VEGETARIAN CANNIBAL
PART 2
CHAPTER 2
BY WILLY VERANOSamantala..
Labis na ang pag aalala ng mga magulang ni Rafael dahil sa hindi pa umuuwi ang kanilang anak.
Dahil kahit nag rerebelde si Rafael sa kanila umuuwi naman ito bago pang mag 11:00 ng gabi..Subalit alas dose na nga at wala pa si Rafael kaya labis ang pag aalala ng kaniyang ina. At pilit naman ito pinakalma ng kaniyang ama.
"Baka nakitulog lamang iyon sa mga kabarkada niya huwag mo na tayo mag isip ng masama."pagpapanatag ng ama ni Rafael sa kaniyang ina
"Sana nga...."umuusang sabi ng kaniyang ina habang lumuluha..
Samantala sa Mansion ay may isang babaeng estudyante na ngang nadukot si Cezar at Victor wala na nga itong malay at ito ang gagamitin nila para sa huling pag subok ni Rafael. Kailangan niya paslangin at kainin ang babaeng ito. Halintulad na lamang sa ginawa ni Michael sa babaeng bihag noon.
Pero nang mga sandaling iyon kasalukuyan ng nasa loob ng kuwarto ni Rafael si Vanessa. Para nga makipagtalik kay Rafael dahil sobrang natipuhan niya ito. Wala na ngang pag dadalawang isip ng naghubad ng saplot sa katawan si Vanesaa.
At lumantad nga kay Rafael ang hubad na sexy na katawan ni Vanessa. Sadyang kaakit akit nga ito dahil sa may angking ganda rin si Vanessa.
"Hindi ka pa ba tinatayuan?"mapanukso sabi nito habang nakatabi na nga kay Rafael at pilit dinidikit ang kaniyang dibdib.
"Maganda ka walang duda
Pero may Gf na ako at pinsan mo siya...
Baka pwede iba na lang ang hilingin mo huwag ang ganit0"muling pag tanggi ni Rafael."Ayaw ko.."ngiting sabi ni Vanessa.
At agad na ito pumatong kay Rafael at pilit na niyang hinuhubaran si Rafael.
Nang biglang pasok ni Victor at Cezar kasama ang bihag na babae na wala na ngang saplot
Mabuti na lamang agad nakatapagtago sa ilalim ng kama si Vanessa. At agad naman tinakpan ni Rafael ang mga hinubad na damit ni Vanessa.
"Ito na ang huling pag subok mo..
Patayin mo ang babaeng ito at kainin ang laman loob niya at kapag nagawa mo iyon sa harap namin malaya ka ng manatili rito kasama ng pamangkin kong si Michelle.Napagpasyahan ko na rin na agad ko ng isasagawa ang planong pagtakas ko kay Michelle kung magagawa mo itong huling pag subok. Dahil nangangahulugan lang nito na mahal na mahal mo ang pamAngkin ko at marapat lang na makasama mo agad siya "sabi ni Victor.
At dali dali inabot ni Rafael ang kutsilyong hawak ni Cezar....
"Para sayo Michelle..
Dala muli nang pagkadesperado ni Rafael. Agad nga niyang kinuha ang kutsilyo. Upang simulan na ang pagpaslang sa babaeng bihag.
"Patawad pero mas matimbang ang pagmamahal ko kay Michelle. Higit kanino man.."sabi pa ni Rafael habang nakaamba na ang kaniyang patalim.
"Tama na ang satsat! Gawin mo na agad!"utos ni Victor.
"Gawin mo na!"dagdag pa ni Cezar.
At marahan na nga lumapit si Rafael sa babaeng bihag upang simulan na ang pagpaslang rito.
Si Michael naman ay nasa labas lamang ng kuwarto. At masayang masaya siya sa mga sandaling iyon. Dahil narinig niya mismo sa kaniyang Tito Victor. Na isasagawa nga agad nito ang pagtakas kay Michelle at hindi na palilipasin pa ang dalawang taon.
Sa kung sakaling matagumpay ngang maisagawa ni Rafael ang huling pag subok nito upang patunayan ang kaniyang sarili.
"Rafael salamat sayo mas mapapadali ang muli naming pagkakasama ni Michelle."agad na pagpapasalamat agad ni Michael kahit hindi pa nga nagagawa ni Rafael.