DOC. DEATH

15 1 0
                                    

THE DOCDEATH
A Collaboration Story by Mikaela Scarlett and Willy Verano
HORROR/MYSTERY/THRILLER

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

HINIHINGAL na si Yassy, ngunit wala pa siyang balak na magpahinga. Hindi niya alam kung bakit kabadong-kabado siya, gayung kay tahimik naman ng paligid at tirik na tirik ang araw.
Naalala niya ang unang dating nila ng barkada sa probinsiyang ito noong isang araw. Masaya silang nagtatawanan, nagkukulitan, at nagsasabuyan ng tubig habang naliligo sa isa sa pinakamagandang talon na nakita nila. Ang Niludhan Falls.
Walo silang nakarating sa tagong lugar na ito ng Negros Oriental. Siya, ang kambal na si Mia at Via, si Lorie, ang nobyo nitong si Zack, ang magpinsang sina Jay at Matt, at ang step brother niyang si Alvin.
Sa totoo lang ay wala naman siyang balak sumama, ngunit napasubo siya sa hamunan. Sabi kasi ng barkada, matatakutin siya, duwag at walang paninindigan. At nais niyang patunayan na mali sila.
Kaya kahit inis na inis siya sa step brother niyang si Alvin, pinili niyang sumama sa mga adventures ng mga ito para patunayang hindi siya kagaya ng sinasabi ng mga ito.
Palibhasa, pinakasalan ng papa niya ang mama ni Alvin kaya malakas itong gumawa ng kalokohan. Sukat ba namang ipagpaalam sa papa nila na magfi-fieldtrip sila kahit ang totoo ay hindi naman!
Porke't kinakampihan ito ng papa niya. Kaya lumalaki na ang hangin nito sa utak!
Kagaya ngayon. Alam niyang plano ni Alvin na iwanan siya sa kubong tinutuluyan nila. Akala yata nito matatakot siya.
Nagbilin pa ng sulat ang kumag. Sabi pa nito sa sulat, " Kung talagang matapang ka, sundan mo kami sa haunted tunnel sa dulo ng matandang kakahuyan." at ang nakakaasar pa, may iginuhit pang evil emoticon sa gilid!
Lagot talaga kay papa nila ang lalaking ito kapag nakauwi na sila! Inirecord niya through voice and video recorder ang lahat ng mga kalokohang pinaggagagawa nito.
Kaya naman heto siya ngayon, matapos matunton ang matandang kakahuyang tinuturo ni Alvin sa sulat, hingal na hingal siyang pumasok sa loob nang makakita ng patay na ahas sa daan.
God. She really hates snakes.
Pero mas masaya siguro kung ipupulupot niya sa leeg ni Alvin ang nasabing ahas para naman matigil ito sa mga kagaguhang ginagawa.
Nang hindi na niya kaya ay napahinto siya at hinahabol ang paghinga. Tumatagaktak ang kanyang pawis dahil sa bilis niyang tumakbo.
Hindi na niya ininda ang alikabok at basta na lang sumalampak sa lupa at isinandal ang likod sa maliit na patay na kahoy na nakahambalang sa daan.
Grabe, ang creepy ng lugar. Hindi niya tuloy maiwasan ang panindigan ng balahibo habang nililibot ng tingin ang paligid.
Para siyang nasa pelikulang Wrong Turn.
Namutla siya sa naisip. Wala naman sigurong pangit na killer ang nagliliwaliw dito at nangha-hunting ng makakaing tao, ano?
Pero paano na lang kung meron?
Bago pa siya makaisip pa ng ibang senaryo ay isang matinis na sigaw ang gumulantang sa kanya.
"Aaaaaahhhhh!!"
Nanlamig si Yassy nang makilala ang boses na iyon. Si Lorie!
Mabilis siyang tumakbo at pinakinggan ulit ang sigaw.
Nagmumula iyon sa pusod ng kagubatan!
Kinakabahan man, nilakasan ni Yassy ang loob at matapang na sinuong ang madawag na kakahuyan. Baka nasa panganib ang kanyang mga kaibigan!
Binalewala niya ang mga gasgas, sugat at kahit ilang beses pa siyang nadapa at nasubsob, madaluhan lang ang mga kaibigan.
"Kasalanan 'tong lahat ni Alvin, eh! Idinamay niya pa pati ang kambal, maldita pa naman ang mga magulang ng mga 'yon!" naiiyak niyang wika habang patuloy sa pagtakbo.
Nang makarating siya sa pusod ng kagubatan, namangha siya sa nakita.
Mula sa kanyang kinaroroonan, kitang-kita niya ang mga kaibigang nagkakatuwaan, sa bukana ng isang tunnel. Ang tinaguriang hunted tunnel.
"W-Walang nangyari?" aniya sa sarili habang nakangangang pinagmamasdan ang mga tropang masayang nagtatakbuhan sa bukana ng tunnel.
Panay naman ang selfie nina Mia at Via, habang si Zach ay kinakagat-kagat ang tainga ni Lorie. Tsssskk. Kaya pala tumitili ang bruhilda.
Si Matt naman ay panay tutok ng flashlight sa madilim na bahagi ng tunnwl habang si Jay ay nakangiting lumapit sa kanya.
Mapang-asar naman na ngisi ang isinalubong sa kanya ni Alvin na ikinaismid niya.
"Oohh.. Glad you made it, sucker,"
Pinandilatan niya si Alvin at ginaya ang tono nito.
"Oohh.. Nagtagumpay ka nga sa pang-aasar sa akin, fucker, but not for long," aniya at iniwan itong nakanganga.
"Guys, sa tingin niyo, anong meron diyan?" nguso ni Lorie sa madilim na tunnel.
"Hindi ko alam, but why don't we check it out?" yakag naman ni Matt.
"Sounds great to me! " si Via.
Pumagitna si Yassy nang magsisimula na sanang pumasok ang barkada sa bukana, pero nakalusot ang makulit na si Alvin.
"Are you chicken again, Yass?" anito at humalakhak pa na parang walang bukas.
"Hindi natin alam kung anong meron diyan, tas basta na lang kayo papasok?" angil niya.
Dumipa pa si Alvin at buong angas na umatras sa bukana ng tunnel kaya hindi na siya gaanong makita nina Yassy.
"There's nothing to be afraid of, little sistah! See? Walang nangyari---aaaaahhhhhhhh!!" biglang sigaw nito nang mula sa kadiliman ang may mga kamay na humablot sa binata papasok sa tunnel.
"Alvin!!" sabay-sabay na sigaw naman ng barkada.
Nag-iyakan ang mga babae at napamura naman sina Jay, Matt at Zack.
"I-I told you, something's in there..." nanginginig na wika ni Lorie at yumakap kay Zack.
Si Yassy naman ay animo naestatwa sa kinatatayuan. Talaga bang literal na may humila kay Alvin sa loob?
Ilang saglit pa, nakarinig sila ng nakapangingilabot na tunog ng chainsaw na humahalo sa sigaw ni Alvin.
"Aaaahhhhcccckkkk!!"
Nangilabot ang lahat nang marinig ang malakas na sigaw ni Alvin na animo nilalagari, hanggang sa pahina ng pahina ang boses nito hanggang sa naging ungol.
Mas lalong nag-iyakan sina Mia, Via at Lorie habang taranta namang pinakinggan ni Yassy ang nangyayari sa loob.
Hindi niya alam kung papasok ba siya o hindi, lalo pa at may isang estranghero siyang boses na naririnig na kasama ni Alvin sa loob.
"Oh, you got an accident! Let's go to the hospital and let's treat your wound!" anang isang boses-lalaki mula sa kadiliman ng tunnel kaya naman napatakbo sa loob si Yassy, para sana habulin si Alvin at ang narinig niyang lalaking magdadala rito sa ospital.
"Alvin! Alvin, Nasaan ka?" sigaw niya na umalingawngaw sa buong tunnel.
Tumakbo pa siya sa may dulo at nadulas siya nang makaapak sa isang malapot na likido sa semento katabi ng isang kamay.
"H-help me... Yassy..." ungol na narinig niya na nakilala niyang si Alvin.
Hindi na siya nag-isip, basta niyang hinila ang kamay nang hindi lumilingon sa pinanggalingan.
Nakaramdam siya ng ginhawa nang matanaw na ang liwanag sa bukana.
"Malapit na tayo, Alvin," aniya at agad na napadapa sa lupa nang makalabas sila sa tunnel.
Gayon na lamang ang pagtataka niya nang magsigawan ang mga kasama maging sina Matt ay nabigla.
"Aaaahhjhhh!!"
"Bakit, anong nangyari?" naguguluhang wika niya.
Tila iisang tao namang itinuro ng mga kasama ang katabi niyang si Alvin at gayon na lamang din ang gulat at pagsisisigaw niya nang makitang kapirasong kamay lang pala ang kanina pa niya hawak-hawak.
"K-kamay ni Alvin iyan, ah!!"
"N-nasaan si Alvin!"
Natutop ni Yassy ang bibig at muling napalingon sa madilim na tunnel.
Naiwan si Alvin sa loob at ang nadala niya ay ang kapirasong braso lamang nito.
Ibig sabihin..
"Alvin!!!" tangis niya at nagwala ng nagwala.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon