FEBRUARY 30...
AUThor Willy VeranoMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
FEB 30 > 1
ISang ordinaryong araw lamang iyon, February 29....
Huling araw sa buwan ng February tapos na kasi ang ilang taon na pagitan kaya nagkaroon muli ng petsang 29 sa Buwan ng Pebrero....At tulad ng inaasahan ng lahat, buwan na na ng Marso kinabukasan ngunit isang hindi kapaniwala paniwala at kagimbal ang nangyaring naganap! Ng biglang magkaroon ng Petsa 30 sa lahat ng kalenderyo sa mund0! Sa ganap na alas dose ng gabi...
Pati na rin maging sa kanilang mga Cellphone! At kahit sa mundo ng internet! Sadyang Kakaiba ang pangyayari na iyon. paanong nagkaroon ng petsang 30 sa buwan ng pebrero? Halos katanungan ng lahat ng tao sa mundo.
Naging laman ito ng balita saan mang panig ng mundo. Dahil tila ba ang petsang 30 sa buwan ng Pebrero sa mundo ay tila ba nabibilang talaga sa mga araw ng Pebrero. Na tila ba ngayon lamang ulit ito lumabas? Tulad ng lamang ng Petsang 29 sa buwan ng Pebrero na minsan ay wala..
Ano nga ba ang hatid ng February 30... Sa sanlibutan....
Tatlumpong minuto matapos magulantang ang buong mundo sa pagkakaroon ng petsa 30 sa buwan ng Pebrero!
Kasunod nito ang isang kakaibang pangyayari na hindi talaga inaasahan ng lahat! Gabi pa ng mga sandaling iyon dahil sa 12:30 pa lamang iyon at halos hating gabi pa rin kung tutuusin.
Ngunit sa madilim na kaulapan tila may mga kalat kalat na liwanag ang lumabas sa ilang bahagi ng kaulapan. Ang liwanag mula sa bahagi ng kaulapan na iyon ay abot hanggang sa kalupaan! Kakaiba man ang pangyayaring ito marami pa rin nagandahan habang namamangha sa pangyayaring iyon.
Wala naman kung ano sa mga liwanag na iyon, wala silang nakikitang kahit ano, kundi liwanag lamang na sadyang nakakasilaw Ilang minuto rin bago tuluyang maglaho ang mga liwanag na iyon sa ibat ibang panig ng mundo.
At sa pagkawala ng liwanag tumambad sa kanila ang mga kabalyerong nakasakay sa mga kabayong sugat sugat ang katawan, at medyo nagkakatuklapan pa ang mga balat. At ang mga kabalyerong ito na nakasakay sa kabayo. Ay pawang pugot ang mga ulo. May armas silang napakatulis na Spear Sword na ginagamit pa noong unang panahon.
Ang mga ulo nilang pugot ay kanikanilang bitbit habang nakasakay sa kanilang kabayong sugat sugat ang katawan.
Ikinagimbal ito ng lahat sa bawat panig ng mundo at lahat ay nagkagulo dahil ang mga ito'y walang awang pumapaslang! Ng mga tao na kanilang aabutan.
"Aaaaahhhhh!"
Pinapapapaslang nila ang bawat tao, sa kanilang paligid pinupugutan nila ito ng mga ulo, gamit ng kanilang mahabang Spear Sword. Ang iba ay kanilang tinutusok sa katawan hanggang sa mamatay ang mga ito.
Sa kaguluhan na iyon nagising sa pagkakahimbing ng tulog ang mag asawang si Raymond at Lhian. Maging ang kaisa isa nilang anak na si RHianel.
Walong taon gulang ay nagising na rin ng dahil sa kaguluhan.Agad dumungaw sa bintana si Raymond para alamin ang kaganapan sa labas, at agad siyang napaatras at napalayo sa bintana ng makita niya ang mga Kabalyerong walang ulo na walang awang pumapaslang ng mga Tao, habang nakasakay ang mga ito sa kabayo.
"Walang lalabas, dito lamang tayo.." Agad na sabi ni Raymond sa asawa at anak niya.
Nang biglang nasira ang kanilang pinto, ng sirain ito ng isa sa kabalyerong pugot ang ulo, bumaba ito sa kaniyang kabayo habang bitbit nito sa kaliwa niyang kamay ang sarii niyang pugot na ulo.
Sa pagkasira ng pinto ng tahanan nila Raymond. Pumasok na nga roon ang isang kabalyerong bitbit ang sariling pugot niyang ulo sa kaliwang kamay at isang Spear Sword naman sa kanang kamay nito.