VEGETARIAN CANNIBAL CHP 3

13 0 0
                                    

VEGETARIAN CANNIBAL
BY WILLY VERANO
CHAPTER 3

Lumabas nga ng abandonadong Gusali si Michael na animoy walang nangyari. Walang kabang mababakas sa kaniyang kilos bagkus maaliwalas pa ang kaniyang mukha habang pauwi sa kanilang tahanan. Lasang lasa pa rin niya ang sariwang dugo at laman loob ni Justin at Kimmy na nagbibigay nga ng kakaibang saya sa kaniya.

"Akalain mo iyon sa sobrang sarap ng laman loob nilang dalawa. Nakaya kong kainin ang laman loob nilang dalawa. Pero Medyo lumaki nga lang ang tiyan ko."sa isip isip ni Michael.

At nang mapadaan na siya sa Estero kung saan niya unang tinapon ang damit niyang duguan. Agad na nga niyang itinapon roon ang duguan niyang damit. Dahil panatag naman siya na walang makakakita roon. Dahil hangagang ngayon wala pang nakakatagpo ng duguan niyang damit na una niyang itinapon roon.

Samantala si Michelle...
Halos hindi na niya mapag labanan pa ang labis na pagkatukso sa laman ng tao. Kahit anong pigil pa niya sarili niya.
Kitang kita nga ito sa labis niyang pag lalaway na hindi maiibsan kundi ito mapupunan ng Laman ng tao o karne ng hayop.

Pero dahil wala ng karne ng hayop sa paligid. Si Abbygail na nga lang ang kaniyang last Option para maibsan ang kaniyang pagkagutom...

At ngayon hawak hawak na niya ang Stick ng BBQ at itatarak na niya ito sa leeg ni Abbygail habang nakatalikod ito at abalang nanonood at kinikilig sa mga eksena...

At wala na nga sa isip ni Michelle na matalik nila itong kaibigan. At sasaksakin na niya na nga ito gamit ang BBQ STICK  ang leeg ng nakatalikod na si Abbygail.

Nang biglang..

Lingon ni Abbygail dahil sa kukunin niya ang isa pa niyang Chichirya sa kaniyang likuran. Kaya imbis na sa leeg masasaksak ni Michelle si Abbygail. Ay ang mata nito ang natusok ni Michelle...

"Aaahhhhhhh!"

Agad napasigaw sa sakit si Abbygail sa pagkakatusok ng kaniyang kanang mata. At wala nga siyang maisip na dahilan kung bakit ito ginagawa ni Michelle sa kaniya.

Subalit..

Bago pa muling sumigaw si Abbygail para humingi ng tulong....

Paulit ulit ng sinaksak ni Michelle ang leeg ni Abbygail habang ito ay nakangiti. Dahil sa mga tilamsik ng sariwang dugo ni Abbygail na animoy pumapaligo sa kaniya...

At nang tuluyan ng lagutan ng hininga si Abbygail. Dali dali nag tungo sa kusina si Michelle para kumuha ng kutsilyo na sa ganoon mas madali niyang mahiwa ang katawan ni Abbygail. Ng sa ganoon mas madali niyang makain ang laman loob nito.

Subalit..

Sa pag tungo muli ni Michelle sa kaniyang kuwarto siya naman dating ni Michael. At gulat na gulat nga si Michael sa duguang damit ng kakambal niyang si Michelle.

"Michelle anong nangyari sayo? Bakit halos maligo ka na sa dugo?"tanong ni Michael habang papalapit ito kay Michelle.

At sa puntong iyon habang palapit si Michael kay Michelle. Naamoy na nga niya ng malinaw ang dugo ng tao sa damit ni Michelle.

"Dugo ng tao.. Huwag mong sabihing may pinatay kang tao.."agad na sabi ni Michael.

"Oo... Nakapatay ako... Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matakam sa laman ng tao... At napaslang ko si Abbygail... Si Abbygail natatakot ako ayaw ko makulong Michael...."umiiyak na sabi ni Michelle na muli na namang bumabalik ang kaniyang makataong emosyon..

"Huh? Si Abbygail? Sa dami ng mapapatay mo? Si Abbygail pa... Paano yan? Problema ito.. May nakakaalam ba na nag punta siya rito? Alam ba ng magulang niya?"tanong ni Michael.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon