MENU NI BIYENAN

24 1 0
                                    

MENU NI BIYENAN
AUTHOR WILLY VERANO
REPOST STORY
ONE SHOT STORY

Sa limang taon naming mag kasintahan ni ADRIAN kahit isang beses hindi pa ako ipinakilala ni Adrian sa magulang niya sa probinsya Kahit na ipakilala ko na siya sa magulang ko at mga kapatid ko. Sa sumunod na araw mula ng maging Bf ko siya.

Aaminin ko nag tatampo ako dahil tingin ko hindi proud sa akin si ADrian. bilang Gf niya. O kung hindi naman baka may tinago siyang isang lihim na ayaw niyang mabatid ko? Hindi maubos ang dahilan niya sa tuwing sinisingit ko sa usapan ang tungkol sa magulang niya. Kaya hanggang sa mag sawa na lang ako kulitin siya na makita ko na in person ang magulang niya sa probinsya. Hindi lamang sa mga larawan.

Ok naman ang lahat sa aming dalawa iyon lang talaga ang bagay na iyon ikinatatampo ko sa kasintahan kong si Adrian. Hanggang sa tila dininig ng diyos ang panalangin ko dahil sa 5th anniversary namin si ADrian. siya na Mismo ang nagsabi sa akin na ipapakilala na niya ako sa magulang niya. Pero dapat ako lang raw mag isa sa ngayon.

Napaisip ako bakit ako lang mag isa ang isasama niya? At malayong probinsya pa iyon na hindi ko pa napuntahan kahit isang beses. Pero ang pagdadalawang isip ko na iyon ay napalitan ng tiwala. Dahil tiwala akong wala naman gagawing masama sa akin si Adrian? At lalo pa ngayon ipapakilala na niya ako sa magulang niya nag iisang anak lamang  siya kaya ang ama at ina niya lamang ang makikilala ko roon sa probinsya nila.

Mahaba haba ang biyahe patungo roon. Matapos naming mag barko, nag Bus muli at nag Tricyle nakatulog na lamang ako sa biyahe sa sobrang tagal. At ginising na lamang ako ni Adrian ng huminto na ang Tricyle na sinasakyan namin.

At isang baryo ang nakita ko at ng makita nila si Adrian lahat sila ay nakatingin rito at ang iba ay nakatingin rin sa akin at ang sabi pa ng isa..

"Ngayon na ba....." Mahinang sabi nito.

Pero dinig ko pa rin iyon kaya muli akong napaisip at biglang may sumiklabong kaba sa puso ko. Na wari bang may mangyayaring ikapapahamak ko. Pero hindi ko dapat maramdaman ito dahil kasintahan ko si Adrian at mahal niya ako hindi niya ako sasaktan.

Hindi niya sinagot ang lalakeng iyon bagkus nginitian lamang niya ito at dinala na ako ni Adrian sa kanilang munting Bahay sa Baryong iyon kung saan naghihintay ang kaniyang Ama at Ina.

At sa unang pagkakataon nasilayan ko in person ang ama at ina ni Adrian magiliw naman sila sa akin ngunit muli kong narinig sa ama ni Adrian ang salitang.

"Ngayon na ba...." Mahinang sabi nito kay Adrian.

Tumago lamang si Adrian kaya naman napaisip akong muli. Ano ang kahulugan ng pagsang ayon ni Adrian? at dahil doon bahagya akong napaatras.

"Bakit anong problema? May nararamdaman ka ba? Sabihin mo lang?" Nag aalalang sabi ni Adrian sa pag alala niya na pawi muli ang mga pangamba ko.

Kaya naman tumuloy na ako sa kanilang tahanan at matapos nga niya akong ipakilala sa kanyang Ama At Ina. Saglit nila akong iniwan sa Salah at nagtungo si Adrian kasama ang magulang nito sa Kusina dahil daw may pag uusapan daw sila.

"Pag uusapan? Na hindi ko pepwedeng Marinig?" Tanong ko sa aking isipan
Habang binabalot ng kaba.

Hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan lalo na at tahimik lamang sila sa kusina kaya may mga bagay na naglalaro sa aking isipan. Hanggang pinagpasyahan kong pasimple silang tunguin sa kusina at bahagya akong sumilip at doon nakita ko silang masayang naghihiwa ng mga laman loob ng hayop na sariwang sariwa pa.

"Anak dala mo na ba ang sikretong sangkap na sosorpresa sa kasintahan m0?" Tanong ng Nanay ni Andrian.

"Oo nga at tiyak magugulat siya kundi ako nag kakamali ito na araw na iyon.." Sabi naman ng tatay ni Adrian.

"Opo dala ko na po, hindi ko po nalimutan katulad ng mga paborito ninyong laman loob ng tao.... I mean laman loob ng Hayop pala..." Sabi ni Adrian.

Dinig ko ang pag uusap nilang iyon kaya naman kung ano ano na ang pumasok sa isipan ko. At sinasabi ng isipan ko na kailangan ko ng umalis dahil baka ikapahamak ko pa ito. Ngunit naka lock na pala ang pinto at hindi ako makalabas.

"Bakit kailangan i Lock ang pinto? Kami kami lang naman naririto." Tanong ko muli sa aking isipan.

Hanggang sa maabutan ako ni Adrian sa pintuan.

"Lalabas ka ba? Pasensya ka na Beyb kung ini Lock ko ang pinto kasi baka may ibang pumasok na kabaryo ko alam mo na galing manila? Wala pa naman akong masyadong pasalubong." Sabi ni Adrian.

Sa sinabing dahilan ni Adrian, hindi ko alam kung bakit may isang lugar sa isipan ko na ayaw paniwalaan ito. Hanggang sa bumalik na ang ama at ina ni Adrian galing sa kusina. matapos nila lutuin ang special Menu nila na Laman loob ang pangunahing sangkap.

Agad hinawakan ni Adrian kamay ko at pinaupo upang sabay sabay namin pagsaluhan ang pag kain na iyon.

"Ahhh……Beyb if ok lang sayo ikaw ang unang kumain para naman una mong malasahan kung masarap pa rin ba ang special Menu ni Nanay na tinatawag niyang  LAMAN LOOB ALA FIESTA." sabi ni Adrian.

Sa sinabing iyon ni Adrian muling may naglaro sa isipan ko. Bakit ako ang gusto niyang unang kumain? Baka may pampatulog itong inihalo para magawa nila ang gusto nila sa akin. Mali man ang iniisip ko pero sa palagay ko mga Cannibal sila?

"Beyb? May problema ba? Alam ko medyo Weird yung Menu ni Nanay pero masarap yan promise.... Try it!" Sabi muli ni Adrian.

At muli kong pinagmasdan ang LAMAN LOOB ALA FIESTA na nakahain sa akin sa isang mangkok. At masuka suka ako dahil halos nagsama sama na ang mga laman loob roon? Hindi ko alam kung bakit nila naaatim kaanin iyon? Kung hindi si Cannibal? Baka naman aswang sila? At ikinagulat ko pa ng makita ko ang Ilang hibla ng buhok sa Menung nakahain sa akin.

Kaya naman hindi ko na kinaya pa at tinabig ko ang mangkok na iyon at nabasag at natapon ang putaheng iyon.

"Adrian maawa ka sa akin iuwi mo na ako nakikiusap ako.. Huwag mong gawin sa akin ito.." Umiiyak kong sabi kay Adrian.

Nagulat ang ama at ina niya sa reaksyon kong iyon, ngunit si Adrian ay biglang tumayo at tila may kinuha sa natapong ulam. At muli siyang lumapit sa akin.

"Hindi ko akalain na magiging ganito? Pero nangyari na.. No more surpise sa tinago kong sorpresa sa Menu ni Nanay. I DIDIREkta ko na lang sabihin sayo Beyb na... "YOU WILL MARY ME?" sabi ni Adrian kasama ng kaniyang banayad ng ngiti at pagluhod nito sa aking harapan.

Ako naman ay na shock engagement ring pala ang pinulot niyang iyon. Na balak niya sanang isorpresa sa akin sa oras na mapansin ko ito sa Menu ng nanay niya.

Ngayon nauunawaan ko kung para saan ang salitang "NGAYON NA BA?" dahil  nangako pala si Adrian sa Magulang at sa mga ka Baryo niya na sa kanyang pagbabalik, iyon na rin araw na mag papakasal siya sa babaeng minanahal niya na walang iba kundi ako!

Ayieee! Enebeyen kinikilig ako..
Pero secret lang hate ko talaga Menu ni Future Biyenan ang weird kasi at may nasasamang pang buhok niya sa pag luluto? Iyon siguro ang nakita kong buhok kaya inakala ko kumatay na sila ng tao..

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon