JIGSAW
(I WANNA PLAY A GAME)
BY Willy Verano.WATTPAD ACC DAISUKEANGEL0691
YOU TUBE CHANNEL
KANTOKUTAN HORROR STORYLimang tao ang nagising na lamang
Sa kanikanilang trap na dapat nilang maligtasan upang sila ay mabuhay."Nasaan kami? At sino ka!"naguguluhang tanong ni Joey sa isang taong naka maskara ng ulo ng baboy. Hindi ito nagtanggal ng maskara pero nagsalita naman ito nagpakilala sa kanilang lima.
"Mabuti at gising na kayo narito kayo ngayon upang pagbayaran ang bawat kasalanan ninyo. Simple lang ang rules kapag nagawa ninyong makaligtas sa nakalaan death Trap sa inyo. Palalabasin ko kayo ng buhay.
At ako si Jigsaw.."pagpapakilala ni Jigsaw sa kanila."Kasalanan? Ano bang pagkakasala namin sayo? Anong pagkakasala ko sayo! At may bata pa talagang kasama!"muling sabi ni Joey.
"Sasabihin ko rin naman ang bawat pagkakasala ninyo. At uunahin kita dahil ikaw naman ang unang nagtanong."sabi ni Jigsaw.
"Sige...
Anong pagkakasala ko! Bakit mo ito ginagawa!"galit na sabi ni Joey."Ikaw...
Alam kong..
Tumae ka at hindi umihi lamang dahil magkatabi lamang tayo ng cubicle ng sandaling ginawa mo ang pag tae mo!"galit na sabi ni Jigsaw."Huh? Eehh...
Ano naman kung tumae ako? Anong mali dun!"giit ni Joey."Tama..
Wala ngang mali dun..
Pero sabay tayong nagbayad sa cr nung araw na iyon.
At pang ihi lamang ang binayad mo! Kaya wala kang karapatang tumae! Hindi ka patas sa binayad mo! Huwag mo itanggi na hindi ka tumae dahil ilang buhos ang nadinig ko dahil sa ayaw lumubog ng tae mo!"sabi ni Jigsaw."Seryoso dahil lang dun! Baliw ka! Baliw ka!"pagkabigla ni Joey.
"Nagkasala ka
Hindi ka naging tapat sa binayad mo."malumanay na sabi ni Jigsaw."Jigsaw...
May pamilya ako...
Huwag mo na ako idamay rito pakawalan mo na ako! Wala naman akong ginawang masama nag tatrabaho ako ng marangal sa kalsada maawa ka naman sa akin."pagsusumamo naman ni Aling Tasha kay Jigsaw ."Wala kang pagkakasala?
Diyan ka nagkakamali..
Hindi mo lang alam..
Isa ako sa mga bumili sa mga paninda mo. Pero anong ginawa mo!
Sinuklian mo ako ng Candy!
Naiintindihan mo na ba ang pagkakasala mo?
Pera ang binayad ko sayo! Pero sinuklian mo ako ng candy! Ni hindi mo man lang ako tinanong kung ok lang ba sa akin!"gigil na sabi ni Jigsaw."Huh? Dahil lang dun? Sorry na...
Patawarin mo na ako..
Magsusukli na ako ng maayos at hindi na candy."pagsusumamo ni Aling Tasha."Pagbabayaran mo na ngayon ang mga ginawa mong panunukli ng candy sa akin at sa iba pang mga tao."tugon lamang ni Jigsaw.
"Bata pa po ako..
Grade 6 pa lang po ako..
Bakit po ako kasama sa kanila? may kasalanan po ba talaga ako?"umiiyak na sabi naman ni Jopet."Meron bata..
Malas mo lang at naroon ako at napadaan sa lugar ninyo. Habang naglalaro kayo ng tagu taguan! At ang ginawa mo! Umuwi ka sa inyong bahay! Hindi ka patas makipaglaro! Hindi ka patas sa iyong mga kaibigan! Naalala ko sayo ang kalaro ko noon! Na ganun rin ang ginawa! Umuwi siya ng bahay at dahil ako ang taya halos mag damag ko siya hinanap!"galit na sabi ni Jigsaw kay Jopet."Sorry na po..
Hindi na ako uuwi sa bahay sa tagu taguan."umiiyak na pagsusumamo ni Jopet pero hindi na siya inimik pa ni Jigsaw."Hoy Jigsaw! Pakawalan mo ako! Wala akong pagkakasala sayo!"sabi naman nang apat na si Mang Boy.
"Tama..
Wala kang pagkakasala sa akin..
Pero sa mga kaibigan mo meron! Malas mo lang at napadaan din ako sa mga tagpong gumawa ka ng isang pagkakasala!
Napaka kapal ng mukha mo! Wala ka na ngang ambag sa inuman! Ang lakas mo pa mamulutan! At isa pa...
Pasimpleng Tinatapon mo pa ang alak! hindi ka na nahiya sa mga kaibigan mong bumibili ng alak at pulutan!"gigil na sabi ni Jigsaw sabay kurot sa malaking tiyan ni Mang Boy."Aaaaahhhh!"
"Kung ano man ang kasalanan ko....
Patawarin mo na ako..."agad na paghingi ng tawad ng panglimang biktima ni Jigsaw na si Jessy."Sa lahat...
Ikaw ang hindi ko mapapatawad! Dahil sa pag utot mo sa loob ng Elevator at amoy masalimuot na nakaraan ang amoy ng utot mo! Naroon ako..
Nandun ako sa loob ng elevator nung ikaw ay umutot ng napakabaho! Lahat kami halos ma suffocate sa utot mo"galit at gigil pang sabi ni Jigsaw."Patawad na...
Patawarin mo ako..
Hindi ko lang talaga napigilan pa."pagsusumamo ni Jessy habang lumuluha.Pero..
Hindi nagbago ang isip ni Jigsaw..
Kailangan pa rin nilang pagtagumpayan ang mga nakalaan trap para sa kanila kung nais maipagpatuloy ang kanilang buhay"I wanna Play a Game!
Hahahahaha!Tawang mala Demonyo sabi ni Jigsaw
End