AUTHOR KILLER

61 2 0
                                    

AUTHOR KILLER
AUTHOR WILL VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Isang Serial Killer...

Ang pumapaslang sa mga manunulat at hindi pa matukoy ng mga pulis kung sino ang mamaslang at kung bakit niya ito ginagawa..

Isa itong taong sobra ang pagkaka obssessed sa mga Story na sinusubaybayan niya.

Kahit anong Genre ng kwento ay binabasa niya. Sobra ang pag appreciate niya sa mga kwentong binabasa niya . Kaya lang labis labis din ang pagkadismaya niya kapag hindi na niya nagustuhan ang Ending ng mga Binabasa niya.

Nagbabasa siya ng mga story sa internet man o sa mga Pocket Book, or Wattpad At sa sobrang pagkakadismaya niya nagagawang niyang pagpapaslangin ang mga manunulat na dinadismaya siya.

At ngayon nga ay panibago na naman biktima ang natagpuan at isa na naman itong manunulat na dinasmaya siya sa Ending ng story nito.

"Wala kang awa sa aming mga taga subaybay... Umaasa kami ng magandang ending! Pero..... Hindi ito ang inaasahan kong ending ng kwento m0! Dapat kang mamatay bago ka pa makadismaya ng marami pang mambabasa."Sabi nito habang binabalita na sa Telivision ang bago na naman niyang Biktima.

At binansagan nga siya ng mga pulis na Author Killer.......

Ang serial Killer na ito ay namumuhay lamang mag isa. Dala ng kalumbayan tanging pagbabasa na lamang ng mga Kwento ang kaniyang pinagbubuhusan ng oras. Matapos niyang magtrabaho sa isang kompanya.

Tila kaligayahan na niya talaga ang makapagbasa ng mga Kwento, sa ibat ibang mga manunulat.

Subalit sa mga nag daang taon hindi na basta pagkahilig lamang ang naradama niya sa pagbabasa ng mga Kwento.

Umabot na ito sa pagka Obsessed! At umaabot na sa puntong sobrang nagagalit siya kapag nadidismaya siya sa Ending ng mga binabasa niya. Lalo pa at maraming rin na mga Readers ang nadidismaya hindi lamang siya.

At sa kaniyang tahanan..

Abala siyang nagbabasa ng story.. Istoryang mula sa Wattpad na nakapublish na bilang ganap na babasahin sa mga Bookstore.

"Maganda rin ang kwentong ito... Napaka interesting may mga Twist na hindi mo inaasahan.."Sabi nito habang nagbabasa.

At saglit niyang inihinto ang pagbabasa para mag timpla muna ng kape, upang mas maparasap ang kaniyang pagbabasa.

May kanipisan lamang ang pahina ng binasa niyang akda, pero siksik naman ito ng mga kaganapang nakakabuhay ng excitement sa kaniyang kaisipan.

Hindi niya ito tinantanan basahin, sa buong umaga na iyon. At umabot na nga siya sa huling kabanata ng kwento...

At sa pagtatapos ng kwento..

Hindi siya makapaniwala sa ending..
Dahil matapos maligtasan ng bida ang lahat ng Panganib. Humantong pa rin ito sa kamatayan. Makalipas ng dalawang taon, matapos niyang mapasabak sa mapanganib na laro.

Namatay ito dahil lamang sa isang ligaw na bala? na tumama sa ulo nito. Habang nakikisaya sa mga kamag anakan niya sa mismong kaarawan niya sa kanilang Tahanan.

Isang nakakadismayang ending ito para sa kaniya, at agad niyang hinatulan ng kamatayan ang may akda nito na si Junmar Solis....

"Nakakadismaya ka! Sana namatay lang sa Game ang Bida! Hindi sa ganitong paraan lamang? Bwisit! Bwisit! Aaahhhhh!" Galit na sabi nito at ito na nga ang Next Target niya

Ang pagkadismaya niya ay humantong sa nakakapanindig na galit, at ito nga ay papaslangin na niya ang may Akda ng Kwentong iyon dahil sa Ending na hindi makatarungan sa mga taga subaybay.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon