MR. QUESTIONER
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Limang magkakaibigan ang mahaharap sa mga tanong na ang kapalit ay ang kanilang mga buhay.
Sa katauhan ng isang nilalang na tinatawag ang sarili bilang Mr.Questioner.
MASASAgot nga ba nila ang bawat tanong ng nilalang na ito?
O lahat sila ay papalya at mamatay?
Isang gabi kabilugan ng buwan masayang nag na night camping ang limang magkakaibigan na sina Jewel, Andrin, Regine, Jorjen at Luwee.
Masaya silang nagkekwentuhan, nagkakantahan habang sinasabayan ang tugtog ng gitara.
"Ang saya ng ganito! Yung tipong sa ating lima lamang ang mundo wala mabubulabog kahit mag ingay pa tayo." Sabi ni Jorjen.
"Basta kami ni Jewel pagsasaluhan namin ang gabi gagawin naming mainit." Sabi ni Andrin.
"Ikaw talaga! Huwag ka ngang ganyan ang Grin mo talaga." Sabi ni Jewel.
"Anu na Luwee! Tugtog ka na ulit!"sabi ni Regine.
"Akala ko kasi mag kekwentuhan na lamang hahaha!" Sabi ni Luwee.
Sabay muling tugtog gamit ng kanyang gitara.
"Ang tugtog na ito ay para sayo Regine.." Sabi ni Luwee.
"Baka kay Jewel?" Pabirong sabi ni Regine.
"Not available na si Jewel akin na ito pre." Pabirong sabi ni ANDRIN.
"Loko ka talaga Regine!" Inis na sabi ni Luwee.
"Bago pa magka asaran kumanta na lamang tayo!" Sabi ni Jorjen.
At muling tumipa ng gitara si Luwee, at muli silang nagkantahan.
At habang silay muling nagkakantahan isang palakpak ang kanilang narinig.
"Mahusay! Mahusay! Masayang magkakaibigan ang aking nasaksihan" sabi nito.
Nagulat naman sila sa biglaang paglitaw nito sa kanilang harapan.
Ito ay nakasuot ng itim na kausotan mula sumbrero nito na tila pang magician.
At ang damit nito ay pawang itim rin ngunit ang mata niya ay purong itim lamang.
"Magician ba kayo? Paano kayo sumulpot sa harapan namin?" Pagtataka ni Jorjen.
"Baka adik yan? At tignan ninyo may sarili pa siyang upuan?" Sabi naman ni Andrin.
"Sino ka ba? Umalis na lang kayo." Sabi ni Luwee.
"Nakakatakot siya, tignan ninyo ang mata niya puro itim?" Takot na sabi ni Jewel.
"Guys baka kung ano ang gawin niya sa atin." Nagaalalang sabi ni Regine..
Ilang sandali pa nagsalita na ito..
"Hindi ako isang Magician, ako ay galing sa mundong hindi ninyo alam! At mararating ninyo lang iyon kapag patay na kayo." Sabi nito sa kanila.
"Kahit sino ka pa umalis ka na! Kabaliwan lang yan ang pinagsasabi mo!" Sabi ni Luwee.
"ANDRIN, Jewel, REGINE, Jorjen at Luwee kilala ko kayong lahat." Sabi nito ng sambitin nito ang kanikanilang pangalan
"Malamang siguro kanina ka pa nagmanasid? kaya nalaman mo ang mga pangalan namin!" Sabi ni Andrin.
"Andrin isang taong mahilig manggamit? Para sa ikakaangat niya" sabi muli nito.
"Huh.. Anong pinagsasabi mo! Tumigil ka!! Inis na sabi ni Andrin.