GAME MASTER
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Sampung kalalakihan ang ngayon ay haharapin na ang sentensya ng kamatayan.
Dahil hinatulan na sila ng Hukuman dahil sa kanilang pagkalasala at ang parusa nga sa kanila ay kamatayan.
Napagpasyahan na iisang petsa lamang.
Sila I pa Firing Squad upang wakasan ang kani kanilang buhay. Sa itinakdang Petsa ng Judge.Pero..
Ilalagi muna sila sa Kanilang Kulungan habang hinihintay ang takdang araw ng kanilang pag bitay.
At habang nasa police Mobil ang sampung Pero para ibayehe pabalik sa kanikanilang kulungan.
Isang Black Van ang humambalang sa kanilang daan.
Sa lugar na wala na gaano mga tao o sasakyan na dumaraan..
Agad Napahinto ang Police Mobil...
At bumaba ang isa sa limang pulis na Escort ng mga Preso. Upang komprontahin ang mga tao sa Black Van.
Pero..
Agad bumaba ang anim na tao sa Black Van, na pawang nakasuot ng maskarang SMILEY.
At wala ng patumpik tumpik na pinagbabaril nila ang bumabang pulis, at ang apat pang pulis sa loob ng Police Mobil.
"Aaahhhhhhhh!"
Agad napayuko ang sampung Preso na pawang nakaposas ang mga kamay sa Bakal.
Hindi talaga nila binuhay ang mga Pulis na ito! Tinadtad nila ito ng bala ng baril sa kanilang mga ulo at katawan.
Samantala...
Tinungo ng isa sa anim na naka Smiley ang mga Preso at sinabuyan ng Tear Gas upang mawala ng malay ang mga ito.
"Sampong Players sapat na ito."sabi ng isa sa anim sa mga nakasamaskarang Smiley.
At habang walang malay ang Sampung Preso mAtapos nila ito sabuyan ng Teargas.
Pinahupa lamang nila ang Usok ng Teargas, bago nila simulan wasakin ang mga posas ng mga preso sa kamay.
At sa kanilang paggising....
Naroon na sila sa isang silid habang nakagapos ng kadena ang kanilang kaliwang kamay.
"Ano ito? Nasaan na tayo?" Tanong ng isa sa preso na si Jobert 30 Yrs Old.
"Ano ba yong nangyari kanina? At sino ang mga Iyon?" Tanong naman ni Guilermo 35 yrs Old.
"Nakakakadena tayo ano ba ang pakay nila?" Tanong din Crispin 30 Yrs Old.
"Kung sino man kayo! Sabihin ninyo kung ano motibo ninyo!"sabi naman ni Lex 24 yrs old.
"Kainis! Anong ba ang gusto nilang gawin natin? Bakit may kaniya kaniya tayong Lagaring bakal rito?" Pagtataka ni Erol 26 Yrs Old.
"Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ito? O hindi."sabi ni Mhon, 28 Yrs Old, dahil may mga Death Sentence na sila tila patay na rin naman sila kung Tuusin.
Hanggang..
Isang taong Hologram ang lumitaw sa kanilang Harapan..
At nakasuot pa rin ito ng maskarang Smiley.
"Bago mag simula ang lahat isa ako sa Anim na Game Master. At ako si Uno ang unang gagawad sa inyo sa unang pagsubok. Patungo sa inyong ganap na kalayaan."sabi ni UNO.
"GAME? wala kaming panahon sa ganito! Pakawalan mo na kami!" Agad na sabat ni Neji 24 Yrs Old.
"Kalayaan? Kapag nagtagumpay kami sa mga pagsubok? Totoo ba yan?" tanong ni Jason 27 Yrs Old.