FILM MAKING

24 0 0
                                    

FILM MAKING
AUTHOR WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Isang Producer ng penikula ang naghahanap ng mga bagong Artista na gaganap sa kaniyang gagawin na pelikula.

Sampong tao ang kailangan niya bilang mga bagong artista sa kaniyang gagawing pelikula. Pinapangako naman niyang sulit ang Talent Fee ng mga ito kaya umaasa siyang may mga mag aaply bilang mga bagong artista sa kaniyang gagawin pelikula.

Sa kaniyang Page na may pamagat na The Film Maker. Naghikayat siya sa kaniyang Page ng mga nais mag audition sa kaniyang ganiyang pelikula.

At tulad ng inaasahan niya, may naengganyo na mag auditon bilang Cast. Dahil na rin sa taas ng Talent Fee. Kaya ang iba kahit wala pang Experience sa pag aartista ay nais subukan ang pag aartista sa pelikulang gagawin ng Producer at the same time Director din.

At ang sampong taong mapapalad na napili ay sila Joel, Henry, Rick, at Aliza na  magkakaibigan na mapapalad na natanggap. Kahit hindi pa ganoon kagaling ang Acting Skills nila.

Madalas rin kasi sila sumali sa mga Contest patungkol sa pag aartista. Ngunit madalas hindi sila pinapalad. Kaya laking tuwa nila na natanggap silang mag kakaibigan sa isang pelikula bilang mga Cast.

Kasama rin sa mga naging Cast si Jennifer, at Cassie, Sila naman ay mga umaarte sa mga Role Playing sa Stage. Kaya hindi na nakapagtataka na natanggap sila, mahusay na ang kanilang mga Acting Skills.

Naroon rin ang magkaibigan na si Dice, at Rafael na mga Model Endorser na sinubukan rin maging Cast ng Pelikula.

At dahil sa maganda nilang pangangatawan at artistahing mukha.
At isa pa hindi na sila naiilang pa sa Lente ng Camera. Kaya sa palagay nila magiging maayos ang kanilang pag ganap.

Kabilang rin si Erwin isang Janitor sa isang Hospital, pangarap niya talaga mag artista. Pero hindi niya maabot abot ito dahil na rin sa antas ng pamumuhay niya.
Hindi siya nakapagtapos at kailangan mag trabaho ng kung ano ano para matustusan ang mga pangangailangang gamot ng kaniyang Ama at Ina na pawang matatanda na.

At masaya siya dahil binigyan sya ng pagkakataon ng mga ito, na matupad ang kaniyang pangarap na maging Artista. At saka makakatulong sa kaniya ang mataas ng TF ng mga ito sa kanila.

At ang panghuli ay si James, isang tambay lamang na halos itakwil na ng kaniyang pamilya. Dahil nga sa pagiging Walang silbi nito. At nais niyang baguhin ang Tingin sa kaniya ng mga ito.

At sa perang kikitain niya bilang Cast ng pelikula. Umaasa siyang mamahalin siya muli ng kaniyang magulang at mga kapatid.

"Kayong Sampu ang mapapalad na magiging Cast ng isang Pelikulang kamamanghaan ng lahat ang Penikulang ito ay pinamagatan kong THE LAST TRIBE!"

"The last Tribe? Ano ba ito mala Cannibal na Movie? Sana naman hindi agad mamatay character namin ni Dice. Sayang ang kagwapuhan namin na pang bidahan ang dating. "Sabi ni Rafael.

"Oo nga! At iyong isang iyon mukhang pang Extra yung agad namamatay sa Movie." Sabi naman ni Dice na ang tinutukoy ay si Erwin.

Hindi naman kumibo si Erwin, dahil naroon siya para sa pagnanais niya kumita ng malaki. At kahit paano ma expirience niya ang pagiging Artista na kaniyang pangarap nuon pa.

Ang magkakaibigan na halos kabataan ang mga Teen ager na sila Joel, Henry, Rick, at Aliza ay excited na sa kanilang gagampanang Role sa gagawin nilang Pelikula.

'"Hindi pa rin ako makapaniwala! Artista na talaga tayo magiging bahagi na tayo ng isang pelikula." Masayang sabi ni Eliza na naluha luha pa sa labis na kasiyahan.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon