilang lugar ang kanilang tinugis at pinatay ng mga taombayan.
Sa Kanilang ginawang pagtugis at pagpatay kay Creselda ano nga ba ang magiging kapalit nito?
Mag bubunga ba ito ng isang kaguluhan na hahantong sa madugong kamatayan?
Si Creselda ang pinaghihinalahang witch sa kanilang lugar ang kasalukuyang tinutugis ng taombayan lalo na at sunod sunod na lamang ang pagkamatay ng mga taga roon sa hindi malamang dahilan.At may kutob silang si Creseda ang isang witch na siyang pumapatay sa mga ito.
Lalo na at minsan na itong nagbitaw ng salita na wawakasan ang mga buhay na ito dahil sa labis na paggagambala nito sa kanya.
"Lumabas ka diyan! Harapin mo kaming mangkukulam ka!" Sigaw ng mga taombayan na may kanya kanyang hawak na sulo na may nag babagang apoy.
"Kung hindi ka lalabas! Susunugin namin sa loob mismo ng tahanan mo!" Sabi muli ng mga taombayan.
Ngunit walang Creselda ang lumabas kaya pinasya na lamang nila sunugin na ang bahay nito kasabay ni Creselda na pinaghihinalaan nilang Witch.
"Sunugin ang salot! Sunugin ang mangkukulam!"Sabi ng mga taombayan.
Agad nga nilang isinagawa ang pagsunog at mabilis na natutupok ang tahanan ni Creselda, inaasahan nilang lalabas ito kapag sinimulan na nilang sunugin ang pamamahay nito. Pero walang Creselda ang lumabas sa nasusunog na tahanan.
"Maari kayang wala na siya sa bahay niya?" Sabi ng isa sa mga taga roon.
"Tignan natin kapag humupa na ang apoy malalaman natin kung patay na siya o nakatakas ba siya." Sabi ng isa pa.
At ng humupa na ang apoy agad na nilang pinasok ito at ikinatuwa nila ng makita ang sunog ng katawan ni Creselda, alam nilang Si Creselda ito dahil sa singsing na laging suot nito.
Kaya kahit sunog na sunog na ito alam nilang si Creselda iyon.
Napagmasdan nila ang mga sunog ng kagamitan nito, mga langis,orasyon at mga manika na ginagamit niyang pangkulam kaya nabuo na talaga sa isipan nila na isa talagang mangkukulam si Creselda.
"Tay kunin natin yong singsing! Baka pwede pang ibenta iyan?! Sabi ni Cj na nasa 11 years old pa lamang nuon.
"Huwag na anak baka mamaya may kung anong itim na kapangyarihan pa iyan." Pagsaway sa kanya ng kanyang itay
"Ganoon po ba pero sayang naman." Panghihinayang ni Cj.
"Huwag mong panghinyangan ang mga bagay na galing sa kadiliman." Sabi muli ng tatay ni Cj at umalis na sila roon.
Lumipas ang 19 Yerars nasa 3o years old na si Cj at nakapag asawa na ito na si Julia na kanyang kababata rin.
Nagkaroon sila ng anak na babae na nasa edad walong taon na si Ferly. Mahal na mahal nito kaya kahit hindi sila gaanong mayaman pilit nilang ibinigay ang mga gusto nito, lalo na sa mga laruan.
"Ferly may ibibigay si papa mo sayo, pero promise mo hindi mo ito iwawala ang good girl ay nag popromise at tinutupad ang pangako." Sabi ni Cj sa kanyang anak na si Ferly.
"Opo papa! Laruan po ba?! Sabi ni Ferly na excited pa rin sa mga laruan.
"Hindi anak, hindi ito laruan isang singsing at tingin ko kasya itos sayo magugustuhan mo ito dahil maganda ito." Sabi ni Cj.
Kaya lalo tuloy na excite si Ferly lalo ng makita niya ang singsing na iyon, na may pagkaitim na nangingintab kahit lumipas na ang maraming taon.
"Ang ganda di ba anak? Ingatan mo ito huh hindi ko ito ibinigay sa mommy mo, dahil mas bagay ito sayo." Sabi ni Cj.