MANGANGATOK

20 1 0
                                    

MANGANGATOK
BY WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

Sa isang Baryo..

Usap usapan ng mga tao roon, ang sunod sunod na pag kawala ng mga tao kapag sasapit ang gabi..

Na kagagawan daw ng mga MANGANGATOK..

Ito ay ang tatlong nilalang na pawang nakaitim ang mga kasuotan...

Isang babae at may kasama itong dalawang matandang lalaki...

Natatakpan ang kanilang mukha ng itim nilang kasuotan...

Kaya hindi mo maaninag ang kanilang mukha sa pag kagat ng dilim..

--------------

Kumakatok ito sa mga bahay bahay, at kung ito ay iyong pagbubuksan...

Dadalhin ka nito sa lugar na hindi mo iiisiping puntahan tangay tangay ang iyong kaluluwa....

Hindi pa man ito napapatunuyan ng husto at kwento kwento lamang?

Maraming pa rin naniniwala sa mga MANGANGATOK..

----------

Dahil nga sa karatig nilang baryo may mga insidente na ng pagkawala ng mga tao, sa dis oras ng gabi...

Pero sabi ng mga pulis, na hindi naniniwala sa mga MANGANGATOK..

Kagagawan lamang din ng tao ang pagkawala ng mga tao sa pag sapit ng dilim.

Kaya nag desisyon sila na mag ronda sa bawat baranggay para mahuli ang salarin...

---------------

At sa pag sapit nga ng gabi....

Si Boyet, Lanie, at Tristan ay nasa loob na ng kanilang tahanan..

Mag kakapatid ang mga ito na pawang mga dalagita at binatilyo na.

Pinag bilinan sila ng kanilang magulang na agad mag sara ng tindan bago pa sumapit ang gabi at agad isara ang mga pinto at bintana.

Huwag na huwag daw nilang bubuksan ang pinto, kahit marinig pa nila ang boses ng kanilang magulang.

Dahil ang mga MANGANGATOK daw ay marunong manggaya ng boses, upang makapanlinlang at makakuha ng kaluluwa...

----------

Mag tetext daw sila kung nasa tapat na sila ng pinto, iyon ang bilin sa kanila ng kanilang magulang, na abala pa sa pag tatrabaho sa palengke sa gabing iyon para sa karagdagang kita..

Pinag pasyahan na lamang ng magkakapatid na matulog, habang hinhintay ang pag dating ng kanilang magulang..

-----------

Nang biglang..

Nagising silang tatlo sa sunod sunod na pagkatok sa kanilang pintuan..

Agad sila kinalabutan! Dahil batid nila na hindi iyon ang kanilang mga magulang dahil wala pang Text ang mga ito.

Patuloy pa rin ang pagkatok ng mga ito.

Sa takot ng tatlong magkapatid napayakap na lamang sila sa isat isa..

----------

At ang pagkatok, habang tumagal palakas pa ito ng palakas...

Na mas lalo nilang ikinatakot.....

At napaluha pa nga sa takot ang babae nilang kapatid na si Lanie, at halos maihi naman sa takot si Boyet..

Kaya si Tristan bilang panganay sa kanilang tatlo, nag lakas loob itong mag tungo sa pinto at umusal ng dasal! Para itaboy ang mga mangangatok na gumagambala sa kanila.

Matapos ng taimtim na dasal ni Tristan sa kaniyang isipan, lakas loob niyang sinabing sa mga MANGANGATOK na..

----------

"Mga MANGANGATOK! Lubayan ninyo kami! Sa ngalan ng Diyos! Mag silayas kayo!" Lakas loob na sabi ni Tristan kahit takot na takot ito.

At tumugon naman ang mga kumakatok at sinabi ng isa sa kanila na..

"HUH? MANGANGATOK? MAY katok ka ba? Bwisit naman! Bibili lang naman kami ng Yelo! May ICE 4 SALE na nakapaskil sa pinto ninyo!" Inis na sabi ng mga ito.

"Ay.. Sorry po..."nAsabi na lamang ni Tristan na medyo napahiya, dahil bibil lang ng yelo ang mga ito.

Kaya ang mga ito ay nag si alisan na lamang sa pag kadismaya dahil hindi sila napag bilha ng yelo at napagkamalan pang mga MANGANGATOK..

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon