HUWAG ANG ANAK KO!
AUTHOR WILLY VERANONabulahaw ang halos buong baranggay sa walang humpay na pag sigaw ni Mang Edwin sa paghahanap sa kanyang anak na bigla na lamang nawala?
"Anak ko! Anak ko nasaan ka!"Paulit ulit na sabi ni Mang Edwin.
Nagising ang kaniyang Asawa sa ingay ni Mang Edwin maging ang Anak nilang panganay na si Erwin. Naririnig nila na tinatawag nito ang anak niya.
Kaya agad naisip ni Erwin na baka nawawala ang bunso niyang kapatid na babae na si Aleya pitong taon gulang. 1O : Pm na rin kasi ng gabi na iyon at patulog na sila pero nakapagtataka ngang wala roon ang kapatid niyang si Aleya na kanina ay katabi pa nila sa pagtulog.
"Mama! Nawawala si Aleya!" Sabi ni Erwin ang panganay nilang anak.
"Diyos ko po! Nasaan ang kapatid mo! Tara hanapin natin!" Sabi naman ni Ginang Leslie na asawa ni Edwin sa pag aalala nito sa bunso nilang anak na babae.
Napuno ng mga usiserong at usirerang mga kapitbahay ang paligid ng tahanan nila.
"Nawawala na nga anak ko! Pinagtitinginan ninyo pa kami! Mga wala kayong Kwenta!" galit na sabi ni Mang Edwin at bumalik ito sa loob ng bahay at kinuha ang kanyang itak.
"Edwin! Mag hulos dili ka! Mahahanap din natin ang anak natin na si Aleya" Sabi ni Ginang Leslie.
"Papa, bitawan ninyo na ang Itak! Baka makapanakit pa kayo!" Sabi rin ni Erwin.
Ngunit hindi nag papigil si Mang Edwin lumabas ito ng bakuran ng bahay nila, at sinimulan hanapin ang anak niya.
'"Tandaan ninyo ito! Kapag may nangyaring masama sa anak ko! Papatay ako! Papatay ako!" Pagbabanta ni Mang Edwin at sa kanyang pananalita para siyang sinasapian na ng Demonyo.
Natakot na ang karamihan kay Mang Edwin, dahil nanlilisik na nga ang mga mata nito. At mukhang papaslang talaga siya kapag may mangyaring masama sa anak niya. Na tila biglaan na lamang na wala sa kalagitnaan ng gabi.
Kaya naman tumawag na ng mga Tanod ang mga tao para pigilan ang tila pag aamok ni Mang Edwin.
Ang iba naman na naniniwala sa kababalaghan, may haka haka silang kinuha ng BOOGYMAN ang anak nila na si Aleya isa itong Elemento na nangunguha ng mga Bata sa kalagitnaan ng Gabi, at lahat ng kinukuhang bata ng Boogyman, ay hindi na makakabalik pa sa mundo ng mga tao...
"Boogyman? Totoo nga kayang kinuha na ng Boogyman ang kapatid ko? Kung totoo man siya..." Pag aalala ni Erwin sa kapatid.
Samantala patuloy pa rin si Mang Edwin sa paghahanap sa anak niya..
"Anak ko nasaan ka na! Nasaan ka anak ko!" Paulit ulit pa rin na sigaw ni Mang Edwin at muluha luha pa ito.
Kaya maging si Ginang Leslie ay naiiyak na rin sa labis na pag aalala sa anak nilang si Aleya At maging ang panganay nilang anak na si Erwin ay ganoon rin.
"Anak ko.... Hindi ko sila mapapatawad kapag may ginawa sila sayong masama! Papatay ako! Papatay ako!" Galit na sabi ni Mang Edwin.
Ilang sandali pa may mga dumating na ngang mga tanod, at pilit nilang pinapakalma si Mang Edwin. Ngunit tila mas lalo itong naging Agresibo at hindi pa nag paawat. Dala na rin ng labis ng pag aalala sa Anak niya sa biglaan nitong pagkawala.
Pero ang pagiging mabagsik ni Mang Edwin ay napalitan ng Tuwa ng makita niyang nag lalakad lakad ang kanyang anak na may tali pa sa kanang paa. Na tila napatid sa pinagtatalian nito. Agad niyang binitawan ang itak niyang hawak, at tinungo ang kanyang anak at niyakap ng mahigpit.
"Anaaakk ko! Mabuti ayos lang! Pinag aalala mo si Papa..." Masayang sabi ni Mang Edwin habang yakap yakap ang Panabong niyang manok na kung ituring na rin niya ay isang anak...
Na bwisit ang lahat sa hindi inaasahang kakahantungan nito. Kaya naman agad siyang sinabunutan ng asawa niya sa bwisit nito sa kanya.
'Bwisit ka! Ginawa mo pa akong Inahing Manok! Wala akong Anak na Manok! Bwisit ka! Isasahog ko yan bukas sa Tinola!" Inis na sabi ni Ginang Leslie.
"Huwag... Huwag ang anak ko! Huwag!" Pag susumamo ni Mang Edwin sa asawa.
At nag alisan na ang mga tao sa paligid sa pag kadismasya sa nangyari. Habang si Erwin na anak nila ay hiyang hiya sa nangyari. Dahil lang pala ito sa Panabong na Manok ng kanyang tatay.
Samantala ang anak nilang si Aleya ay nag babawas lamang sa Cr. Hindi lang nila agad nahanap ito dala na rin ng sitwasyon kanina sa pag aakalang si Aleya ang Anak na hinahanap ni Mang Edwin.
THE END.