REALITY MOVIE
MOVIE INVASION
PART 2
Chapter 2Hindi man nakikita ni Joe ang tinutukoy ni Tyrese. Agad naman niyang binilisan ang pagpapandar ng kotse. Upang makalayo sa tinutukoy ni Tyrese na halimaw mula sa Jeeper's Creeper's.
Pero tila hindi sila nito ganoon kadali patatakasin. Mas lumakas pa ang pagaspas ng pakpak nito. At tila kotse na rin ito sa bilis.At naramdaman na lang nila na nasa bubungan na ito ng kotse. At pilit sinisira nito ang bubungan ng kotse. Sa pamamagitan ng kaniyang malalakas na kamay na may matatalas na kuko.
Takot na takot ang batang si Margaret habang unti unting sinisira nito ang bubungan ng kotse. Hindi man nakikita nararamdaman ni Joe na may halimaw talaga. Lalo na at sinisira na nito ang bubungan ng police mobil niya.
Kaya naisipan niyang ibahin ang pagmamaneho ginawang pagewang gewang ang pagmamaneho na animoy na sa Zigzag sila. At dahil nga roon lumipad na lang muli ang halimaw at nilubuyan na sila nito. Ngunit butas butas na at halos wasak na ang bubong ng police Mobil.
"Mahusay Joe! umalis na siya.. Margaret wala na ang halimaw huwag ka na matakot.." Sabi ni Tyrese.
"Mabuti naman at wala na ang halimaw na tinutukoy mo.. Teka lang tama pa ba itong dinaraanan natin patungo sa sinasabi mo?" Tanong ni Joe.
'Oo tama pa ang daan na ito ipagpatuloy mo lang.." Sabi ni Tyrese.
Samantala..
Ganap na rin nakakita ng masasakyan sila Gambi, dahil kailangan talaga nila ng sasakyan para madali ang pagtungo nila sa kanilang destinasyon, kay Prof Gooden.
Binasag nila ang salamin ng kotse at binuksan ito mula sa Loob at agad na silang nagsipasok.Si Gambi muli ang umupo siya drive seat siya muli ang magtatangkang mag maneho. At di tulad ng kotse sa parking lot agad gumana na ito at napaandar na nila.
"Ayos na mga kasama umaandar ang kotse makakapunta na tayo ng mabilis sa labaratory ni Prof. Gooden." Sabi ni Gambi.
Si Alice ang katabi ni Gambi nasa side siya ng drive seat nasa passenger Seat naman sila Rocco, Josh, at Trina.
Wala na nga sinayang na sandali pa si Gambi. Agad na niyang pinaandar ang kotse at sa pagtahak nila sa daan patungo sa labarotory ni Prof. Gooden. Kitang kita nila si Hammer ng 13 Ghost kasama si Juggernaut na abalang pumapaslang ng mga tao."Aaaahhhh!"
Nais man nila huminto para tulungan ang iba pang taong humihingi ng saklolo ay hindi nila magawa dahil baka iyon na rin ang mga katapusan nila. At sa likuran nila may mga Zombie pa na pilit silang hinahabol.
"Mga kasama ipikit ninyo na lamang ang mga mata ninyo wala na tayong magagawa para sa kanila.." Sabi ni Gambi. habang nagmamaneho at binilisan pa niya ang pagmamaneho para agad na silang makaalis roon.
Ngunit wala silang kamalay malay nasa likuran ng kotse na iyon. Kung saan madalas inilalagay ang mga bagahe. Ang mag ina ni Chucky. Nagtago sila roon para paslangin ang sino mang magbubukas ng likuran ng kotse.
Ngunit walang nagbukas nito at napansin na lang nila na umaandar na ang kotseng iyon."Mommy The car is moving.." Sabi ng anak nila ni Chucky.
"It's Fine Baby..." Nakangising sabi ng asawa ng asawa ni Chucky habang hawak hawak ang matalas na kutsiyo na puno ng bahid ng dugo.
Samantala...
Binalikan ni Chucky ang pinagtaguang kotse ng kaniyang asawa at anak ngunit wala nga ito roon.
"Fuck! This is Shit!" Inis na sabi ni Chucky dahil hindi niya alam kung saan hahagilapin ang kaniyang mag ina..
Sa pagpapatuloy...