HANAKO SAN
AUTHOR WILLY VERANO
Chapter 3My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Nagpatuloy ang kasiyahan ni Lilybeth kasama si Abby, halos sakyan nila ang lahat ng Rides ng naroroon kaya naman sobrang naging masaya ang pamamasyal nilang dalawa sa peryahan.
At masaya silang umuwi sa bahay, bago sumapit ang gabi. At magkatulong silang nagluto ng kanilang makakain...
"Ate Abby masaya ako na tanggap mo na ako bilang kapatid mo.. Totoo po iyon ate salamat talaga mahal po kita.. I love you ate."Sabi ni Lilybeth at yumakap ulit ito kay Abby.
"Mas maswerte ako.. At mas masaya, napaka bobo ko dahil noon sinasayang ko lang magkaroon ng kapatid na tulad mo. Patawarin mo si Ate.. I love you Lilybeth. Mahal ka ni Ate."Nakangiting sabi ni Abby.
At kinagibihan masaya nilang pinagsaluhan ang nasa hapag kainian, na tila isang larawan ng masaya at buong pamilya..
At masaya pang ikinewento ni Lilybeth kay Tonio at sa nanay niyang si Lorena, ang mga pagsakay nila ni Abby sa mga Rides sa peryahan..
Kitang kita ang saya sa bawat salita ni Lilybeth, habang ikinekwento ito kaya naman natutuwa ang kaniyang ina at naluha pa ito sa sobrang kaligayan..
At kinabukasan.
Sumapit na ang Lunes...
At dahil madadaanan naman ni Abby ang elementary school kung saan nag aaral si Lilybeth, hinatid na niya ito.
"Salamat po sa pag hatid ate Abby."Sabi ni Lilybeth.
"Aahh, Lilybeth aasikasuhin na nila papa ang pag transfer mo sa ibang school, dahil nga sa mga nagaganap na pagpaslang sa eskwelahan ninyo, gusto namin na mailipat ka na sa ibang eskwelahan. Kaya sa isang linngo sa ibang school ka na papasok, sa School na pinapasukan ko, magkasama ang Elementary at High School doon. Kaya lagi kitang maihahatid at makakasabay sa pag uwi."Sabi ni Abby.
'Talaga ate? Yehey! Ang saya k0! Pati sa School.. Lagi pa rin tayo magkikita kapag Break time. Sige po slamat po ate! Papasok na ako!" Sabi ni Lilybeth at pumasok na nga ito sa Gate Ng School.
At si Abby ay umalis na rin at patungo na ito sa paaralan na kaniyang pinapasukan..
Sa pag pasok ni Lilybeth..
Nabawasan ulit ang mga estudyante roon, sa kabuuhan 80% na ang mga estudyanteng umalis na sa eskwelahan at lumipat ng ibang school.
At ang mga Guard ay nag alisan na rin, dahil sa palagay nila na hindi na magtatagal ang paaralan at tuluyan na itong magsasara..
Wala na silang maisip na paraan para masalba ang paaralan...
Ang 20% na natitirang mga Estudyante ay hindi na gaanong natuturuan, nag aalisan na rin ang mga guro, dahil nga pabagsak na ang eskwelahan, kulang na sila sa Teacher kaya maging ang kanilang Principal ay nag tuturo na rin sa mga estudyante. Pero hindi pa rin sapat.
At sa pagpasok ni Lilybeth sa kanilang Classroom..
Pito na lamang silang magkakaklase, si Lilybeth at ang anim pa niyang kaklaseng babae kabilang si Francine.
At naabutan niya si Francine, na pinagyayabang na sa makalawa i tatransfer na siya ng kaniyang magulang sa isang Private School..
"Wala na... Tinamad na ako mag kwento may pangit nang dumating."Agad na sabi ni Francine ng makita niya si Lilybeth.
Hindi na lang inimik pa ito ni Lilybeth at umupo ito sa tabi ni Francine dahil seatmate sila..
Ngunit..