ESCAPE
BY WILLY VERANOONE SHOT STORY
My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}9: 00 pm ng gabi...
Nag pasyang lumabas ng bahay si Walter, kahit sadyang tahimik na ang mundo.
Hindi na ito tulad ng dati....
Ang 9:00 pm ay halos katumbas na ng hating gabi sa sobrang katahimikan ng paligid.
Wala ng mga sasakyang dumaraan.
Sadyang Napatahimik na ng paligid.-------------------
"Anak huwag mo na ituloy ang balak mong pag labas! Marami ng pinaglamayan ng wala sa oras! Ayaw kong sapitin mo iyon! Dahil anak ka namin."pag mamakaawa ng kaniyang ina.
"Nay, hindi na ninyo ako mapipigilan pa! Walang mangyayari sa atin kung mabubuhay na lamang tayo sa takot, huwag po kayo mag alala babalik po ako kahit anong mangyari."Sabi ni Walter na buo ang loob.
------------------
Huminga ng malalim si Walter, habang hinakbang niya ang kaniyang dalawa paa, sa labas ng kanilang bahay.
At nag simula na siyang mag lakad ng marahan..
Habang inoobserbahan ang kapaligiran.
Dahil baka dumating na ang mga dapat niyang iwasan sa Labas, lalo pa kung sasapit na ang gabi. Mas dumarami sila.
"Hindi na ako pepwede umatras pa. Narito na ako kailangan ko na ito ituloy."Sabi ni Walter sa Sarili, para palakasin ang kaniyang loob.
--------------------
Ngunit.....
Nangyari na nga ang ikinakatakot niya!
Nakita na siya ng mga ito, at agad siyang hinabol ng mga ito."Naku! Nakita na nila ako! Ayaw ko pa malibing ng buhay! Ayaw kong paglamayan! Kailangan ko sila matakasan!" Sabi ni Walter, habang ito ay tumatakbo palayo sa kaniyang mga humahabol.
Habol habol pa rin siya ng mga ito, hawak hawak ang kanikanilang Sandata! Na maaaring tumapos sa buhay niya!
"Saklolo! Tulong!"
Pag hingi ng tulong ni Walter sa mga tao sa loob ng kanikanilang bahay.
Pero...
Pinatayan pa siya ng mga ilaw nito, at walang tumulong sa ni isa sa kaniya.
----------------
"Kahit sino tulungan ninyo ako! Ayaw ko pa malibing ng buhay!" Pag mamakaawa ni Walter.
Sisingsisi na si Walter, kung bakit pa siya lumabas ng bahay, sana Ay nagpapigil na lamang siya sa kaniyang nag aalalang ina
Pero naroon na siya sa sitwasyon na iyon, hindi na niya ito pwede bawiin pa.
Habang patuloy na tumakbo si Walter, napalingon pa siya sa mga ito.
At nakita niya ang dalawa sa mga ito, na Mag katulong na buhat buhat ang Kabaong na walang laman?
"Ayaw ko... Ayaw ko pa malibing ng buhay! Aaahhh" takot na sabi ni Walter. Habang patuloy sa pagtakbo.
Tagaktak na ang pawis ni Walter, sa sobrang takot na nadarama.
Pero nagawa pa ni Walter, na mag pasikot sikot sa mga Eskikita, para takasan ang mga ito.
--------------++++
Ngunit..
Sadyang alam na nila ang mga maaring lusutan ni Walter.
Kaya na corner din nila ito...
At wala ng nagawa pa si Walter, ng sapalitan siyang ilagay sa loob ng mga kabaong!
At doon na siyang muling nag makaaawa sa mga ito..
"Grabe naman kayo! Mag papa load lang naman ako! Palabasin ninyo ako! Aahhhh!" Pag mamakaawa ni Walter.
"QUARANTINE tayo! face The Consequence!"Sabi ng mga Tanod ng mahuli nila si Walter.
Na lumabas pa rin ng bahay during Lockdown...
At pinaglamayan nga si Walter sa tapat ng Brgy sa loob ng isang oras.
Kaya VIRAL SIYA NGAYON SA FACEBOOK.
THE END.