SIRENE
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Sa isang bahagi ng karagatan kung saan milya milyang layo sa kalupaan. Naroon ang isang barkong pangisda ng isang kumpanya na nanghuhuli ng mga isda sa malalim na bahagi ng karagatan.
Ang mga ibang isdang nahuhuli ng mga mangingisda sa barkong iyon na sadyang malalaki at mga mamahaling isda. Ay ineexport nila sa ibang bansa para sa mas malaking kita.
Lehitimo naman ang kanilang pangingisda iniiwasan din nila na makahuli ng mga isda na mga bata pa. At iniiwasan din nilang makahuli ng labis na mga isda upang hindi maapektuhan ang kanilang pagpaparami.
Lahat iyon ay alinsunod sa mga dapat nilang sundin sa mlegal na pangingisda sa malawak na karagatan. Higit lalo bawal silang gumamit ng pampasabog dahil malaking kasiraan ito sa karagatan.
At sa araw na iyon abala na ang lahat sa pangingisda, tulong tulong sila sa pag alsa ng malaking lambat nila. Naroon sila sa bahagi ng karagatan kung saan sila nag iiwan ng lambat para sa mga isdang mahuhuli nila gamit nito sa mga dadang mga araw
At kabilang sa mga dalawampong mangingisda ng barko. Bukod sa Kapitan ng barko na si Terence at katiwala nito na si Tj.
Ay sila Junmar, Marky, At Brad na pawang nasa 18 to 2o pa lamang. Pinili na nila ang ganitong trabaho. Dahil sapat naman sila magpasahod at maayos makisama ang lahat sa bawat isa sa kanila. Walang naabrabyado.
Masagana ang araw na iyon para sa kanila, dahil marami silang nahuling malalaking mga isda. At karamihan pa sa mga ito ay pang export talaga!
"Sineswerte tayo ngayong araw na ito, sana laging ganito para mapawi ang mga pagod natin lahat." Sabi ni Junmar.
"Ang lulusog pa ng mga isdang nahuli natin! Matutuwa sila Boss sa pag babalik natin." Sabi naman ni Marky.
"Ginutom tuloy ako bigla Ang sarap kumain mamaya." Sabi naman ni Brad.
Patuloy lamang sila sa pag kilos, lahat ay nag kakaisa upang mas mapadali ang Trabaho....
Ngunit...
Sadyang mapaglaro ang tadhana...
Wala man bagyo o anu man delubyo sa karagatan ng umagang iyon...Isang panganib pa rin ang kanilang kahaharapin sa isang barko ng mga pirata na sa kanila ay paparating....
Habang papalapit ang barko na iyon sa kanila. Nakikita na nila ng malinaw ang malaking Kanyon sa harapang bahagi ng barko ng mga pirata. At dinig din nila ang mga piratang naghihiyawan roon.
"Pirata! Mga pirata!" Sigawan ng mga kasamahan nila.
Agad naman sinikap ng kapitan nila na takasan ang mga ito...
Ngunit pinaputukan na sila ng mga ito ng kanilang Kanyon patungo sa kanilang barko, at lumikha ito ng malakas na pagsabog...
"Hindi..."nasabi na lamang ni Kapitan Terence matapos silang pasubugan ng mga ito.
Nang paputukan sila ng Kanyon ng mga piratang patungo sa kanila. Inihinto na ni Kapitan Terence ang pag mamaneobra ng barko. Sa kadahilanang baka sa susunod na pagpapaputok nila ng kanyon ay direkta na sa barko nila i sentro ito.
Dahil ang unang pagpapaputok ng Kanyon ng mga pirata ay babala pa lamang sa maaari nilang sapitin kapag tinangka nilang tumakas.
"Captain..." Pag aalala ni Tj ng makita na nilang nasa harapan na nila Mismo ang barko ng mga pirata.
Armado ito ng mga baril, at ang iba naman ay mga patalim. Pinamumunan ito ni Marshall ang kapitan sa pangkat ng mga pirata na iyon.
Malago ang itim na balbas nito at ganoon din ang bigote niya. May mahabang patalim ito at may tatlong baril pa na nakasukbit sa kaniyang tagiliran. Malaki at malakas ang pangangatawan nito kahit pa medyo may Edad na ito.