BARYO CRISTOBAL CHP1

56 2 0
                                    

BARYO CRISTOBAL
BY WILLY VERANO
CHAPTER 1

Sa isang probinsya.
Sa Baryo Cristobal...

May isang batang lalake ang nakatanaw sa mga naglalarong mga batang ka edaran lang din niya.

Nais niya makisali sa mga ito pero nahihiya nga siya sa kadahilanang hindi dapat nakikipag salumuha ang mga tulad niyang may dugong aswang sa mga tao. Kaya naman nag titiyaga na lamang ito na sila ay tignan mula sa malayo habang nakakubli sa likuran ng puno..

Ganito ang madalas niyang ginagawa matapos ng mga gawain niya sa bahay. Ang pagmasdan ang mga batang naglalaro.

"Ang saya naman nilang nag lalaro sana tao na lang din ako tulad nila para pwede ako makipaglaro sa kanila"naiingit na sabi nito.

Nang biglang...

Tumalbog ang bola palapit sa pinagkukublihan niyang puno.
Batuhan kasi ng bola ang nilalaro ng limang bata..

At dahil nga roon napalingon sa kaniya ang ang limang bata. At nagulat nga sila na may tao pala sa likuran ng puno na kanina pa sila pinapanood..

"Bata! Ipasa mo sa amin ang Bola! At sali ka na din sa Laro namin!"agad na sabi ng batang Babae.

"Ako? Sasali sa inyo? Pasasalihin ninyo ako?"hindi makapaniwalang sabi nito.

Ito kasi ang unang pagkakataon na may nag yaya sa kaniya makipag laro..

'"00 kasali ka na sa amin! Kaya ipasa mo na sa amin ang Bola.."muling sabi ng batang babae.

"Pe.... Pero hindi ako tulad ninyo.."mahinang sambit nito.

"Ano na! Nag hihintay na kami rito!"sabi naman ng apat pang mga batang lalaki na kalaro ng batang babae..

"Sorry po Nanay... Sorry po talaga..'sabi nito sa sarili ng damputin na nga niya ang Bola at makisali na sa Laro ng mga Bata.

At masayang masaya nga ito nakipag laro sa kanila. Ang mga ngiti nito ay hindi matutumbasan ng ano mang halaga kitang kita ang saya sa kaniyang Mukha.

At matapos nila mag laro..

"Nga pala ako si Marjorie ikaw ano pangalan mo? Taga BARYO CRISTOBAL ka rin ba? Ngayon ka lang namin kasi nakita?"agad na tanong nito

"JUAQUIN..... Ako si Juaquin at sa may kakahuyan kami nakatira ni Inay "nakayuko nitong sabi na nahihiya pa din.

"Juaquin.. Ikaw pala si Juaquin.. Kaibigan ka na rin mula ngayon huh? Kaya huwag ka na mahihiya sa amin.."muling sabi ni Marjorie.

At nagpakilala na rin ang apat kasamahan ni Marjorie.

Na sina Patrick, Niko, Joey, At Mat...

Nang biglang may matandang babaeng nanlilisik ang mga mata. Na agad hinawakan ng mahigpit si Juaquin at ito nga ay ang kaniyang ina

"BINILINAN KITA! HINDI NATIN KAILANGAN MAKIPAG SALAMUHA SA KANILA!"galit na sabi nito habang kinakaladkad niya ang sarili niyang anak..

At natulala na lamang ang limang bata sa kaganapan. At naawa nga sila para kay Juaquin...

Sa bahay..
Agad pinag malupitan si Juaquin ng sarili niyang ina...

"Aaahhh! Tama na po ina! Aaahh!"

Pag mamakaawa ni Juaquin habang patuloy siya nito hinahampas ng makapal na kahoy.

Subalit patuloy pa rin ang pamamalo ng kaniyang ina sa may puwetan nito...

"Aaahhhh!"

"Sumusobra ka na! Hinahayahan na nga kita at pinagbigyan na panoorin sila! Pero mas higit pa ang ginawa mo! Nakipag laro ka pa talaga! Patunay lang yan na wala kang respeto sa akin bilang ang iyong ina!"galit na sabi ng kaniyang ina.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon