HACHISHAKUSAMA
{ JAPAN URBAN LEGEND }
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Talamak na naman..
Ang pagkawala ng mga bata sa lansangan ng ibat ibang bahagi ng siyudad.At pinaghihinalahan ng mga pulis na ang may salarin sa pag kawala ng mga bata.
Ay ang mga sindikatong kumukuha ng mga bata.
Para ibenta ang mga laman loob nito sa mga tao sa Black Market para sa malaking halaga.
-----------
Pero...
Sa mga kuha sa mga cctv, wala namang mga nakikitang tao o puting van na kumukuha sa mga bata?
Dahil tila may humahabol lamang sa kanila, na hindi makita sa Cctv Camera.
Kaya naisip ng ibang mga taong malikot ang isipan.
Na Baka kinuha ito ng Slenderman..
Na kilala rin na kumukuha ng mga bata..
Na Agad namang kinontra ng mga pulis.-------------
"SLENDERMAN? Kalokohan ang mga yan! Reyalidad ang itatak ninyo isipan ninyong lahat! hindi ang mga kababalaghan! Para hindi kayo mag mukhang tanga"sabi ng mga pulis sa mga taong nag sasabi na Slenderman ang may kagagawan ng pagkawala ng mga bata.
At muling nag salita ang nagssabing Slenderman ang salarin.
"Hindi lang naman Slenderman ang nangunguha ng mga bata! Meron pang isang Elemento na nangunguha ng mga bata! Ang HACHISHAKUSAMA! Parang Female Version lamang siya ng Slenderman. At 8ft tall ang taas ni HACHISHAKUSAMA! NA NaKasuot ng puting Damit at sumbrerong kulay puti din."sabi ni Jomar na naniniwala sa mga kababalaghan isang High School Student
Hindi na lamang umimik pa ang mga pulis, dahil para sa kanila walang saysay ang mga pinagsasabi ni Jomar.
Na patungkol sa Slenderman at kay HACHISHAKUSAMA.
"Totoo ang kababalaghan! Dahil may mga bagay sa mundo na hindi maipapaliwanag ng Siyensiya! Kaya may punto din ako" Pahabol pang sabi ni Jomar sa mga pulis.
Si Jomar ay isang High School Student, at mahilig talaga ito sa mga kababalaghan.
Kaya naman..
Dahil nga walang bakas ang pagkawala ng mga bata.
Hinihinala ni Jomar, na ang Slenderman o ang HACHISHAKUSAMA Ang may kagagawan ng pag kawala ng mga bata.
Isang bagay na mahirap paniwalaan ng karamihan.
"Sana nga mali ako? Dahil kung isa man sa kanila ang kumukuha ng mga bata? wala na tayong katawang makikita."Sabi muli ni Jomar.
At dahil isang hindi kapanipaniwala ang pinapaniwalaan ni Jomar, na patungkol sa kababalaghan.
Naging katawa tawa lamang siya sa karamihan ng mga taong naroon.
"Mag aral ka na lang ng mabuti bata, at huwag mo na isipin ang mga kababalaghan dahil wala kang mararating diyan."sabi ng mga ito.
Kasabay ng tawanan ng mga ito.
Hindi na lang umimik pa si Jomar, at nagpasya na lamang itong umuwi.l
-------------
Si Jomar ay may nakababatang kapatid na babae, na nasa siyam na taong gulang pa lamang.
Habang siya ay nasa 14 years old na..
Ingat na ingat si Jomar, sa kapatid niya dahil ang mga batang tulad ng kapatid niya ay kadalasang nababalitaang nawawala na kinukuha ng sino man.