THINGS OF THE DEMON
PART 1
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
"Manong magkano po ba ang isang iyon?"Tanong ni Willy sa isang matandang nagtitinda ng kung ano ano sa daan.
"Alin ba diyan bata? Bulag kasi ako.." Sabi sa kanya ng matandang bulag.
"Bulag po pala kayo? Hindi po kasi halata nakadilat po kasi ang mata ninyo." Sabi muli ni Willy.
"Mata ko'y dilat ngunit ako ay bulag at kailangan maibahagi ko sa bawat tao ang sampong bagay na ito upang ako ay muling makakita. ng sa ganoon makita ko ang lagusan patungo sa mundong kinabibilangan ko." Sabi ng matandang bulag
"Maibahagi? Ibig sabihin libre lang po ito at walang bayad?" Tanong ni Willy.
"Ganoon na nga.. Ngunit sa isang tao lamang sa bawat bagay na meron ako ang ang pwede ko ibahagi hindi na pwedeng lumabis pa.." Sabi muli ng matandang bulag.
"Manong.. Hindi ko po kayo maintindihan? Anong mundo mundo? Alien po ba kayo?" Tanong ni Willy.
"Hindi mo na kailangan malaman pa..at sa palagay ko isa ka sa nakatadha na mag kamit ng isa sa mga bagay na ito dahil nakikita mo ako." Sabi muli ng matandang bulag.
Napakamot na lamang ng ulo si Willy sa mga pinagsasabi ng matandang bulag. At tinignan niya ang sampung bagay na tinutukoy ng matandang bulag..
Meron roon Gunting, Pambura, Notebook, Compass, Shoulder Bag, Shades, Puting Sando, Bandanang pula, Lipstick, at Remote...
"Assorted pala itong mga ibabahagi ninyo? Pero sa tingin ko Yung Notebook na lang kukunin may gagawin kasi akong Story at kailangan ko ng bagong notebook.." Sabi ni Willy.
"Nakapag desisyon ka na pala.. Sige kunin mo na ang iyong nais." Sabi ng matandang bulag.
Ngunit sinamantala ni Willy ang pagiging bulag ng matandang iyon. At kinuha niya ang SHoulder Bag at inilagay niya lahat roon ang mga gamit ng matanda at dali daling umalis.
Ngunit sa kaniyang paglingon wala na roon ang matandang bulag. Naglaho na ito dahil sa una palang alam na niya ang gagawin ni Willy. At isa pa siya lamang talaga ang nakatakda kunin ang mga bagay na iyon na mahiwaga na galing pa sa ibang mundong hindi pa alam ng sanlibutan..
At si Willy rin ang nakatakda upang maganap ang kaguluhang hatid ng mga bagay na iyon....
Saglit na napatigil si Willy dahil nga sa biglaang paglaho ng matandang bulag. At matapos nun napatakbo siya dahil tila kinalabutan siya. Dala dala pa rin niya ang Red na Shoulder Bag kung saan niya inilagay ang mga ilan pang bagay na animoy itinitinda ng matandang bulag.
At ng makalayo na ng bahagya si Willy, nagpasya siyang huminto ng sandali upang tignan muli ang mga bagay na ninakaw niya. Ngunit sa pagbukas niya ng Zipper ng Shoulder Bag. Wala na roon ang mga gamit na inilagay niya roon.
"Bakit wala ng laman ito? Nilagay ko lahat ng gamit rito.. Hindi ako pwede magkamali." Paniniyak ni Willy.
Ngunit wala na talaga itong laman.
"Paanong nawala? Imposible? Wala namang butas ang Shoulder Bag na ito.." Pagtatakang labis ni Willy.
Galing siya sa eskwela at siya ay Senior High School Grade 11. At sa gitna ng kaniyang pagtataka naabutan siya ng isa niyang kaklase na si Kimberly at medyo natawa pa ito.
"Ano yan Willy... Bakit may Shoulder bag ka? At kulay Red pa.. Ikaw huh.. Bakla ka ba?" Hinala ni Kimberly.
"Kay Nanay to.... Pinabili niya sa akin at saka may Lipstick sana akong ibibigay sayo kaya lang biglang nawala. "sabi ni Willy habang naghahanap ulit ito sa loob ng Shoulder Bag.