EYE OF A VICTIM

21 1 0
                                    

EYE OF A VICTIM
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

"Mahal, ngayon na ang operasyon sa eye Transplant mo, umasa tayo na maging maayos ang lahat, kapag nailagay na nila ang panibagong mga mata mo."Sabi ni Sally sa asawa niyang si TOnio.

"Sana nga Mahal, ayaw ko ng maging pabigat sayo, yung anak natin na si BIboy kamusta na siya?" Tanong ni Tonio.

"Nasa eskewela siya ngayon, at sabik ka niyang makita umuwi sa bahay."Sabi ni Sally.

"Ganoon ba... Pasensiya ka na Mahal, naakisendente pa ang minamaneho kung Truck, na ikinawasak ng mata ko, dahil sa bubog na pumasok sa mga mata ko."Sabi ni Tonio.

"Hindi na yun mahalaga, ang mahalaga ay buhay ka, at kapaling ka pa namin ng anak mo, at isa pa hindi mo naman ang kasalanan ang aksidenteng iyon. Kasalanan iyon ng kabungguan mong Truck, siya ang nawalan ng preno, mabuti na lamang buhay din ang dalawa mong pahinante."Sabi ni Sally.

"Maswerte pa rin kami, mahal pa rin kami ng Diyos."Sabi ni Tonio.

-----------

At ilang sandali pa..

Dumating na ang Doctor, at ang dalawang assistant nitong Nurse, para dalhin na sa Operating Room si Tonio, para sa kaniyang panibagong mata, sagot naman ng kumpanyang pinag tatrabauhan ni Tonio, ang mga bayarin sa Hospital.

At pinababalik din siya sa trabaho, kapag mabuti na ang kalagayan niya..

----------

"Maswerte kayo Misis, at madali lamang nakahagilap ang hospital ng BAGONg mga mata para sa asawa ninyo."sabi ng Doctor.

"Doc, kayo na po ang bahala sa asawa ko, ingatan ninyo po siya. At gawin ninyo ang lahat para makakita siya muli."Sabi ni Sally.

"Walang dapat ikabahala magiging ayos lang ang lahat, makakakita muli ang asawa mo at magiging normal ulit sa kaniya ang lahat."paniniyak ng Doctor.

----------

Mahirap maghagilap ng kinakailangang parte ng katawan ng tao, na dapat ng palitan tulad na lamang ng Kidney, Puso at Mata.

At malaki ang bayad para sa mga ito..

Pero agad itong nagawan ng paraan ng Doctor, na naka assign kay Tonio, dahil kumuha lamang siya ng dalawang pares ng mata sa isang salvage Victim! na naroon sa Morgue ng Hospital, at wala itong pagkakakilalan kaya sinamatala niya ito ng walang nakakaalam...

At ang malaking halaga na pera na dapat sa pamilyang mag dodonate ng mata, ay ibinulsa na ng Doctor na ito, ang gawain na ito ay madalas na lamang niya gawin. Kaya balewala na lamang ito sa kaniya.

At ang mga mata ng SALVAGE VICTIM ang ipapalit niya sa nawasak na mata ni Tonio.

Wala ng sinayang na Sandali ang Doctor, agad niya sinimulan ang operasyon, para sa panibagong mata ni Tonio.

Halos tatlong oras din nagtagal ang operasyon, at doon pa lamang nakahinga ng maluwag ang asawa nitong si Sally, ng makita niyang buhay ang kaniyang asawa, dahil ganon na lamang ang pag aalala niya rito.

Kahit hindi naman nakamamatay ang operasyon sa mata, hindi ito gaanong kadelikado, kung ikukumpara sa pag opera sa utak at puso.

------------

"Misis, nagagarantiya ko, makakakita muli ang iyong asawa kaya wala ka ng dapat ikabahala."Sabi ng Doctor.

"Salamat po ulit Doc, pati rin sa inyo salamat."Pagpapasalamat ni Sally, sa Doctor at sa mga Nurse.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon