HORROR TRAIN

17 2 0
                                    

HORROR TRAIN
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

Si Rendel at Amy ay mag kasintahan nagpasya silang mag tungo sa isang peryahan na malapit sa kanila.

Upang mag saya at mag bonding at samantalahin ang sembreak..

Marami rami na rin ang mga taong nag tutungo sa peryahan ng bayan.

Dahil na rin sa papalapit na ang pasko, maraming mga magkakaibigan, at mag kakapamilyang naroon at sama sama nagsasaya.

Sadyang makulay ang peryahan na iyon. Kaya kaaya ayang pasyalan.

May mga rides din na abot kaya ang presyo, kaya naman pinipilahan rin ito ng mga tao.

Unang sinakyan ng mag kasintahan na si Rendel at Amy ang Periswheel.

At naienjoy naman nila ito, lalo na ang tanawin mula sa itaas.

Marami pang sinakyan na ibang rides ang magkasintahan bukod sa Periswhell, at naglaro na rin sila sa mga color game at paminsan minsan nakakapanalo sila ng ibat ibang prize's

"Nasakyan na ba natin lahat ng rides?" Tanong ni Amy.

"Sa palagay ko.. Oo, kasi pati pambata sinakyan na natin.."Pabirong sabi ni Rendel.

"Pero Wait.... Tignan mo may Horror Train pala sa banda roon!" sabi ni Amy.

Sabay turo sa lokasyon ng Horror Train na medyo malayo sa mga rides na naroon.

"Teka.. Parang wala naman yan diyan kanina?" Sabi ni Rendel na napakamot pa ng ulo.

"Anu ka ba! Lahat ng peryahan may Horror Train! Hindi pwedeng wala kaya tara na sakay na tayo."Sabi ni Amy.

"Anu pa nga ba? Hindi naman kita kayang tanggihan..."Sabi ni Rendel.

At hawak kamay silang nagtungo sa Horror Train.

Walang ibang nakapila roon, tanging sila lamang, pero may tao naman sa Ticket Booth, na nakamaskarang demonyo.

"Dalawang ticket po, magkano po ang isa?"Agad na tanong ni Rendel dahil walang nakalagay na ticket Prize sa Horror Train Booth.

"Libre lamang ang rides na ito, dahil ito ay inyong nakita."Tugon sa kanila ng taong nakamaskarang demonyo.

"Huh? Ano daw?" Pagtataka ni Amy.

"Wala nang tanong tanong! Libre naman eehhh.."Sabi ni Rendel at agad na silang pumasok sa Horror Train.

Walang ibang nakasakay sa Horror Train, kundi sila lamang magkasintahan. At ang tao sa Ticket Booth ay siya rin driver ng Horror Train.

"What? Siya rin ang driver? Ang weird naman?" Sabi ni Amy.

"Hayahan mo na libre naman.."Sabi muli ni Rendel.

At agad na ngang pinaandar nito ang Horror Train.

Dahan dahan lamang pag usad ng Train, patungo sa pinaka loob ng Horror Train, kung saan napakadilim roon at naroon nagaabang ang mga mananakot sa kanila.

Agad napayakap si Amy kay Rendel habang palapit na sila ng palapit sa kaloob looban ng daraanan ng Horror Train.

Gusto gusto naman ni Rendel ang pagkakayakap sa kaniya ni Amy, na bakas ang takot.

Ngunit...

Sa pagpasok nila sa looban ng daraanan ng Horror Train..

Wala ni isa ang nanakot sa kanila, sadyang madilim lamang roon at wala ng iba pang kaganapan.

"Haytzz, ang boring naman? Walang palang mga mananakot rito?" Dismiyadong sabi ni Rendel.

"Oo nga kaya pala libre? Walang Thrill."sabi ni Amy.

At sa paglabas na ng Horror Train sa kanilang dinaanan na napakadilim..

Tumambad na sa kanila..

Ang dagat dagatang apoy!
At ang mga taong paulit ulit pinahihirapan ng mga demonyo!

Maraming mga tao roon, nag mamakaawang sila ay paakyatin sa langit, para takasan ang walang hanggang paghihirap at pagdurusa sa kanilang mga makasalanang kaluluwa..

Ngunit hindi sila pepwede sa kalangitan dahil sila ay makasalang mga tao. Kaya manananatili sila roon at mag durusa ng walang hanggan.

"Ano ito! Ano bang lugar ito! Ibalik mo na kami!" sabi ni Rendel sa Driver.

"Natatakot na kami... Pakiusap ibalik muna kami.."Sabi ni Amy na labis na ang pagkatakot.

Agad naman silang nilingon ng Driver kasabay ng pagtanggal ng maskarang demonyo nito.

At sa likod ng maskarang demonyo, ay ang mukhang nito na Demonyo rin!

At doon ay napasigaw na lang ang magkasintahan sa labis na pag ka bigla at pagkatakot.

'"Wala ng babalik pa, dahil inihatid ko na kayo sa impiyerno."Sabi nito kasabay ng nakakapangilabot na pagtawa nito.

Ang Horror Train na ito na pag mamay ari ng isang Demon, ay isang Ride patungo sa impiyerno....

At ang mga taong makakita sa Horror Train na ito ay hindi na makababalik pa sa mundo ng mga buhay.

Dahil patay na agad sila ng hindi nila namamalayan sa pag pasok pa lamang ng Train sa kalooblooaban nito na binabalot  kadiliman...

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon