MULTONG WAHH!

16 1 0
                                    

MULTONG WAAHHH!
BY WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

Si Arjhay ay nasa isang park habang mag isang inaalala ang mga masasaya at walang kasing tamis nilang magkasama ng kaniyang Ex na ngayon ay isang alaala na lamang...

At sa mismong kinauupuan niya sa park na iyon doon mismo sila naging ganap na magkasintahan. Kaya sa pag upo pa lamang niya roon. Sobrang sakit na ang nadarama niya dahil ngayon wala na nga ito sa piling niya at nasa piling na ng iba.

Inabot na nga ng gabi si Arjhay sa Park habang patuloy pa rin sa pagsesenti. At Inggit na inggit siya sa mga mag Jowang dumaraan sa kaniyang harapan na kung mag lambingan ay wagas.

"Sana inilaban ko pa... Sana hindi ganito! Sana ako pa rin..."malungkot na sabi ni Arjhay habang lumuluha..

At napayuko pa nga si Arjhay habang patuloy sa pag luha sa labis na kalungkutan.

"Kung may chansa pa sana... Kung meron lang..."umiiyak na sabi nito habang nakayuko..

Nang biglang.....

Nakakita siya ng apat na paa na hindi sumasayad sa lupa.....

"Mga paa...."pagkabigla ni Arjhay.

Kasabay ng takot at hilakbot na ikinatindig ng kaniyang balahibo. Dahil sa hindi nga pangkaraniwan ang makakita ng mga paang hindi sumasayad sa lupa. At ang kulay ng balat pa nito ay maputla.

Sa mga sandaling iyon halos ayaw ng iangat pa ni Arjhay ang ulo niya. Sa labis na takot na bumabalot sa katawan niya. Dahil sa may kutob na siyang may dalawang multo sa Harapan niya dahil sa apat na paa na hindi sumasadyad sa lupa.

Pero..

Mas nadagdagan pa ang hilakbot niya ng marinig niyang unti unti ito nag sasalita...

"Waahh... Wahhhh... Sabay na sambit ng dalawang multo sa isang nakakapangilabot na Tinig..

Kasabay nun nararamdaman na niya na inaangat ng mga ito ang ulo niya. At ang mga mata niya ay hindi niya maipikit sa hindi niya malamang dahilan nais man niya ito ipikit..

At nakita na nga niya ang dalawang multo sa harapan niya! Babae at lalaki at magkaholding pa at sabay pa nilang sinabing.....

"Waahhh... Wahhh la kang Jowa!!!!!!!!

"Aaaaahhhhhh! Grabe kayo!"

At nagtatakbo na umiiyak si Arjhay dahil sa isang masakit na katotohan na walang siyang Jowa..

End.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon