THE INVATATION

15 0 0
                                    

THE INVITATION
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Isang invatation ang matatanggap ng mga dating magkakaeskwela para sa grand alumni nila. Ngunit ang imbitasyon pala na ito ay imbitasyon sa kanilang kamatayan malagpasan kaya nila ito? o lahat sila ay hahantong sa kamatayan?

"ito na ba yun?? kung saan gaganapin ang alumni ng batch natin?"tanong ni Trent sa kasama at kabatch din niyang si Donna.

"Ito na siguro yun.... yan yung nakasaad na address sa invatation na natanggap natin"sabi ni Donna.

""Para kasing ang weird? parang hindi siya akma para sa mga ganung okasyon pagmasdan mo may apat na palapag ito. pero tignan mo naman ang kabuuhan niya gawa sa kahoy? lamang pa sa semento pustahan tayo kapag lumindol magigiba agad ang gusaling yan"sabi ni Trent.

"Oo nga ang weird nga at medyo malayo sa siyudad ito nakakapagduda nga"sabi ni Donna.

"Tara na pumasok na tayo baka naman nag aabang na ang iba nating ka eskwela nuon sa loob""' sabi ni Trent kay Donna na kasintahan niya at Kabatch.

Kaya pumasok na silang dalawa sa main door ng gusaling yun na tila matitibag na..
At sa pagpasok nila nakita nila sa loob ang pito nilang kaklase nila ng high school na sina Kevin, Rolan, Kurt, Gary, Drew, Leslie at Mariel na kanina pa nauna sa kanila magtungo doon. At tulad ni Trent at Donna nakatanggap din sila ng invatation para sa gaganaping grand alumni ng batch nila.

"Pambihira mukhang tayo tayo na dating mag ka kaklase ang mag a alumni lamang rito huh??sabi ni Trent

""oo nga eehh.. pero malay mo napaaga lang ang pagdating natin"sabi ni Kevin.

""napaaga?? kanina pa kaya tayo dito naghihintay kahit isang organizer o teacher man lang ay wala ni isa ka badtrip"sabi naman ni Kurt.

At maya maya pa ay may pumasok pa muli sa gusali na yun at hingal na hngal pa ito dahil buong akala nita ay late na siya.

""na late na ba ako?! tanong nito.

Bagamat dati nilang kaklase ito hindi nila ito makilala o mamukaan man lang.

"Bakit ganyan kayo makatingin? pambihira hindi ninyo talaga ako makilala??sabi nito

At may kinuha ito sa bag na isang Eyeglass at sinuot niya ito. At ng sinuot na niya ang kanyang salamin bigla nilang naalala kung sino ito.

""Peter!! ikaw pala yan...sabi nila ng maalala nila ito

"Ang laki ng pinagbago mo?? gwapo ka na! at hunky pa"sabi ni Leslie.

"Buti na lang dala mo yung salamin mo dahil hindi ka kasi namin maalala pero tama si Leslie ang gwapo at hunky mo na ngayon!kinikilig na sabi ni  Mariel.

"Guys!! tara umalis na tayo wala namang happenings dito ang meron lang dito upuan at kahoy na dingding na gawa sa kahoy"sabi ni Rolan at inis pa nga ito.

At sa bad trip niya bigla niyang sinuntok ang dingding. ngunit nabigla siya! Dahil ang akala nuyang kahoy na ding ding ay purong bakal pala.

""aahhh ang sakit!"sabi ni Rolan.
nakita nilang nagdugo ang kamay ni Rolan sa pagkakasuntok niya sa bakal na dingding.

"Aba?? pambihira purong bakal pala ang dingding na ito nalinlang tayo sa texture ng kulay tama ba?sabi naman ni Gary.

Agad nilang hinawakan ang ding ding ng gusali pinakiramdaman nila ito at tama si Gary na nalinlang ang kanilang mata sa tunay na instractura ng gusaling iyon.

"Wala na nga tayong napala sa alumni na ito nasugatan pa ako tara umalis na tayo"sabi muli ni Rolan na sobrang badtrip na

"Sumangayon naman ang iba na magsiuwi na lang ngunit pinigilan sila ni Peter.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon