TK - THE KILLER
AUTHOR WILLY VERANO
CHAPTER 2
My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}Ang napakasamang panaginip ni Raffy ay muling mag uumpisa sa isang napakasakit na Reyalidad.
"Pero bago ang lahat, binabati ko kayo ng magandang umaga, at nag dala rin ako ng napakainit na kape para sa inyong dalawa." Masayang sabi nito.
Hawak niya sa kanang kamay niya ang plancha, at sa kabila naman ang kape na nasa isang takure, doon na niya mismo itinimpla ang kakapehin nila sa umagang iyon.
Saglit muna inilapag sa isang tabi nito ang Plancha, at pinaglalagyan niya ang tatlong tasa ng napakainit na Kape.
Humigop ng napakainit na Kape ito, saglit niya inangat bahagya ang kaniyang maskara, upang siya ay makainom mg kape.
At matapos nun, tinungo na niya si Marlon dala ang isang tasang Kape, at pilit niyang ibinuka ang bibig nito para painumin ng napakainit na Kape.
"Aaaaahhhhhh!"
Halos malapnos ang labi at dila ni Marlon sa napakainit na Kape..
"Pampagising lamang iyan, para mas maging maganda ang kalalabasan ng mga gagawin ko sa inyo." Sabi nito kay Marlon.
At tinungo naman nito si Raffy, at tulad kay Marlon pilit din niyang ibinuka ang bibig nito at pinainom ng napakainit na Kape..
"Aaaahhhhhh!"
"Wala bang thank you diyan? Matapos kong mag serve ng kape para sa inyo." Sabi pa nito sa kanila.
"Iti..... Gil..... Muna..... Ito... Pakiu..... Sap..." Pilit na sabi ni Raffy.
"Itigil? Paano ako titigil? Kung maraming may mga Tatoo sa mundo! Alam kong imposible.. Pero gagawin ko ang lahat para bawasan ang mga may Tatoo sa mundo! dahil mga salot sila sa lipunan!" Galit na sabi nito.
At sinimulan na nitong painitin ang kaniyang plancha para sa pagsisimula ng pagtanggal ng Tatoo sa katawan ni Raffy at Marlon...
"Sa una lang ito masakit, pero mas sasakit pa habang tumatagal.." Sabi pa nito bago niya planchahin ang buong Tatoo ni Raffy sa kanang balikat nito.
"Aaaaahhhhhh!!
Habang kasalukuyang pinaplancha nito ang tatoo sa kanang balikat ni Raffy. Napapaisip si Marlon kapag sinimulan na nito na planchahin ang tatoo niya sa kaliwang Dibdib.
Tatoo na Black Heart na naka sentro sa mismong puso niya. Kaya naiisip pa lamang ni Marlon kung gaano kasakit iyon napapaluha na lamang siyang muli.
Lalo pa kung iisipin wala na talaga silang kawala pa sa sitwasyon nila ngayon. Wala na rin ang kanilang mga Cellphone! Pinagsisira at sinunog pa nito ang sira sira na nilang Cellphone.
Pati ang Sim ng bawat isa ay hindi nakaligtas sinunog niya rin ang mga ito. Ginawa niya ang mga iyon bago pa niya pahirapan bago paslangin si Max At Gerald.
"Aaaaahhhhhh!!"
Patuloy na palahaw ni Raffy habang sinusunog ang kaniyang Tatoo sa kanang balikat. At tulad ni Marlon parehas sila ni Raffy na may Tatoo sa kaliwang Dibdib na Black Heart na naka sentro si Mismong puso rin nito.
Kaya ng matapos sunugin nito ang tatoo sa kanang balikat ni Raffy, batid na ni Raffy ang sunod na mangyayari dahil agad sinimulan planchahin nito ang Tatoo sa kaliwang Dibdib ni Raffy.
At muling dinanas ni Raffy ang panibagong paghihirap.
"Aaaaahhhhhhh!!
Diniin nito ng pagkadiin diin ang napakainit na plancha sa kaliwanag dibdib ni Raffy. Hanggang pati ang laman nito ay masunog na ng Husto.