EMOJI

26 0 0
                                    

EMOJI
AUTHOR WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Abala si King na nag fa - facebook ng mga sandaling iyon nang biglang may nag Message request sa kaniya. Inacept naman niya ang message request nito. At agad din niya binasa ang nilalaman ng message at ang sabi...

"Putulin mo ang sarili mong dila, para manatili kang buhay sa buhay mong puno ng kasinungalingan" Sabi ng hindi niya kilalang Tao sa Fb account na iyon na may Profile na Emoji na nakadila at may Name na Emoji.

"Mas malala pa ito sa Scam? At bakit ko naman gagawin ang bagay na iyan? Hindi ako baliw! At anong kasinungalingan ang pinagsasabi nito?"" Sabi ni King at sa inis niya Minumura mura niya ito sa Chat.

Nag reply naman ito kahit na pinagmumura niya ito at sinabi nito na...

"Meron kang 24 Hours para gawin ang Challenge... Kundi mo gagawin ito, ako mismo ang gagawa nito sayo.. At kapag ako ang gumawa nito hahantong ka kamatayan sinisigurado ko yan sayo." Reply nito sa kaniya at nag send pa ito ng Maraming Emoji na nakadila.

"Bwisit na ito! Lakas mang asar! Ano bang problema ng isang ito.." Inis na sabi ni King at minura niya ulit ito, at agad na binolock na niya ito ng sa ganoon hindi na siya gambalahin pa.

"Panira yon ng gabi ko huh? Masydong papansin hindi naman Chicks." Inis na sabi ni King at nagpatuloy na ito mag laro ng online games sa Facebook.

At sa pag lalaro niya nalimot na niya ang tungkol roon at sa mga nagdaang oras sa paglipas ng 24 Hours hindi niya ginawa ang Challenge. Lalo na at wala naman talaga siyang balak gawin iyon.

At isang araw natagpuan na lamang ito sa inuupuhan niyang bahay na putol na ang dila at may laslas ang leeg. Tila naliligo na ito sa sarili niyang dugo matapos nun iniwanan na pa siya ng Killer ng isang Emoji Accesories na nakadila at umalis na ito.

"Sobra ka na sa Deadline, at kailangan mo ng lisanin ang mundo mong puno ng kasinungalingan." Sabi pa nito bago tuluyang umalis at lisanin ang wala ng buhay na si King......

Sa lamay ni King Dumagsa ang pakikiramay mula sa kaniyang mga magulang, kamag anakan at mga matatalik na kaibigan na sila.
MERWIN, SASHA, JAYMARK, At Daniel
Ikinagulat nila ang ginawang karumuldumal na pagpaslang kay King. Matapos nito putulan ng dila at nilaslas pa ang leeg upang tiyaking patay na ito.

Ngunit ang isa pa nilang pinagtataka, bakit mag aabala pang mag iwan ng Emoji na nakadila ang Killer? Para saan iyon? At ang sabi naman ng mga pulis roon baka daw ito ang Trademark ng Killer ang Emoji na iyon na labas ang dila.

Lumuluha ang magulang ni King pati ang mga kamag anakan nito sa sinapit nitong kamatayan, at wala silang kaalam alam kung sino ang gagawa nito kay King? Dahil wala naman itong nakakaway sa pagkakaalam nila. Wala rin namang nawalang gamit o pera sa inuupahang bahay ni King kaya hindi pagnanakaw ang dahilan. Ang hinala ng mga pulis may galit sa kaniya ang taong gumawa nito sa kaniya, kaya ganoon na lamang niya paslangin si King.

At Makalipas ng isang linggo na ilibing na sa hukay si King, at hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap ang salarin.

"Pinatay ng ganoon lamang ang kaibigan natin, nakakalungkot lang hindi natin siya natulungan." Malungkot na sabi ni Merwin.

"Mahahanap din ang killer na iyon, patuloy naman ang mga pulis sa imbestigasyon." Sabi naman ni Jaymark.

"Ano pa nga ba? Ang magagawa lamang natin ay maghintay.." Sabi ni Daniel.

"Nakakalungkot lang.. Hindi na tayo kumpleto." Malungkot na sabi ni Sasha.

Nang biglang may batang lalaking tinungo sila at may dala ito apat na Emoji Accesories ito na nakangiti at labas ngipin.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon