HELLVATOR CHP 2

11 1 0
                                    

HELLVATOR
Author Willy Verano
CHAPTER 2

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

At agad bumukas ang pinto ng elevator para sa kaniya pero buong akala niya siya na ang nagbukas ng pinto dala ng kalasingan niya. At naroon na nga siya sa loob agad niyang pinindot ang botton para sa ikaapat na palapag. Gigil na gigil ito makaganti kay Jerwin sa ginawang pambubugbog nito sa kaniya.
At dahil sa kalasingan na out balance si Gary sa paggalaw ng elevator at natumba at napasandal sa naka sarang pinto ng elevator.

"Dugo? Bakit may dugo rito?" Pagtataka ni Gary.

Ng mapansin niya ang mga natuyong tilamsik ng dugo sa paligid ng elevator. Buong akala niya kasi naroon siya sa elevator na madalas ginagamit ng mga emplayado. Sinikap niyang tumayo kahit nahihilo pa ito at ng patayo na siya biglang bumaba ulit ang elevator. At muli siyang na out balance at natumba muli. kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator. At katulad ni Romy lumapat din ang ulo niya sa bungad ng pinto ng elevator at agad sumara ito.

"Aaahhhhh!!!" Mga sigaw ni Gary habang naiipit ang Leeg niya.

At kasabay ng muling pagtaas ng elevator at doon mabilis na napugot ang ulo niya at humiwalay sa kanyang katawan. Umagos ang dugo sa labas ng elevator mula sa sariwang dugo ni Gary na sinapit ang isang masakit na kamatayan.
Kinaumagahan muling nabulabog ang lahat sa muling biktima ng elevator na iyon na walang iba kundi si Gary.

"Na naman? Kailan ba matatapos ito." Sabi ni Jerwin na nagpasyang pumasok na lamang kesa magpahinga.

"Si Gary? Pero bakit? Narito siya? Kagabi pa raw siya patay ayon sa mga pulis at amoy alak siya kaya may posiblidad na lasing daw siya. Pero iniisip pa rin nilang may pumatay rito. Lalo na at pare parehas lamang ang pattern ng pagkamatay nila puro pagkapugot ng ulo. " sabi ni Diane.

"Multong mapaghiganti? Ito ang may kagagawan nito. Kitang kita ko may kababaghan sa pagkamatay ni Guard Lopez at mailang ulit ko pang nakita ang ulong pugot ni Boss Fernan, pero hanggang ngayon wala namang nangyayaring masama sa kaniya? Nakapagtataka lang anong ibig sabihin ng mga nakikita ko? Bakit ulo ni Boss Fernan ang nakikita ko?" Tanong sa sarili ni Jerwin..

Naguguluhan na nga ang pagiisip ni Jerwin sa mga tila pangitain niya dahil bakit niya nakikita ang ulong pugot sa mga pugot ng ulo ng mga mambitkma? May ibig sabihin ba ang mga ito? Iyon ang lubos hindi niya maisip kung bakit?
Gayunpaman sa pagkamatay ni Gary, palaisipan pa rin kung bakit ito nagtungo sa gusali ngayong hindi na iyon ng trabaho iniisip na lamang nila na dala ito ng kalasingan. At ang pangyayari kay Gary ay malakas ang porsyento na aksidente lamang ito. Gayunpaman hindi pa rin naalis si Jerwin sa suspect. Dahil ngayon siya na lamang ang natitirang Main Suspect.

Pero dahil nga sa kakulangan ng Ebidensya yung matibay na ebidensya pansamantala siyang nakalaya at pinapagpiyansa sa tulong ng Boss Fernan nila. At dahil roon gusto niya itong pasalamatan at pinasya niyang tunguin ito sa opisina bago siya mag simulang mag trabaho upang pasalamatan muli.

Ngunit sa pagbukas pa lamang niya ng pinto ng opisina ni Boss Fernan nakita niya muli ang ulong pugot ni Boss Fernan sa Table nito at ang katawan nito ay nakaupo pa rin habang patuloy ang pagbulwak ng dugo sa naputol na leeg nito.

"Jerwin? Anong nangyayari sayo? Bakit natutulala ka na lang diyan?" Tanong ni Boss Fernan na may halong pagtataka.

"Aahhh kasi Boss nakita ko na naman ang pugot ninyong ulo? wala kayong ulo kanina! Nakahiwalay ito sa katawan ninyo.." Sabi ni Jerwin.

"Jerwin di ba sabi ko na sayo magpahinga ka na lang mo na? I give you permision to leave just for a week at huwag ka mag alala bayad ang mga araw na iyon. Magpahinga ka na lang kasi mo na kung ano ano na ang nakikita mo nag aalala ako sayo dahil pamilya tayo rito hindi lamang mga emplayado." Sabi ni Boss Fernan.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon