VEGETARIAN CANNIBAL
BY WILLY VERANO
CHAPTER 1RATED SPG
BAWAL SA INOSENTePAMILYANG CANNIBAL
na mga Vegetarian...
Pinili maging isang Vegetarian upang sanayin ang sarili na hindi na matakam pa sa sariwang laman ng tao...Sinubok nila noon na kumain na lamang ng karne ng mga hayop o kahit isda..
Pero ang mga pagkain na ito ay nagpapanumbalik lamang sa pagkatakam nila sa laman ng tao...
At ang tanging pagkain lamang ng gulay at Prutas ang nakaibsan ng pananabik nila sa laman ng tao. Ayaw na rin kasi nilang pumaslang pa dahil hindi na ito kinakaya ng kanilang konsensya.
Noong sila ay kasama pa ng Tribo sa liblib na kagubatan..Kaya napag desisyonan ng mag asawa na maging Vegetarian At mamuhay ng normal kasama ang mga tao sa siyudad.
At ang pag titinda na rin ng gulay ang kanilang ginawang negosyo para na rin siguradong gulay lagi ang pagkain nila sa hapagkainan..
Ang mag asawang ito ay binayayaan ng na kambal na anak pero magkaiba ang kasarian babae at Lalake at ito ay sina..
Michael..
At Michelle...
Pawang 16 Yrs Old...At ang mga ito ay mga Vegetarian din tulad nila.
Mula pa noong bata pa sila ay gulay lamang at Prutas ang kinakain ng mga ito. Para agad ng masanay ang kanilang panlasa sa gulay. At huwag ng mag asam pa ng laman ng tao. Dahil sa nanalaytay pa rin ang dugo ng cannibal sa kanilang katawan..
"Mahal... Nasa tamang edad na ang mga anak natin? Sabihin na kaya natin ang dahilan kung bakit tayo Vegetarian? Para mas maunawaan nila kung bakit natin ginagawa ang mga ito?"sabi ni Celso.
"Hindi na kailangan.. At isa pa sanay na sila sa gulay mula pa nung bata sila.. Kapag sinabi pa natin sa kanila kung anong lahi ang pinag mulan natin? Baka mag iba ang tingin nila sa sarili nila at hindi na normal.'pag aalala ni Elsa.
"Kunsa bagay sanay na din naman sila kumain ng gulay..'sabi ni Celso na animoy nakumbinsi na ng asawa na huwag na sabihin ang katotohan..
At dahil sa hindi pa nga nila sinasabi sa kambal ang buong katotohanan sa kung bakit sila ay Vegetarian...
Isang huwad na dahilan ang dinadahilan nila sa mga ito...
Iyon ang mahigpit na pagtutol nila sa pagkain ng alin mang hayop para maging pagkain lamang..
At Bata pa lamang ang kambal pinapapanood na nila ito ng mga karumdumal na pagkatay sa Slaugther House ng mga Hayop parang maging pagkain lamang ng mga tao..
Kaya naman awang awa talaga ang kambal sa mga hayop na mga kinakatay para maging pagkain lamang ng mga tao. May pagkakataon pa ngang naiiyak sila sa mga hayop na nakapila na sa katayan at hinihintay na lamang ang malupit nilang katapusan..
Kaya naman naging dahilan iyon para mas makumbinsi pa nila ang kambal na maging isang Vegetarian habang ang mga ito ay nagkakaisip...
At iyon pa rin mag pasa hanggang ngayon ang pinanghahawakan ng kambal kung bakit sila Vegetarian
At tutol na tutol talaga sila sa pagkatay ng mga hayop para maging pagkain lamang ng mga tao..
"Sapat na iyong dahilan na tinatak natin sa isipan nila..... Huwag na natin sabihin ang patungkol sa lahi nating cannibal."sabi muli ni Elsa
'Oo hindi ko na sasabihin..."tugon ni Celso.
Samantala sa eskwelahang pinapasukan ng kambal..
"Ewww... Gulay na naman? Ako nasusuka sa inyo eehh para na kayong kambing.."sabi ng Schoolmate nila na si Abbygail.