SITSIT NG ENGKANTO

13 0 0
                                    

SITSIT NG ENGKANTO
Author Willy Verano
ONE SHOT STORY
REPOST STORY

Si Jessa ay isang magandang binibini na nag balikbayan sa kanilang Baryo. Dahil sa sobrang na miss niya ang kaniyang mga magulang at iba pang kamag anakan sa kanilang Baryo.

Halos limang taon siya namalagi sa Japan. Bilang isang Waiter sa isang kilalang Disco bar roon. Nanibago ang lahat ng muli nilang makita si Jessa sa loob ng limang taon.

Kahit ang mga kamag anak nila ay nagulat pa rin ng makita ng personal si Jessa. Dahil sa Video Call kahit nakikita na nila si Jessa roon hindi pa rin sila makapaniwala na siya na talaga si Jessa.

Dahil talaga namang malaki ang pinagbago niya. Gayumpaman masaya silang naisipan ni Jessa, na magbakasyon sa baryo kahit isang buwan lamang siyang mamalagi sa baryo at babalik rin sa Japan bilang Waiter.

At sa mga nagdaang araw sa pamamalagi niya sa Baryo. At minsang nagawi siya sa kagubatan malapit sa kanilang baryo. Isang hindi inaasahang kababalaghan ang kaniyang mararanasan. Kasama niya ng sandaling iyon ang bestfriend niyang si Pikoy kung tawagin.

"Ibang iba ka na talaga? Akala ko talaga hindi ikaw yan? Pero masaya kami pumasyal ka sa baryo. Naalala mo ba nuon sabay pa tayong naliligo sa sapa ng mga kalabaw? Hahaha! Kapwa pa tayo nakahubad noon? Pero walang malisya haha! Kasama pa nga natin si Perla? Nahihiya pa maghubad eehh.. mga bata pa naman tayo nun." Sabi ni Pikoy ng maalala niya ang pangyayaring iyon sa kabataan nila.

"Ahhh.. Oo naalala ko iyon bakit ko  naman iyon makakalimutan? Teka nasaan na ba si Perla?" Tanong ni Jessa kay Pikoy.

"Si Perla? Wala na siya! Nag asawa na nandon na siya sa manila. Uyyy, bakit mo natanong? Crush mo pa rin ba siya hanggang ngayon?" Tanong ni Pikoy.

"Huh? Crush? Eewww! Ano akala mo sa akin Tomboy!" Sabi ni Jessa.

Hindi na lang umimik pa si Pikoy bagkus tumawa na lamang ito.

"Ohhh sige diyan ka na lang mo na aakyatin ko lang itong puno ng Niyog. "Sabi ni Pikoy na nagsimula ng umakyat ng puno ng niyog.

Medyo mataas ang puno na iyon at bahagyang natatakpan na si Pikoy ng mahabang mga dahon ng puno ng  niyog.
Kaya naman naghintay na lamang si Jessa sa ibaba ng puno ng niyog. Upang ilagay ang mga makukha nitong Niyog sa dala nilang sako.

At sa pag iisa ni Jessa dahil nasa taas si Pikoy animoy nakaramdam siya na tila may nagmamasid sa kanya na hindi niya mawari kung sino? Dahil hindi naman niya ito makita. Paligid ligid ang kanyang paningin inaalam niya kung may nag mamasid nga ba talaga sa kanya? O wala?

Ngunit wala siyang nakikita kaya naman binalewala na lamang niya ito. Pero ilang sandali lang ang kaninang pakiramdam niyang may tumitingin sa kanya? Ay tila sumisitsit na rin, buong akala niya ay imagination lang niya ang mga sitsit na iyon. Pero paulit ulit niya itong naririnig na animoy nasa paligid lamang ang sumisitsit na hindi niya makita?

Kaya naman sa takot niya agad na niyang tinawag si Pikoy.

"Pikoy bumaba ka na diyan! Natatakot na ako rit0! May sumisitsit na hindi ko nakikita!" Sabi ng takot na takot si Jessa.

Agad namang bumaba ng puno si Pikoy at hindi na nanguha pa ng niyog. Dahil kay Jessa.

"Nagbago ka lang? Tapos naging matatakutin ka na? Malamang baby tuko lang iyong naririnig mong inaakala mong sitsit." Sabi ni Pikoy.

"Hindi yon tuko! Sa tingin ko engkanto ang sumisitsit sa akin." Sabi ni Jessa na takot na takot pa rin.

"Ganda ka? Ganda ka? Haha! Ganda mo na kasi! Baka nga engkanto iyon at nagustuhan ka? Lagot ka! Hahaha!" Pananakot pa sa kanya ni Pikoy.

"Nanakot ka pa! Takot na takot na nga ako tara na umalis na tayo." Nag mamadaling sabi ni Jessa.

At nagsimula na silang maglakad palayo ng biglang lumingon muli si Jessa sa puno ng Niyog na pinanggalingan nila.

At nakakita siya ng isang Nakasilip sa likod ng puno ng niyog. Ngunit sa isang kisapmata nawala rin ito sa kanyang paningin gayumpaman naghatid talaga sa kanya ito ng takot sa buong pagkatao niya. At minadali na lamang ang paglakad pabalik sa baryo nila.

Kinagabihan sa kanyang kuwarto mag isa lamang ito. Nakahiga na sa kama ng mga sandaling iyon si Jessa. Habang nakikinig ng Mga kanta sa Cellphone niya. Ng biglang lumakas ang Bugso ng hangin na siyang bumukas sa bintanang hindi niya na I lock.

Agad nilamig naman si Jessa ng pumasok ang hangin na iyon sa kuwarto niya. Kaya naman agad siyang tumayo at isinara ang bintana at doon nga niya napansin mula sa bintana, Ang kabilugan ng buwan kasabay ng hangin na nagpapatayo ng kanyang balahibo.

Agad din namang bumalik si Jessa sa kama niya at wala siyang balak mag kumot kanina, dahil hindi naman malamok. At katamtaman lamang ang lamig kanina. ngunit mula ng pumasok ang hangin na iyon na siyang nagpabukas ng bintana ng kuwarto niya.

Doon na siya nilamig ng husto at napakumot na nga siya. At sinikap na lamang niyang makatulog pinatay na rin niya ang phone tanging ilaw na lamang ang bukas roon. Dahil nga takot sa Dilim ni Jessa.

At ilang oras pa ang lumipas nakatulog na nga si Jessa ng mahimbing. Ngunit wala siyang kamalay malay na sa kanyang pagtulog doon na magsisimula ang mas nakakakilabot na kababalaghan.

Dahil habang mahimbing na natutulog si Jessa. wala siyang kamalay malay na unti unti may humihila ng kaniyang Kumot. Kaya naman kahit tulog pa si Jessa ng mga sandaling iyon nakaramdam pa rin siya ng lamig na bumabalot sa kaniyang katawan. Malamig na pakiramdam na naghahatid ng kilabot sa buo niyang katawan.

At tila pa bumigat ang pakiramdam niya dahil wari bang may nakadagan sa kaniyang katawan. Na hindi niya mawari kung ano? Pero Nakapatong na ito sa kaniya at dama niyang pilit siya nitong inaangkin.

Ngunit bago pa mapadilat ng mga mata si Jessa sa kababalaghang iyon napasigaw ang nilalang na nakapatong sa kaniya kaya naman napadilat na rin si Jessa at sinabi nitong...

"Langhiya may Talong ka rin! Bakla ka! Aahhhh!" Sigaw ng Engkantong iyon na natipuhan si Jessa ng una niya itong masilayan sa kagubatan at agad ito naglaho.

"Ay sayang? Gwapo pa naman ang Engkantong iyon?" Sabi ni Jessa na nuon ay si Jason.

Itsurang babae na kasi ito private part na lang ng babae ang kulang. Kaya nga halos hindi makapaniwala ang lahat  sa pagbabagong iyon ni Jessa na nuon ay si Jason na isang Waiter sa Japan.

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon