KAPAYAPAAN

12 1 0
                                    

KAPAYAPAAN
BY WILLY VERANO

Ako si Wilson..
May asawa na nangangalang Lorna.
At may dalawang bata pang anak na babae na sina Liza, at Layla.

Liza edad walo..
At Layla Edad sampo..

"Papa totoo ba may pupuntahan tayo na napakaganda Bukas?'tanong ni Liza.

"Oo nga po... papa totoo po ba?"tanong din ni Layla.

"Totoo... Hindi nag sisinungaling ang papa ninyo. Maganda ang pupuntahan natin dahil naroon ang kapayapaan. Tugon ko sa aking mga anak.

"Ano ba yan? Pati sa akin ayaw mo sabihin?"tanong sa akin ni Lorna.

'Para maging ikaw ay masurprise.."ngiti kong tugon sa aking Asawa.

'Ohh.. Siya ikaw na ang bahala kung ayaw mo sabihin.."sabi na lamang ng aking asawa.

'Ayieee! Baka may surprise si Papa kay Mama!" Kinikilig pang sabi ng aming dalawang anak.

At kinilig din ang asawa ko dahil nga sa inaakala niyang may pa surprise ako sa kaniya.

At nagpatuloy na kami sa pagkain ng sama sama...

"Ohh.. Mga anak matulog ng maaga para hindi kayo antukin bukas."paalala ko pa sa aming dalawang anak.

At matapos nilang mag Half bath at mag silpilyo excited na silang natulog sa kanilang kuwarto.

"Yung mga anak natin excited na matulog para bukas.."sabi ni Lorna.

"Mga bata talaga madali sila ma excite."tugon ko sa aking asawa.

"Ako din naman eehh.. Kasi pati sa akin ayaw mo sabihin.."sabi ni Lorna.

"Gusto mo na ba talaga malaman kung saan tayo pupunta?"tanong ko sa aking asawa.

"Oo naman para may Idea ako.."tugon ni Lorna.

"Sa lugar kung saan may kapayapaan. Pero Mauuna mo na kayo bago ako... Kailangan ko kasi muna mag silbi sa kanila para mag bukas lamang lagi ang pinto ng kapayapaan para sayo at sa mga anak natin."ngiti kong sa aking asawa.

"Umm.. Hindi ko masyado maintidihan? Pero malalaman din naman namin yan Bukas."sabi muli ng aking asawa at nagtungo na ito sa aming kuwarto.

Habang ako ay nag tungo muna sa Kusina para mag Hasa ng Kutsilyo...

"Huwag kayo mag alala pananatilihin kong bukas ang pinto ng kapayapaan para sa inyo.. Mag sisilbi ako sa kanila Habambuhay saka na ako susunod sa mapayapang mundo hintayin ninyo na lamang ako.'sabi ko habang hawak ang kutsilyo at patungo sa kuwarto ng dalawa naming anak na mahimbing na ang tulog.

At agad ko silang sinaksak sa katawan habang tinatakpan ng unan ang kanilang Mukha. Upang hindi makalikha ng ingay at maging maayos lamang ang lahat

At matapos ko mapaslang ang dalawa naming anak. Kinuha ko ang kanilang mga puso dahil ito ang magsisilbing daan nila sa mapayapang mundo.

At matapos nun...
Agad kong sinunod ang aking asawa..
Gamit pa rin ang kutsilyo na pinang paslang ko sa aming dalawang anak..

At kinaumagahan..

Agad kong pinasok ang katawan nila sa likuran ng aking Kotse. Habang ang mga puso nila ay Aking Binalot at nasa aking tabi upang aking mapag ingatan..

At dinala ko sila sa Aming Munting Sambahan ng aking mga kasamahang nangangako ng mapayang mundo para sa aming Pamilya at sa iba pang member nito.

Mabuti na lamang at nakilala ko sila dahil ngayon sigurado ang lahat sa amin. Ligtas na ang aming mga kaluluwa.

END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon