SNOW WHITE
{AND THE SEVEN TIYANAKS}
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Sa isang malawak na kagubatan nagpasyang mag overnight camping sila Zoren, Jomar, Jerry, Anton, Khael, Hazel, at Maresol.
Sakto namang may Van si Zoren, kaya hindi na nila poroblemahin pa ang sasakyan, at mga bagahe nila ay kasya kasya naman sa loob ng kotse.
Ang mag Overnight sa Kagubatan ay napagpasyahan nilang magkakaibigan.
Dahil lamang sa tila sawa na sila sa walang humpay nilang gimik sa Siyudad.
Kaya susubukan naman nilang ang kakaibang tanawin dala ng natural na kalikasan.
Sa mga bagahe nilang dala, tila ba hindi lamang isang gabi mamalagi roon.
-----------------
"Mukhang naparami ang nadala natin huh?" Sabi ni Jomar.
"Ayos lang yan! Atlis hindi tayo kukulangin."Sabi ni Anton.
"Marami bang alak diyan?" Sabi ni Jerry.
"Tama ka! Sobra sobra din ang alak natin, kaya papakalasing na tayo."sabi ni Zoren.
"Ayos naman pala eeh! Syempre may mga pulutan din."Sabi ni Khael.
"Hinay hinay lang sa pag iinom huh? Baka mag wala kayo at mabulabog natin ang engkanto o laman lupa sa kagubatan na ito nakakatakot."Babala ni Hazel sa mga kaibigan niya.
"Hazel Really? Naniniwala ka sa mga ganiyan? Para ka namang bata. Hahaha!"sabi ni Marisol.
"Ano naman nakakatawa dun? Bakit ang Diyos hindi naman nAtin nakikita? Pero pinapaniwalaan natin! Wala yun pinagkaiba sa mga engkanto o mga multo."katwitran ni Hazel.
"Tama na ang pagtatalo na yan! Sige kaunting ingay lang kami kapag lasing na kami!" Malokong sabi ni Anton.
--------------
Sila ay mga magkakaklase sa High School kaya ganoon na lamang ang Closeness nila sa isat isa.
Sa katunayan hindi alam ng kanikanilang mga kasintahan, na may plano silang Overnight Camping.
Dahil exclusive lamang ito para sa kanila, ganoon ka tindi ang kanilang pagkakaibigan.
Agad silang naghanda ng kanilang mga Tent, na kanilang tutulugan kapag tapos na sila kasiyahan.
At habang may liwanag pa nag simula na silang lutuin ang kanilang mga kakainin at pupulutanin sa kanilang inuman.
----------------
At sa pagsapit ng Dilim...
Nag simula na ang inuman at panay ang saway ni Hazel, na pahinahan ang Speaker para hindi sila makabulabog ng mga Elemento sa kagubatan, pero sa huli wala rin siyang nagawa.
Kaya nakisaya na lang rin ng Todo si Hazel, para ma enjoy na lang din niya ang gabi.
"Tignan ninyo si Hazel! Hataw sa sayaw! Pero gusto niya pahinahan ang volume kanina? Hahaha!" Sabi ni Zoren, at nagtawanan ang lahat.
At sa gitna ng kasiyahan nagpaalam si Khael, na iihi muna siya sa tabi.
Agad naghanap ng punong maiihian si Khael, sabay sabing.
"TABI TABI PO huwag po ninyo palakahin ng husto ang JUNJUN ko yung sakto lang."malokong sabi ni Khael.
At habang umiihi ito...
Nakapansin siya sa di kalayuan ng babaeng may maputing balat, sa kaputian nito kitang kita siya sa dilim.
"Ibang klase ang puti! Ang kinis!"Agad na sabi ni Khael.