HANAKO SAN
AUTHOR WILLY VERANO
CHAPTER 1My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Si Lilybeth ay isang Grade 6 Student sa isang public school.
Madalas siyang mabully sa ekswela dahil na rin sa pagkakaroon ng malaking peklat sa kanang bahagi ng kaniyang mukha.
Dahil sa kapabayaan noon ng kaniyang ina ng aksidenteng masabuyan ng mainit na tubig ang mukhA ni Lilybeth noon siya ay nasa tatlong taon pa lamang.
At sobrang nalapnos ang kanang bahagi ng mukha ni Lilybeth, kaya nag iwan ito ng malaking peklat sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang paglaki.
At dahil nga sa kundisyon na iyon, halos tampulan siya ng tukso, higit lalo sa loob ng eskwelahan.
Wala naman magawa si Lilybeth kundi iiyak na lamang ang lahat.
Tinitiis niya ang lahat ng panlalait sa kaniya, dahil determinado itong makapagtapos ng pag aaral.
Ulila na sa ama si LilyBeth kaya ang kaniyang ina ay muling nag asawa at ang stepfather niya ay tila alila ang turing sa kaniya.
Wala naman magawa ang kaniyang ina dahil ito ang bumubuhay sa kanila sa negosyo nitong Bigasan..
Kaya after school tila katulong naman sa bahay si Lilybeth, at inutusutusan lamang ng stepsister niya na nasa Grade 9 na nagngangalang Abby.
Anak ito sa unang asawa ng stepfather niya na si Tonio.
Mag kaganun pa man...
Nauunawaan naman ni Lilybeth ang sitwasyon nilang mag ina sa kinakasama nito kaya pag titiis lamang ang kaya nilang gawin lalo pa at ayaw niyang mahinto sa pag aaral.
"Anak, patawarin mo si Mama.. At wala akong magawa... Kapag umalis tayo sa puder niya mahihinto ka sa pag aaral.. Magpapalaboy laboy lamang tayo kaya sana intindihin mo na lamang."Sabi ng kaniyang ina na si Lorna.
"Opo mama.."Tugon ni Lilybeth.
At kinabukasan..
Haharapin na naman ni Lilybeth ang mga bully niyang kaklase..
Kahit sanay na siya sa mga panlalait ng mga ito nasasaktan pa rin siya..
"Mag tatapos ako ng pag aaral iaangat ko ang antas ng buhay namin ni Mama..ipapakita ko sa kanila na may mararating ang isang katuolad ko."Sabi ni Lilybeth sa kaniyang isipan habang papasok ng ekswela..
Mag fa flag cermony pa lamang ang lahat sa sandaling iyon.
Kaya umupo muna sa isang tabi si Lilybeth habang nag rereview..
Pero hindi siya makapag focus sa pag rereview.
Dahil sa kwentuhan ng mga kapwa niya mag aaral tungkol sa napanood nilang Movie patungkol sa Urban Legend ng Japan..
Na patungkol sa babaeng multo na kapwa nila Grade School din na nagpapakita daw sa Pangatlong Cubicle ng Cr ng mga babae NA nag ngangalang HANAKO SAN...
Tuluyan na ngang inihinto ni Lilybeth ang pag rereview at nakinig sa kwentuhan ng mga kapwa niya kamag aral sa kaniyang likuran.
Pero..
Nang mapansin ng mga ito na nakikinig sa kanila si Lilybeth...
Agad siyang iniwasan ng mga ito at tila nandidiri pa.
"Tara lumipat tayo ng pwesto. Baka mahawahan tayo ng kapangitan niya.'Sabi ng mga ito at agad silang umalis.
Nakadama naman ng kalungkutan si Lilybeth, dahil tila ba wala siyang karapatang magkaroon ng kaibigan, dahil lamang sa kaniyang mukha.