NANDYAN NA SIYA

10 0 0
                                    

NANDIYAN NA SIYA!
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

Pasado alas siyete na ng gabi, nang bigla na lamang nataranta ang lahat! Dahil Lahat ay nag tatakbuhan!

Kita sa mga mata nila ang pagkagulat na halos hindi na kumurap ang kanilang mga mata!

"Nandiyan na siya! Nandiyan na siya!" Nanginginig pang sabi ng isang lalaking paulit niya sinasabing..

"Nandiyan na siya! Nandiyan na siya!"

Si Danny na kakauwi pa lamang galing sa trabaho! Ay walang kaalamalam sa mga nangyayari kung bakit nagkakagulo ang lahat! Na animoy may kinakatakutan silang paparating..

"Teka manong! Anong nangyayari? Anong meron? Bakit nagkakagulo ang lahat! At nagtatakbuhan kayo? Sabihin mo! Nais ko malaman!" Agad na tanong ni Danny.

"Huh? Hindi mo alam? Nandiyan na siya! Parating na siya! Parating na! Hindi na natin ito mapipigilan pa! Kaya bitawan mo ako! Bitawan mo ako dahil parating na siya!" Sabi ni Manong at agad nag pumiglas ito kay Danny, At dali dali itong tumakbo!

"Nandiyan na siya! Nandiyan na siya!" Sabi muli ng lahat ng mga tumatakbong tao.

Sa puntong iyon kinilabutan na si Danny, at na isip niyang tila parating na ang Diyos! Na huhukom sa sangkatauhan.

"Kung ito na ang sandaling pagdating ng diyos na may gawa ng langit at lupA, huli na para ako ay magsisi.. Hindi pa ako karapatdapat sa pintuan ng langit." Sabi ni Danny at napaluha na lamang ito at napaluhod pa dahil hindi pa siya handa sa paghuhukom sa sangkatauhan.

"Mahabaging diyos! Patawad! Patawad p0! Hindi pa ako handa sa inyong pagdating..." Lumuluhang sabi muli ni Danny.

At dumating na nga ang isang tao na may banayad na ngiti.....

"Nandito na siya! Nandito na!" Sabi ng mga tao ng magpakita na ito sa madla!

"NANDITO NA SI BONG REVILLA!" Hiyawan ng mga tao!

"Bong Revilla Po! Number 16 sa balota!"

At pag katapos nun mas lalong nagkagulo ang mga tao! At lahat ay nagsayawan ng Budotz!

"Huh? Anak ng tinae naman! Akala ko end of the world na! Sayang ang pagdadrama ko!" Inis na sabi ni Danny at sumayaw na lamang rin ito ng Budotz.

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon