DEMON COMANDMENTS

40 2 0
                                    

DEMON COMANDMENTS
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

"Sampong utos ko lamang ang kailangan mo gawin at ang minimithi mo ay matutupad, may isa akong salita ngunit kailangan mo ito pag hirapan."Sabi ng Demon na bumubulong sa kaniyang isipan.

"Isa kang Demon paano ko panghahawakan yang ipinangako mo sa akin."Sabi ni Chris na siyang kinakausap ng demon sa kaniyang isipan.

"Meron ka pa bang ibang malalapitan? Walang sino man ang makakatulong sayo. Kundi ako lamang? Maraming kaibigan? Pero tinulungan ka ba? Marami silang dahilan para hindi ka tulungan? At ang Diyos na pinaniniwalaan mo? Nasaan siya para dinggin ang iyong dalangin? Hindi bat wala? Ako lamang ang meron ka! wala ka ng pagpipiliin pa."sabi muli ni Demon

"Mangako ka tutuparin mo ang sinabi mo! Dahil Wala na akong ibang malalapitan."maluhaluhang sabi ni Chris.

"Tutuparin ko ang pangako ko, huwag mo kalimutan Anghel din naman kami na pinababa lamang sa kalangitan! Alam mo kung bakit? Natatakot ang diyos na mahigitan namin siya. Iyon ang patunay na kaya din namin gawin ang mga himalang ginagawa ng diyos na inyong pinaniniwalaan."sabi muli ni Demon.

"Tama ka wala man lang sign ang diyos sa akin kung kahahabagan niya ang aking hiling iyon lang naman ang hiniling ko sa buong buhay ko! bakit hindi niya ako mapagbigyan."lumuluhang sabi ni Chris.

"Ganiyan nga kamuhihan mo ang diyos! Higit kanino man."natutuwang sabi ng Demon.

"Sige, pumapayag na ako sisikapin ko gawin ang sampung utos mo para sa akin kahilingan."sabi ni Chris.

"Kung ganoon? Dapat mong wasakin na ang mga Santo sa Bahay mo dahil ang diyos ay hindi ka pinakikinggan."sabi ng Demon.

At sa utos ng Demon pinag sisira ni Chris, ang mga Santo at Rosaryo niya sa loob ng bahay niya at sinunog ito.

"Ito na ba ang una mong utos?" Sabi ni Chris.

'Nag kakamali ka hindi yan kabilang sa sampong utos ko, ang bawat utos ko ay uukit sa makasalanan mong magkabilang kamay at mababasa mo dun ang bawat utos ko."Sabi ng Demon.

At biglang..

"Aaaahhhhh!"

Dahil may mga letrang lumilitaw sa kaniyang magkabilang kamay, at tila inuukit ito ng isang patalim.

"Aaaahhhh!"

"Ang unang utos ko ay mag sisimula na kaya pakibasa na lang."sabi ng Demon.

At kahit nanghihina..
Pinilit basahin ni Chris ang nakasulat sa magkabilang palad niya.

"Manira ng mga santo sa Simbahan"

"Ooh bakit parang nag dadalawang isip ka? Nagawa mo ng sirain ang mga santo mo? Kaya sirain mo na rin ang mga nasa simbahan. Walang pakialam ang diyos sayo kaya dapat wasakin ang mga imahe niyang peke! Dahil ang katotohanan wala sa inyong lahat ang nakakaalam ng napakapangit niyang mukha!."Sabi ng Demon.

"Tama.. Walang diyos para sa mga tulad ko... Dapat wasakin kahit ang mga pekeng imahe niya na gawa lang rin ng mga tao."sabi ni Chris habang hawak ang isang martilyo.

SA PAg responde ng mga pulis wala na roon si Chris, nagawa na nitong makatakas

Hindi naman ma describe ng mga Witness, ang mukha ni Chris, dahil naka Face Mask ito at naka Cap ng gawin niya ang paninira ng mga imahe sa loob ng simbahan.

--------------

"Mahusay! nagawa mong mahusay ang unang utos ko sayo dapat lang wasakin ang mga huwad na imahe ng pinaniniwalaan ninyong diyos."sabi ng Demon sa kaniyang isipan.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon